Part 15. Will You Marry Me?

63 1 0
                                    

Lolo Harold’s Proposal

Nag set nga si Mel ng double dinner date, sa isang napaka-romantic na resto. Ito rin nga ang resto kung saan ipinagtapat ni Harry na may gusto siya kay Sandy. Napapaluha nga si Prof. Sandra, dahil sa mga alaala nila sa resto na  iyon. Gaya ng dati ay tinugtugan sila ng romantic na music habang kumakain.

Bigla ngang umalis sila Julia at Mel, sa kalagitnaan ng date. Ipinagtapat nga ni Mel kung bakit sila umalis bigla sa double dinner date.

Alam mo ba Julia kung bakit tayo umalis doon? –tanong ni Mel

Bakit? –tanong ni Julia

Magpo-propose si Lolo kay Prof. –sabi ni Mel

What? –sabi ni Julia

Kaya dito lang muna tayo sa labas. –sabi ni Mel

Samantala sa loob ng restaurant, sila Harry at Sandy ay sumasayaw sa saliw ng romantikong musika. Patuloy na humihingi ng tawad si Harry kay Sandy, dahil sa kaniyang pag-iwan sa kaniya.

Wala kang kasalanan Harry, wala kang naaalala noon. Importante ay bumalik ka sa akin, at tinupad mo ang pangako natin sa isa’t isa, na walang iwanan. –sabi ni Sandy.

Alam mo ba, nung hiniwalayan mo ako noon, may balak akong gawin sana pero hindi natuloy. Dahil nga hiniwalayan mo ako. Nagalit ako sa iyo, at hindi ko na naituloy. Maski nung naunawaan ko na ang sitwasyon hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon. –sabi ni Harry

Alam ko, binanggit mo sa kwento mo sa mga bata, diba? –sabi ni Sandy

So didiretsahin na kita, Sandy(lumuhod nga si Harry, at nilabas ang singsing), will you marry me?

Matagal nga bago nakasagot si Sandy, ngunit ang dulo din nito ay YES. Matapos noon ay naghalikan sila. Nanonood nga sila Julia at Mel sa gilid at pumapalakpak. Naalala nga ni Julia ang kaniyang sariling karanasan ng magpropose sa kaniya si Mel, iilang panahon ang nakakaraan.

Mel’s Proposal

Namamasyal nga noon sila Julia at Mel, nang bigla silang harangin ng hindi kilalang mga lalake. Dinukot nga nila si Julia. At si Mel ay binugbog at iniwan sa daan. Piniringan nga nila si Julia, hanggang sa makarating sa kanilang hideout. At pumasok nga ang kanilang boss. Isang babae. Inutusan niya si Julia.

Maghubad ka –sabi ng babae

Bakit? Sino ka at nasaan ako? –tanong ni Julia

Sumunod ka nalang at huwag kang maraming tanong! Huwag kang mag-alala hindi ka namin sasaktan. –sabi ng babae

Sumunod nga si Julia, hinubad niya ang kaniyang damit maliban sa underwear. Pumasok nga ang mga babae at binihisan siya ng isang pink gown. Napalitan nga pagtataka ang takot  ni Julia kung bakit siya pinabibihisan ng gown. Nararamdaman niya na gown ang sinusuot, kahit may piring siya. Pinatanggal nga ng babae ang piring, ngunit inutusan siya na manatiling pumikit. Sa takot nga ni Julia sa babae, ay sumunod na lamang siya. Inumpisahan nga siyang lagyan ng make-up. Matapos noon ay ibinalik ang piring. Muli ay inilakad siya at isinakay siya sa isang sasakyan. Kasama pa rin ang babae sa sasakyan.

At dumating nga sila sa lugar. Inilakad nga ng babae si Julia hanggang sa school gymnasium. Punong puno ito ng mga estudyante. Nang makarating nga siya sa bungad ay tinanggal ang piring. Ang mga estudyante ay nagpapalakpakan. Tinugtog ang kantang Marry Me by Jason Derulo. Sa stage nga ay nandoon si Mel, naghihintay. Nawala nga ang inis at takot ni Julia, sa nangyari sa kaniya. Naglakad nga siya sa red carpet. Patungo kay Mel. Pinatulong pa nga siya ni Mel sa paghahanda. Ang alam niya ay si Helson ang magpropose sa kaniyang girlfriend na si Chelsea.

Nang makarating nga si Julia sa stage ay, pinatigil ni Mel ang tugtog, lumuhod sa harap ni Julia at nagsalita:

Julia, you know I love you very much. At ayaw na kitang pakawalan pa for the rest of our lives, in sickness and in health, till death do we part. Kaya Julia, will you marry me? –sabi ni Mel

Napatakip nga ng kamay sa kaniyang bibig si Julia. Ang mga estudyante naman ay nagsigawan ng YES YES YES, mala Daniel Bryan. At sumagot si Julia:

No –sabi ni Julia

Natahimik nga ang lahat, napatulala si Mel, at tila na disappoint, nagpatuloy nga sa pagsasalita si Julia.

No, there is no way I will not say, YES. –sabi ni Julia

Kinabahan nga si Mel. Isinuot nga n Mel ang singsing sa daliri ni Julia. Tumayo siya at hinalikan si Julia. Tumakbo sila palabas, habang ang buong gym ay nagsisigawan ng YES YES YES. Nang makalayo na sila ng tuluyan sa school ay ipinagpatuloy nila ang kanilang halikan.

Inihatid nga ni Lolo Harold si Professor Sandra sa kanilang bahay. Sila Julia at Mel naman ay naglibot pa sa siyudad. Tumambay sila sa isang park upang pagmasdan ang mga buwan at bituin.

Alam mo naalala ko nung nagpropose ka sa akin. –sabi ni Julia.

Ngumiti nga si Mel, at bigla siyang kinurot ni Julia.

Aray Julia, bakit mo ginawa iyon? –sabi ni Mel

May ginawa ka pang pa kidnap-kidnap ha, natakot kaya ako! –sabi ni Julia.

Magsosorry sana si Mel, ngunit ngumiti si Julia sa kaniya at sinabi:

But I like it, I really really like it. –sabi ni Julia

Hinawakan ni Julia ang mukha ni Mel at hinalikan. Matapos noon ay nagsalita si Mel.

Alam mo Julia, ikaw naman ang unang nangidnap eh, kinidnap mo ang puso ko.

At muli ay naghalikan sila sa ilalim ng buwan at bituin.

STORY NO. 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon