Part 14. Professor Has Her Doubts

60 1 0
                                    

Julia Reading the last lines of Lolo Harold Story

Nawala nga lahat ng aking alaala patungkol kay Sandy matapos akong magising sa aking aksidente. Umalis kami ni Mama upang magtungo ng Amerika, para maibalik ang alaala ko. Ngunit walang nangyari, hindi ito bumalik. Nakilala ko nga ang babaeng si Hanna. Isa din siyang Pinay. Nagkapalagayan kami ng loob hanggang sa magpakasal kami. Nagkaanak kami ng isa, ngunit namatay si Hanna sa panganganak. Ang pangalan nang naging anak namin ay Jenny. Lumipas ang panahon ay lumaki si Jenny, bilang isang magandang dalaga. At maraming nagkagusto sa kaniya. Ngunit ang sinagot niya ang lalaking nagngangalang Maverick. Ikinasal sila at nagkaanak. Ito na nga si Mel, ang aking apo.

Nang ipanganak nga si Mel, ay bumalik lahat ng alaala ko kay Sandy. Bigla akong nalungkot, dahil napakahabang panahon ang lumipas. Marahil ay naligtas ko talaga si Sandy, ngunit hindi ko natupad ang pangako ko sa kaniya, na hindi ko siya iiwan. Ano kaya ang nadarama niya. Nasusuklam din kaya siya sa akin. Mapapatawad pa rin niya kaya ako kung magkikita kaming muli. Sana sa pamamagitan ng kwentong ito, ay magtagpo muli kami.

Doon nga nagtapos ang kwento ni Lolo Harold, halos lahat ng nasa klase ay umiiyak, ngunit hindi si Professor Sandra. Nagsalita siya sa klase.

Well written story, well composed. But I am not convinced, that it is a real story. I think I will put a failing grade to all of you. –sabi ni Prof. Sandra.

Pero maam, totoong istorya yan, hindi gawa-gawa ng lolo ko yan. –sabi ni Mel na may paninindigan.

How will you know? –sabi ni Prof. Sandra

I don’t really know maam, I just felt and believed that my grandpa is not lying about his story. –sabi ni Mel.

Prove it to me, Mel. Bring your lolo here. Only then I might give you all a passing grade. –sabi ni Prof. Sandra.

Umalis nga si Prof. Sandra sa klase. Galit na galit si Mel dahil tila inaakusahan ni Prof. Sandra ang kaniyang lolo na sinungaling. Maging si Leo at Lei, ay galit din. Niyakap naman ni Julia si Mel.

Nagtungo nga sila Leo at Lei, sa faculty, upang makiusap kay Prof. Sandra. Ngunit wala na si Prof. Sandra. Nakauwi na ito. Agad namang nagtungo si Julia at Mel sa bahay ng kaniyang lolo. Sinabi nitong kailangan daw siyang makausap ng kanilang Professor, dahil hindi ito naniniwala sa kaniyang istorya. Nagalit nga si Lolo Harold at gustong sugurin rin ang Professor. Magtutungo nga sila sa eskwelahan sa susunod na araw.

Sila Leo at Lei, ay maagang pumasok upang makiusap kay Prof. Sandra. Ngunit wala pa si Prof. Sandra. Ngunit naabutan nila ang ilang instructor, tinanong nga nila kung anong oras ito darating. Nang paalis nga sila ay narinig nila ang ilang instructor, na nag-uusap patungkol sa isang istorya ng isang Harry at Sandy. Nagtataka nga sila kung bakit alam ng mga instructor iyon. Nang malaman nila ay agad nilang tinawagan si Julia at Mel. Ngunit hindi nila makontak ang mga ito.

Nasa biyahe na nga si Julia at Mel, at si Lolo Harold, nang makontak sila nila Leo at Lei. Pinagmamadali nila ang magkasintahan, dahil sa kanilang natuklasan. Ngunit bago pa man nila masabi ay naputol na naman ang kanilang kontak. Nagtungo nga sa gates sila Leo at Lei, upang abangan sila Julia. Ngunit nagkasalisi sila nakapasok na sila Julia, Mel at Lolo Harold.

Agad ngang nagtungo sila Mel sa may faculty room. Nakita nga nilang lumabas si Prof. Sandra, ngunit patungo ito sa ibang direksyon, at hindi sila nakita. Sumigaw nga si Mel:

Maam, nandito na po ang lolo ko, si Lolo Harold. –sigaw ni Mel

Napatigil nga si Prof. Sandra. Unti-unti siyang tumalikod, at nang tuluyan siyang makaharap kay Mel, Julia, at Lolo Harold ay nabitawan niya ang kaniyang mga dinadala. Nanlaki nga rin ang mata ni Lolo Harold ng makita si Prof. Sandra. At sinabi nila sa isa’t isa.

Harry. –sabi ni Prof. Sandra

Sandy. –sabi ni Lolo Harold

Tumakbo sila patungo sa isa’t isa at nagyakapan. Hindi nga makapaniwala sila Julia at Mel sa kanilang nasasaksihan.

OMG, hindi ako makapaniwalang mangyayari ito. –sabi ni Julia

Dumating nga sila Leo at Lei sa kinaroroonan nila Julia. At natuwa sila sa kanilang nasaksihan. Tinanong nga ni Julia kung ano ang sasabihin nila Leo at Lei. Sumagot sila:

Hindi na namin kailangan sabihin, alam niyo na eh. –sabi ni Lei.

Naglakad ngang magkahawak ng kamay sila Prof. Sandra, at Lolo Harold, o sila Sandy at Harry. Sa malayo nga ay sumusunod sila Julia at Mel. At nakarating sila sa bench sa ilalim ng puno. Sapagkat ang eskwelahan kung saan nagturo si Sandy, pagkatapos niyang magretiro as DJ hanggang ngayon, ay ang siya ring eskwelahan kung saan sila grumaduate kapwa ni Harry.

Samantala sila Leo at Lei, ay naghatid ng balita sa klase ni Prof. Sandra. Pasado silang lahat, at hindi na nila kailangan gumawa ng film patungkol sa istoryang ni research nila. Ayaw nga ni Prof. Sandra at Lolo Harold, na ikalat ang kanilang love story.

Naiiyak naman si Julia habang pinagmamasdan sila Prof. Tinanong niya si Julia si Mel.

Kung malagay din ba ako sa sitwasyong gaya ni Sandy, gagawin mo rin ba ang ginawa ng iyong Lolo Harry? –tanong ni Julia

No, I will let you die of cancer. –pabirong sagot ni Mel.

Hindi nga nagustuhan ni Julia ang sagot niya.

Go to hell Mel. I hate you. –sabi ni Julia

Naglakad si Julia palayo kay Mel. Hinabol naman siya ni Mel, at nang maabutan ay niyakap siya at nag sorry.

Julia, joke lang yun. Sorry na. Pero you know me naman diba. I will do anything for you. Kung sakali bang magkakaganoon, kaya mo ba akong hintayin, gaya nang ginawa ni Prof. Sandy? –sabi ni Mel

Kaya ko, para sa iyo Mel kakayanin ko. –sabi ni Julia.

Naghalikan nga silang dalawa habang ang araw ay lumulubog. Bago tuluyang umuwi ay nag-double dinner date muna sila Mel and Julia, at Harry and Sandy. Pero sa katotohanan ay date talaga ito ni Harry at ni Sandy.

STORY NO. 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon