Part 8. The Secret Admirer

64 1 0
                                    

Buti na lang at hindi na nagalit sa akin, matapos ko siyang biruin nang madapa. Kasalanan din niya naman kasi dahil siya ang unang nang-asar. Pero ano nga kaya ang ibig niyang ipahiwatig doon sa mga salitang, your lips are soft. Hindi ko nga alam.

Bago ko pa man malaman, ay tinamaan ako ng isang sakit, matinding trangkaso. Naging dahilan nga ito para mahospital ako. Tinawagan ko nga sila Bill at Steve upang sabihin nila kay Best na nasa hospital ako. Agad nga akong pinuntahan ni Best nang malaman niya. Natuwa ako at nandoon siya. Nakalimang araw nga ako sa hospital at laging nandoon si Best, ngunit nung pangalawang araw, ay may naisip akong gawin.

Best, may ipagtatapat ako sa iyo. –sabi ko sa kaniya.

Ano yun? –sabi ni Best

Alam mo ba yung leukemia? –sabi ko sa kaniya

Oo naman, cancer sa dugo yun diba? –sabi ni Best

Meron ako noon, malala na daw sabi ng doktor, Stage 4. Baka hindi na ako gumaling kahit anung gamutan ang gawin. –sabi ko sa kaniya

Best, huwag kang magsalita ng ganyan gagaling ka pa diba? diba tutuparin mo yung pangako mo sa akin na walang iwanan? –sabi ni Best

Pasensya ka na Best, baka hindi ko na matupad yun. Tanggap ko na ang kapalaran, sana matanggap mo na rin. –sabi ko sa kaniya.

Maiyak-iyak nga siya ng bitawan ko ang salitang iyon. May sasabihin pa sana siya, ngunit hindi ko na napigil ang aking hagikhik, at napatawa na ako. Nginitian niya ako at sinabing:

It’s a joke right? –sabi ni Best

Yes it is. –sabi ko sa kaniya

Kinurot niya ako ng matindi, at napasigaw ako ng malakas at sinabi niya.

Then you are not funny! –sabi ni Best

Nagpasukan nga sila Mama, dahil sa sigaw ko. Isinumbong naman ako ni Best na biniro ko siya na may cancer ako. Magkagayon paman ay nanatili pa rin si Best sa tabi ko. Sa loob ng limang araw ko sa hospital ay hindi siya pumapalya sa pagdalaw. Minsan nga ay siya ang nag-aalaga sa akin.

Sandy’s Story

Nakakainis talaga si Best, biro mo, biruin ako na may cancer siya. Bagama’t biro yun, huwag naman sana magkatotoo. Dahil hindi ko kakayanin na mawala sa akin si Best, si Harry.

Patuloy nga ang buhay, nakakamiss lang at wala si Harry, na lagi akong inaasikasu, pag nandito siya. Ikatlong araw na nga niya sa hospital dahil sa sakit niya. Binuksan ko nga ang locker ko, at narito, isang bulaklak na rose at may note.

You are so beautiful –Anonymous

Napaka-sweet naman kung sino man ang nagpadala nito. Pero nakakatakot din. Sino kaya siya. Isa nga lang ang may hawak ng susi ng locker ko maliban sa akin. Si Best nga iyon. Ngunit sinabi niya sa akin bago siya magkasakit, na nawala niya ang susi nito. Sino nga kaya itong secret admirer ko?

Magkagayon pa man, kinumpronta ko pa rin si Best sa hospital. Itinanggi niya na siya ang nagpapadala ng rose at  note. At sinabihan niya pa ako.

Alam mo Best, kahit Bestfriend kita, hindi ikaw ang type ko. –sabi ni Best sa akin

Hindi ko nga alam kung bakit, pero parang nasaktan ako sa sinabi niya. Pumunta nga ako sa CR ng hospital. Hindi ko napansin na tumulo ang luha ko.

Sandy bakit ka nasasaktan, porke’t sinabi niya bang hindi ka niya type, o dahil hindi sa kaniya galing ang note at rose. Ay hindi. Erase, erase, erase. –sabi ko sa sarili ko habang nananalamin.

Oo, mas gusto ko na kay Best na lang sana nanggaling ang note at rose na iyon. Hindi nga ako nagkagusto sa ibang lalake, dahil si Best lang, si Harry ang gusto ko, at wala nang iba. Ngunit hindi niya pala ako type.

Patuloy pa rin akong binibigyan ng roses at notes ng aking secret admirer. Tila nga nahuhulog na ang loob ko sa kaniya kahit di ko siya kilala, at nakikita. Isang araw nga ay nag-iwan siya ng number sa notes. At may nakalagay ngang salita na Call Me. Agad ko siyang tinawagan. Isang pamilyar na boses nga ang narinig ko. Ka boses niya si Bill. Sinasabi niya na ibig niya akong makita at pormal na ligawan.

Bilang paggalang nga kay Best, sinabi ko sa kaniya na balak akong ligawan ng nagbibigay sa akin ng notes at roses. Masaya nga lang siya na pinayagan ako na magpaligaw sa iba. Umalis nga ako sa tabi niya. At pumunta ako sa C.R., doon tuluyang sumabog ang damdamin ko at lumuha. Paano niya ngang nagagawang hayaan ako na mapunta sa iba. Akala ko ba walang iwanan.

Tumawag nga muli ang aking secret admirer, sinabi niya na magbihis ako ng maayos. Ngayon na nga ang araw na sinasabi niyang makikipagkita siya sa akin. At nagbihis ako ng maayos, at nagpaganda ng lubos. Sisiguraduhin kong magugustuhan ako ng nanliligaw sa akin, yun ay dahil parang hindi na ulit ako mahalaga kay Harry.

At pumunta ako sa resto na sinasabi niya. Napaka romantic nga nito. At wala ngang ibang tao kundi ako. May mga violin players pa nga. Lalo tuloy akong kinikilig kung sino man siya. At muli ay tumawag siya at narito, si Bill nga.

Bill, huwag mong sabihing ikaw –sabi ko kay Bill

Bigla ngang may nagsalita, na isa ring pamilyar na boses

Of course hindi si Bill –sabi ni Steve

Steve, umayos ka ayaw ko ng ganitong biro –sabi ko kay Steve

Naka akma nga akong susuntukin si Steve, mas ok nga kung si Bill. Pero may girlfriend na si Bill. Kahit si Steve. Tama nga kaya ang hinala ko. Nagsalita nga muli si Steve.

Hindi ako, hindi rin si Bill kundi siya. –sabi ni Steve

Tumuro nga siya sa second floor ng resto. At narito isang lalake ang bumababa. Si Harry nga iyon. Naiinis ako, na natutuwa. Hindi pa rin niya pala ako hinahayaan na mapunta sa iba. Ngunit dinaan niya pa rin sa parang prank ang mga moves niya. Na nakakakilig at nakakainis dahil pinaglaruan niya pa rin ang feelings ko. Para makaganti ay kinurot ko siya.

Ouch, ang sakit –sabi ni Harry

Hindi mo pala ako type! –sabi ko kay Harry

Sorry for making you cry. –sabi ni Harry

At kumain kami habang tinutugtugan ng romantic music. Matapos noon ay sumayaw kami sa sweet na music. Sumandal ako sa dibdib niya at lumuha. Tears of joy.

Harry’s Story

Natapos nga ang aming date, ni Sandy, ngunit hindi pa rin ako nakapagtapat ng feelings sa kaniya. Umalis nga kami sa resto. At dinala ko siya sa sa isang overview, kung saan kita namin ang buong siyudad. At nagsalita ako sa kaniya

Sandy, I know this might be cheesy. Mula nga nung bumalik ka. Weird feelings that I can’t define occurred in me. I like seeing you, I like holding your hands, I like hugging you. I like also when you are around, and I hate it when you are not. It’s making me crazy when I’m not seeing you. I cry when you threaten to end our friendship over a bad joke. And when that accidental kiss happens, I felt electricity within my body. That weird feelings, I think, is love. Sandy, I think I’m in love with you.

Tumingin ako sa kaniya at yumuko siya at ngumiti. Muli nga akong magsasalita sana akong magsasalita, nang biglang halikan niya ako sa lips. Nagtagal nga ang halikang iyon. Matapos nga iyon ay sinabi niya.

Harry, I also have that feelings too –sabi ni Sandy

Muli ko siyang hinalikan. At isang meteor shower ang nagangap. Inihatid ko siya sa kaniyang bahay at sinabi ko sa kaniya.

So, tayo na ba? –sabi ko

So tayo na? You kiss me twice, tapos sasabihin mo, so tayo na. Stupid. From now on I’m not your bestfriend anymore, I’m your girlfriend now. –sabi ni Sandy

Matapos niyang sabihin iyon, pinabaunan niya ako ng isang halik na maikli sa labi at pumunta na siya sa pinto. Sinabi ko sa kaniya.

Sandy, I love you

I know. –sabi ni Sandy.

STORY NO. 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon