CHAPTER 3

10 3 0
                                    

Unti unti kong minulat ang mga mata ko, Laking gulat ko ng wala ako sa restaurant. Ano bang nangyari? Bakit na sa bahay ako nila austin? Ang alam ko nasa restaurant ako ah, paano ako napunta sa kwarto ko?  Sinubukan kong tumayo kaya lang biglang sumakit ang ulo ko.

"Aray!" Daing ko, Agad namng bumukas nag pintuan ng kwarto at lumantad duon si Austin na puno ng pagaalala ang mukha.  "Heaven? Are you alright? Masakit ba?" Tinulungan niya akong makaupo. "Medyo, pero paano ako napunta rito?" May kinuha muna si austin dun sa drawer at sumagot.

"Nawalan ka ng malay, Nabagok yung ulo mo dun sa lamesa nung tinulak ka ni ashton, Nahulog karin duon sa mga bubug gawa nung nabasag na plato kaya may sugat ka. " Paliwanag niya, Ashton? Nahulog? Tinulak-- Oh my! Akala ko panaginip lang yon!

"Nasaan na yung lalaki? Kailangan kong humingin ng sorry! Mawawalan ako ng trabaho kapag hindi ako nakapagsorry sakanya." Tinanggal ko yung kumot at tatayo sana kaya lang pinigilan ako ni austin.

"Don't worry, Nakausap ko na si ashton pati yung boss mo. I told your boss not to fire you and he agreed. " Nakahinga naman ako ng maluwag. "Eh yung lalaki?" Tinignan niya ako at kinuha yung gamot at pinainom sakin bago sumagot.

"He's my friend, It's okay. I already talked to him." Magkaibigan silang dalawa? Teka! Si Austin ba yung pang limang lalaki na sinasabi ni cherryl? Kasama niya ba yung mga lalaking yon?

"Oo, Kasama ko sila. I'm sorry kung nagawa sayo ni ashton iyon, He's Insensitive sometimes. " Parang nabasa niya ang nasa utak ko. Naiintindihan ko kung bakit niya ginawa yun sa akin. Malamang natapunan ko yung damit niyang mas maham pa sa buhay ko. "Hindi mo kailangang humingi ng tawad, Tin bebs." Napangiti naman siya ng tawagin ko siyang Tin bebs.

"Masaya akong okay ka lang. Teka lang, Ikukuha kita ng pagkain. alam kong gutom ka na." Ngumiti ako at tumango. "Thank you." Hinalikan niya ako sa ulo ko at lumabas para kumuha ng pagkain.

"Aalis na ako." Tumango ako at naglakad siya palabas ng kwarto para ikuha ang pagkain ko. Napakabait talaga ni Austin sa akin. I wonder kung bakit wala pa siyang naging girlfriend ever since. Napaka gwapo, Gentleman, mabait at sobrang thoughtful and faithful.

"Ano pa bang hahanapin nila sa isang lalaki? He's perfect." Parang tanga akong kinakausap ko yung sarili ko. Pero naniniwala naman ako na sa sinabi ni mama.

Na sa bilyong bilyong tao sa mundo, May isang taong nakatadhana para sa iyo. Kaya kung na heartbroken ka, Posibleng hindi siya ang taong hinihintay mo, Na may mas deserving pa at destined sayo.

Nawala ako sa pag d-day dream ko ng tumunog yung phone ko. Kinuha ko yun sa bed side table. "Hello, All--" ally cut me.

"Whaa! Heaven! Anong nangyari sayo?! Narinig namin yung nangyari sayo! Sinabi samin ni austin kanina lang! Gaga ka talaga! Sabi ko sayo wag ka na muna magtrabaho eh!" Napintig ang tenga ko sa sigaw ni ally.

"Okay lang nam--" Si serena naman ang sumagot. "Gaga! Anong okay?! Nasugatan ka daw at naumpog ang ulo mo! Alam mo bang alalang alala kami ni ally nung sinabi ni Austin na andaming dugo ang lumabas diyan sa kokote mo!" Napalayo yung tenga ko dun sa phone.

"Pwede bang kumalma kayo? Okay lang naman talaga ako eh, " sabi ko na agad namang nagsalita si Ally. "Ano bang nangyari?! Bakit ka naumpog?" Naalala ko yung senaryo kagabi.

'Stupid! Yan na ngalang ang gagawin mo tanga ka pa?! ' tumulo naman ang luha ko. Grabe naman siya kung makalait. Tagos tagusan. Hindi ko naman sinasadya eh.

"Ally? Serena? " Tawag ko sakanila. "Ano?" Saby nilang tanong. "Hindi naman ako tanga diba?" At yun na nga humagolgol na ako ng iyak. "Punyeta! Hindi! Sinong nagsabi sayo niyan?! Babasagin ko mukha! " Sigaw ni ally na ikinaiyak ko pa lalo.

The Bad Boy Changed Me (Book 1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon