Part 10. Beginning of Hardships

56 1 0
                                    

Kapag wala na ako, ikaw na ang bahala kay Sandy –sabi ni ng Papa ni Sandy sa akin.

Iyon nga ang isa sa huling habilin ng Papa ni Sandy sa akin. Tila ba nakita niya ang paparating niyang kamatayan. Marami ngang problema na iniwan ang kaniyang Papa. Marami siyang utang na hindi nabayaran. Dumagdag pa ang mga gastos sa hospital at sa libing. Kukunin nga ng mga pinagkakautangan ang kanilang bahay at ibang ari-arian.

Gaya nga ng dati ay inabangan ko si Sandy palabas mula sa kaniyang classroom. Ngunit wala siya. Nilibot ko ang buong campus. Ngunit hindi ko siya nakita. Pumunta ako sa swimming pool, ngunit wala din siya doon. Naglakad nga ako patuloy sa paghahanap sa kaniya. At nakita ko siya sa isang bench sa ilalim ng isang puno. Natanaw ko mula sa malayo na siya ay lumuluha. Lumapit ako sa kaniya at tinawag siya. Tumingin siya sa kin, pinahid niya ang kaniyang luha, at ngumiti. Tumayo siya at hinawakan ang aking mga kamay, at humilig sa aking  balikat habang naglalakad kami palayo sa bench na kaniyang kinauupuan.

Nakarating nga kami sa Manila Bay, at narito ang paglubog ng araw ay napakaganda. Bigla ngang sinabi ni Sandy:

Harry, pwede ko bang hiramin ang likod mo, nang sandali. –sabi ni Sandy

Nagtungo siya sa aking likuran, niyakap niya ako at humagulgol ng mahinang hagulgol. Maging ako ay naluluha ng mga pagkakataong iyon. Matapos noon ay ipinagtapat niya sa akin na titigil siya sa pag-aaral sa susunod na semester. Isang semester na nga lang ay graduate na kami pareho. Hindi na daw kaya ng kaniyang Mama, ang gastos kahit mag-apply siya ng scholarship sa aming school. Bumagsak nga ang kanilang mga kabuhayan, nalubog sila sa utang, at naghirap ng matindi. Halos walang-wala na sila. Hinatid ko sila sa kanilang bagong tinitirahan, hindi na nga ito kasing ganda ng kanilang dating bahay.

Kinausap ko ang aking mga magulang upang matululungan ang pamilya ni Sandy. Binigyan nga ng trabaho nila Mama at Papa, ang Mama ni Sandy, at si Sandy. Pinatira rin naman namin sila sa aming hotel ng libre. Binigyan din nila ng allowance si Sandy para sa kaniyang pag-aaral. Nag-aapply nga siya ng scholarship. Pinayagan siya ng eskwelahan. Iyon ay dahil kinausap ko na ang Dean, sinabi kong paniwalain siya na siya ay na grant ng scholarship. Ako nga ang magbabayad ng kaniyang tuition, manggagaling ito sa aking negosyo, na isang fastfood chain.

At nairaos nga ni Sandy ang sumunod na semester, at grumaduate kami, summa cum laude nga si Sandy sa broadcasting course niya. ako naman ay magna cum laude. Bilang treat ko sa kaniya, at para na rin sa nalalapit naming anniversary, ay magbabakasyon kami sa Europe. Sa pagkakataong ito ay kami lang dalawa.

Ang mga bansa ngang aming pupuntahan ay Britain, Germany, Netherland, Switzerland, Austria, Italy, Belgium at ang kahuli-hulihan ay ang France. Masaya kaming nagliwaliw sa aming bakasyon. Pinuntahan nga amin ang Eiffel Tower. Pumunta kami sa itaas at hinalikan ko siya doon.

Isang araw nga habang naglalakad kami, ay sinabi niyang nahihilo siya. Umupo muna kami. Sa muling pagtingin ko sa kaniya ay nakita kong dumudugo ang kaniyang ilong. Agad ko itong pinahiran. Hindi nga bumuti ang kaniyang pakiramdam mula noon. Kaya’t pinasyahan na naming bumalik sa bansa.

Mula nga ng mangyari yon ay ayaw na niyang pag-usapan ang pagdugo ng kaniyang ilong. Hindi ko nga alam kung bakit ngunit igagalang ko ang kaniyang pasya, na huwag itong pakialaman.

STORY NO. 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon