Part 12. Life or Memory

58 1 0
                                    

Patuloy ngang nanghina at namayat si Sandy. Tuluyan nang naubos ang kaniyang buhok. Lagi na rin siyang naka-gas mask para hindi na siya dapuan ng ibang sakit. Para akong sinaksak sa puso sa tuwing makikita ko ang kaniyang kaawa-awang kalagayan. Kung may magagawa lang ako para gumaling siya.

Kinausap ko nga ang doctor ni Sandy, patungkol sa kalagayan niya. Tinapat na ako ng doctor ni Sandy, na malabo na siyang gumaling. Pag labas ko nga sa opisina ng doktor ay napaupo ako at lumuha.

Pumunta nga ako sa kwarto ni Sandy, at narito, siya. Magkagayon pa man ay kinausap ko siya.

Sandy, mahal ko. Ngayon ko lang lubos na naunawa, kung bakit mo ako hiniwalayan noon(pumapatak ang luha). At masasabi ko na makatwiran ang dahilan mo, dahil ang sakit sakit para sa akin na makita ka sa ganyang kalagayan, at nalalaman kong unti-unti kang mawawala sa akin. Pero, Sandy, kahit ganito ang kalagayan natin, tutuparin ko pa rin ang pangako natin sa isa’t isa, walang iwanan. –sabi ko kay Sandy.

Lumabas ako ng kwarto, at tuluyang umiyak

(Hindi nga alam ni Harry na nakikinig si Sandy sa kaniya, at napaiyak sa kaniyang mga sinabi.)

Nakatulog nga ako sa pagbabantay kay Sandy, at nanag-inip ako. Narito, isang napakaputing kapaligiran. Sobrang puti na nakakasilaw sa mata. Bigla ngang may nagsalita at kinausap ako.

Harry –sabi ng tinig

Are you God? Or an angel maybe? –sabi ko

I am no God, nor an angel. Pero kaya kong iligtas si Sandy, sa kaniyang kalagayan, kaya ko siyang iligtas sa kamatayan. Pipili ka lang sa dalawang pagpipiliang ibibigay ko. –sabi ng tinig

Ano naman ang mga pagpipilian ko, para mailigtas si Sandy. – sabi ko

Ano ang kaya mong ibigay para mailigtas ang iyong minamahal, ang iyong buhay, o ang iyong alaala. Kahit anong piliin mo mabubuhay si Sandy. Ngunit kung hindi ka pipili, bukas mamamatay siya, at mawawala sa iyo ng tuluyan. –sabi ng tinig

Nag-isip ako kung ano ng aba ang pipiliin ko, buhay o alaala. Nang makapagpasya na ko ay sinagot ko ang tinig.

Nakapili na ako. –sabi ko

Sigurado ko na ba sa napili mo? –tanong ng tinig

Sigurado na ko. –sabi ko

Mangyayari na makakaligtas si Sandy sa kamatayan niya, at ang iyong pinili, magkakatotoo sa iyo. –sabi ng tinig

At nangyari, nang matapos ang aming pag-uusap ay tila hinila ako mula sa likod. At ako ay nahulog mula sa langit, at bumagsak ng malakas sa lupa. Nagising ako sa panaginip, at nakita ko si Sandy. Mahimbing na natutulog sa kaniyang kama.

Kinabukasan nang magising si Sandy, ay agad ko siyang inalagaan. Habang sinusubuan ko siya ng almusal ay bigla niyang sinabi:

Harry, can you kiss me? –sabi ni Sandy

Ano? –sabi ko

I said, can you kiss me? –sabi ni Sandy

Inilapit ko nga ang aking labi sa kaniyang labi, at hinagkan ko siya. Tumutulo ang aking luha maging ang sa kaniya. Matapos ay hiniling niya sa akin, na gusto niyang gumala, gusto niyang lumabas sa hospital. Inihanda ko nga ang wheelchair. Ngunit sinabi niya:

Ayaw kong sumakay dyan, gusto ko sa likod mo –sabi ni Sandy

At sinunod ko ang gusto niya. Sinabi niya na gusto niyang pumunta sa isang park. Habang nagbibiyahe kami papunta doon. Naalala ko ang panag-inip, at ang pinili ko. Kung totoo man yun. Hindi ko na matutupad ang pangako ko kay Sandy na walang iwanan. Dumating kami sa park. At muli ko siyang binuhat. Sinabi niya:

Alam mo na mi miss kong kurutin ka, yung masakit na kurot, tapos yung sumisigaw ka ng malakas. Kasi kahit masakit para sa iyo, tinitiis mo pa rin mapasaya lang ako. –sabi ni Sandy.

Naghahabilin ka na ba? –sabi ko

Oo, pag namatay na ako, maghanap ka ng iba, kalimutan mo kaagad ako. Sunugin mo lahat ng remembrance mo sa kin. Itapon mo lahat, huwag mo I-treasure, dahil kapag maalala mo ako, alam ko masasaktan ka. –sabi ni Sandy

Huwag kang magsalita ng ganyan Sandy, gagaling ka pa, mabubuhay ka pa. –sabi ko

Nagutom nga ako, dahil sa mahabang paglilibot sa park, ganoon din si Sandy. Ibinababa ko siya sa isang bench. At ako’y bumili ng aming makakain. Malayo nga ito sa kinalalagyan ni Sandy. Bumili nga ako ng banana cue. Nang bigla ngang may kotseng sumalpok sa aking kinatatayuan.

Sandy’s Story

Naghihintay nga ako sa pagbalik ni Harry, nang biglang magkagulo ang mga tao. Nagtungo nga sila papunta sa isang direksyon. Humingi ako ng tulong sa isang tao, at tinulungan nya naman ako. Hindi ko nga alam. Biglang bumibilis nga ang kabog ng aking puso, sa di malamang dahilan. At nalaman ko na nagkaroon ng bangaan. Ngunit natanaw ko sa malayo, ang tila isang pamilyar na damit, kulay maroon na polo shirt. Ang may suot ay nakahandusay semento. Nilapitan ko nga ito, at bigla akong nanigas at natulala, nang makita ko kung sino.

Si Harry, nakahandusay siya. Unti-unti akong lumapit sa kaniya. Duguan ang kaniyang ulo. May malay siya. Hinawakan niya ang mukha ko, at inusal ang aking pangalan, bago siya nawalan ng malay. Nagsisigaw ako dahil sa panic, upang humingi ng tulong. Niyakap ko si Harry habang hinihintay ang mga rescue.

At dumating ang ambulansya inihatid kami sa hospital. Habang dinadala nga si Harry sa Emergency Room, ay bigla akong nahilo at nawalan ng malay.

Sino kaya sa kanilang dalawa ang mananatiling buhay?

STORY NO. 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon