Part 4. Their Story

78 1 0
                                    

At dumating  na nga ang ikalimang araw. Ang kinatatakutan nila Mel Julia, Leo at Lei. But it seems the fear was not shared by the other group. They didn’t take the project seriously. They just get something from the internet a day ago. At dumating nga si Prof. Sandra. Agad niyang pinabasa ang kwento ng kabilang team. And they started to read it.

When it came to the middle of the story. Prof. Sandra stopped the reading. She was outraged. She knew that the story was only picked up on the internet. Nagsalita nga siya at pinagalitan ang kabilang grupo.

I am very disappointed by your group. You just picked a story from internet! What did I told you. Find a real story of real people. Why I am asking you to do this exercise? To practice your interviewing skills. You want to be broadcasters someday right? Before you become one, you will be a slave of a reporter, then you will become one. If you become one, you will interview people, jot the story down, and tell it to many other people. After you become a reporter, only then, maybe you will become a broadcaster. I am not doing this to make your college life miserable. It is for your own good.

If this other group, have done the same as you did. You will all fail. I tell you that! Next!

Tumayo nga si Julia, upang i-present ang kanilang kwento. Kinakabahan nga siya, ngunit confident din siya, dahil ginawa nga nila ang lahat para sa task na iyon. Nagyabang nga ng kaunti si Julia sa kabilang grupo.

To the other group, don’t worry, we have done our work right, you have now a chance to pass this subject. Ah we have interviewed a lot of people these past few days, and we have compiled a lot of of stories. But with the consideration, that the stories we may get, be made into a film. None of the stories, had pass our taste. But still, we got a story, not gotten in an interview, nor the internet. But from an unlikely source, the grandfather of my fiancée Mel, Lolo Harold. He told us a story, when he knew that we are very desperate to have that one story. We thank him for giving us his, or should I say, their story.

Lolo Harold’s Story

Ako nga si Harold, matanda na ko ngayon at ang tanging kaligayahan ko ay makita ang aking mga apo, gaya ni Mel. Gaya ng maraming mga tao, marami akong bagay na pinagsisihan sa buhay. Na nagawa at hindi nagawa. Ikukuwento ko nga sa inyo, ang isa sa bagay, na nagdadalawang isip ako, kung tama ba o mali ang ginawa ko, para sa isang taong masasabi kong, siya ko lang minahal ng totoo.

Nung bata nga ako may kaibigan akong babae. Ang pangalan niya ay Sandy. Siya nga ang naging pinakauna kong naging kaibigang bata. Isang pagkakataon nga ay inaway ng mga batang bully si Sandy sa aming village. Ipinagtanggol ko siya, at napaaway kami pareho. Pinagalitan ako ng aking mga magulang, pero pinagtanggol ako ni Sandy. Sinasabing kaya lang kami napa-away dahil sa ipinagtatanggol ko lang naman siya. Na siya naman talagang tunay. Nagpapasalamat nga ako kay Sandy dahil sa pagtatanggol na iyon sa akin.

Isang araw nga ay napagpasyahan ng aking mga magulang na lumipat sa ibang lugar, upang maging mas malapit kung saan nagtatrabaho ang aking ama. Ipinaalam ko ito kay Sandy. Nalungkot siya na malamang aalis kami. Nang huling araw nga namin sa aming lumang bahay ay pinabaunan ako ng yakap ni Sandy at ng isang remembrance. Isang bracelet. Umiyak nga siya ng tuluyan kaming umalis at ako din naman habang nasa sasakyan. Niyakap ako ng aking ina.

Naging malungkot nga ako dahil doon, dahil wala na akong kaibigan. Buong bakasyon ko nga siyang hindi nakita. Hanggang sa dumating ang araw ng pasukan. Inaakala ko nga na doon pa rin siya mag-aaral kung saan kami dating nag-aaral. Nalungkot nga ako ng hindi ko siya makita. Hanggang sa may isang bata nga na sumigaw ng aking pangalan.

Harry-sabi ni Sandy

Oo, Harry nga ang tawag niya sa akin. At nakita ko nga si Sandy. Natuwa nga ako na lagi kaming magkikita uli. Lalo pa ngang lumaki ang tuwa ko nang pinasyahan ng mga magulang namin na laging magpunta sa kani-kaniyang bahay, tuwing weekends.

Nanatili ngang ganoon hanggang sa dumating ang panahon na kami ay grade six na. Pinasyahan ng kaniyang ama na tumira na sa abroad. Ipinaalam nga sa akin ito ni Sandy bago mag-graduation. Pagkatapos nga ng graduation ay aalis sila patungong Amerika. Doon na nga sila maninirahan. Imbis nga maging masaya ang graduation ko dahil Valedictorian ako, ay naging malungkot ako. Dahil alam ko bukas ay mag-uumpisa na hindi ko siya makitang muli.

Inihatid nga ng pamilya namin ang pamilya nila Sandy sa airport. Nagpaalam nga kami sa isa’t isa. Ngunit bago tuluyang umalis ay bumalik si Sandy at niyakap ako. Niyakap ko rin siya. At tuluyan na silang umalis. Hinintay namin makalipad ang eroplano bago tuluyang bumalik sa aming bahay.

STORY NO. 3 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon