I. Apat Dapat

539 21 2
                                    

"Jah! Sino ba yang kausap mo apakatagal!" Inis na sabi ni John Paulo aka Sejun sa kagrupo nyang si Justin.

"Teka lang Sejun wala pa namang 5 minutes tayong naghihintay.
"Bugnutin talaga tong kuya kong'to"

"O Jah san ka pupunta?"

"Teka lang, CR muna ako"

"Ninerbyus ba si Jah?" natanong ni Sejun sa sarili. Lalo syang na curious kung sino tong napakaimportanteng tao na imemeet nila. After ng fan meet nila kanina niyaya sya ni Jah na pumunta nga sa cafe na to.

Meanwhile...

"Des, sure ka ba talaga dito? Bakit kailangan akong magbibigay nito kay Justin?" Hawak hawak ni Lime ang paperbag na may lamang flashdrive na may mga photos ni Justin, letters and gifts.

"Lime, ayuko magpakita kay Justin alam mo naman sitwasyon ko di ba?"

"Hay sige, no choice na talaga, pero paano nya ko makikilala?"

"He knows you"

"Ha? Paano?"

Destiny took a deep breath
"Picture mo ang sinend ko kay Justin."

"Destiny!! anong kalokohan yun?"

"And I told him my name is Lime Roa"

"Ano? Bakit pati pangalan ko?"

"Lime sige na please, once lang naman to gusto ko lang ma receive ni Jah mga gifts ko sa kanya"

"No, Des hindi pwede, papano kung.." Hindi maituloy ni Lime ang sasabihin, naalala nya ang katatapos lang na fan meet ng SB19. And she regretted her decision na pumunta sa event na yun.

"Papano kung ano Lime?"

"Wala, alam mo ba kung sino kasama ni Justin ngayon?"

"Baka kuya nya, I dont know Lime please, pumasok ka na sa Cafe ibigay mo na yan kay Jah"

Napabuntunghininga na lang si Lime. Alam ni Destiny na hindi sya makakatanggi dito. Bumaba na sya sa kotse at pumasok sa cafe.

"Table 10 Lime!" Pahabol ni Des.

Kinakabahan si Lime habang papasok sa Cafe, so Justin knows her name and face, kahit na si Destiny talaga ang ka DM nito sa twitter. Si Destiny ang may username na Sweetcorn77, not her. Pero kelangan nyang magpanggap para mabigay tong regalo ni Destiny.
Ok, once lang naman to Lime, just get this over with.

Dumerecho sya sa Table 10, nagmamadali syang umupo sa upuan at nilagay ang paper bag sa lamesa. Pero parang tumigil ang mundo nya nung ma realize kung sino ang lalaking nakatalukbong ng neon green na hoodie. She really thought na si Justin yun. "Shet Lime, ano na?"

Sejun has never been this confused in his whole life. Kanina sa fan meet nakita nya na ang babaeng to, ngayon nagpakita ulit. Minumulto ba sya? Ang alam nya "ghosting" ang ginawa nito sa kanya, pero hindi pa naman yata ghost.

"Ah sorry, p-pakibigay na lang kay Justin" "Takbo Lime, takbo!" at yun nga ang ginawa nya.

Hinabol sya ni Sejun sa labas ng cafe, hinawakan pa ang kamay nito nung maabutan sya.

"Miss teka lang! Nang-iinis ka ba?"
He asked.

Kinuha ni Lime ang kamay nya at patay-malisyang sumagot.

"Hala Nase bakit?"

"Sa fanmeet kanina, bakit si Justin nasa banner mo pero sa kin ka nakatingin?"

"Huy po, si Justin naman talaga bias ko"

"Ano tawagan natin nung high school?" he asked again.

"Heart?"
Shet Lime! Bakit mo sinagot ang tanong? Taena!!

Lime saw Justin from afar kaya tumakbo ulit sya pabalik sa kotse.

"Sejun! si Lime yun?" Justin asked.

"Yung ime-meet mo? he said, seriously. "Siguro"

"Bakit nagmamadali? Sayang di ko nakausap"

"Di ko alam, may binigay sa yo, nasa table."

"Sayang naman, kala ko makakapag-usap kami, nagpakilala sa yo?"

"Hindi, tara na Jah uwi na tayo"

Putlang- putla si Lime nung pumasok sa kotse. "Des, please wag mo na ulit ipagawa sa kin yun"

Destiny sent a message to Justin and smiled. Kahit hindi sila magkita, simpleng reply lang ni Justin sa kanya masaya na sya.

----
Hi guyz what do you think? Hehe please leave a message!

Username: Sweetcorn77Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon