ONE

45 2 0
                                    

Malapit na naman mag December, sobrang lamig na. Malapit na rin mag Christmas break. Malapit na ring mag end ang semester na ‘to. Pagkatapos ng semester na ‘to. Graduate na kami.

Pero hindi ko kailanman makakalimutan ang isang babaeng nakilala ko. Kahit sobrang maikling panahon lang kami nagkakilala, hindi ko na siya nakalimutan. Mag e-end na ang taon na ito na puro bago para sa akin.

Nakilala ko ang babaeng ito na parang isang panaginip. Isang panaginip na ayoko na sanang magising. Pero may isang tao na inumpog ako sa pader ng sobrang lakas para magising ako na nasa reyalidad ako. Isang tao na kahit hindi ko napansin na mahal ako ay dumating para iligtas ako sa isang posibleng pagkakamali na magagawa ko.

Magkaibang magkaiba ang babaeng hindi ko kelanman malilimutan kesa sa taong mahal ako. Sobrang laki ng pagkakaiba nila.

Umpisa ng semester nuon nung una kong nakilala si Jade Laura Cortez. Unang kita ko pa lang sa kanya hindi ko na talaga siya makalimutan. Nasa cr ako ng boys nuon, habang umiihi ako ay biglang may lumabas sa isa sa mga cubicle duon. Lumabas ang isang babae na nagaayos pa ng skirt. Dali dali kong sinara ang zipper ng pantalon ko at hinarap ang babae. Ngumisi ito sa akin at lumabas na ng banyo. Hinabol ko siya at hinawakan ang braso niya. “May nakita ka ba?” Unang tanong ko sa kanya. Ewan ko ba pero yun ang unang sumagi sa isip ko kung nakita niya ba ang ano ko. “Kung may nakita ako? Anong gagawin mo?” Yun ang isinagot niya sa akin at natulala ako sa kanya. Posible palang sa boses pa lang magagandahan ka na sa isang tao. Dahil hindi na ako nakapagsalita ulit ay naglakad na siya palayo sa akin. Hindi ko ugaling humabol sa mga taong umaalis lalo na karanasan ko, pero hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at sinundan ko siya. Pero sa kasamaang palad, hindi ko na siya nakita.

Dumiretso ako sa gym ng school namin para makapag isip kung saan ko kaya siya makikita ulit. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya isipin. Dumating sila MJ at Bel na magka-akbay. Ang mag boyfriend/girlfriend na kaibigan ko. “Pare! May ipapakita kami sa’yo.” Ipinakita naman ni MJ yung celphone niya sa’kin. Isang picture ng babae sa facebook na may caption na “Just another slut girl from toot toot toot university was being captured in this cheap motel. Gonna pay for this bitch.” Nilapit ko yung celphone sa’kin dahil parang pamilyar yung mukha. “Alam nyo, nakita kasi siya ng mga iba nating schoolmates na labas masok sa isang motel, kaya ayan!” sabi ni Bel at umupo habang naka cross ang legs.  “Sabi ko na ba siya ‘to eh!” Malakas na sigaw ko. Siya yung babae kanina. Tiningnan naman ako nila MJ at Bel ng nakataas ang kilay. “Nakita ko kasi siya kanina sa cr ng boys.” Paliwanag ko. “Ang lantod naman ng babaeng yan. Pati sa cr ng boys? Sino naman kalantari niya?” tanong ni Bel na may kasamang pagkadismaya. “Baka dun nag cr.” Sagot naman ni MJ. “Maiintindihan ko pa sana kung hindi naimbento ang girls restroom kung duon siya c-cr sa boys eh. Pero hindi, so bakit siya andun?” pagtataray ni Bel kay MJ. “Oh easy lang! Baka lang naman eh.” Sabay kamot ni MJ sa ulo niya. “Magisip ka kasi muna bago magsalita.” Sabay irap ni Bel sa kanya.

“Alam mo ba Bel kung anong pangalan niya?” tanong ko. Kahit pangalan lang sana. “Jade Laura Cortez. Same year rin natin at kasama sa mga list ng graduates. Palibhasa nagalaw na lahat ng mga prof.” Sabi ni Bel. Ang ganda naman ng pangalan niya. Bakit lahat ng meron sa kanya maganda? “Grabe ka naman Bel, pero totoo ba na nakikita siyang labas masok sa motel? Baka naman namali lang kayo.” Pagtatanggol ko. “Totoo yun, kasi minsan naikwento na rin yun ng mga blockmate ko. Sinundan daw kasi nila yun at confirmed.” Paliwanag ni Bel. “Chismosa ka kasi.” Pangaasar naman ni MJ. “Ah chismosa pala ah!” sabay walk out ni Bel. “Tampo naman agad yun.” Natatawang sabi ko. “Ganyan talaga yan, gusto laging hinahabol. Oy! Bel, wait lang.” sabay tayo ni MJ at sinundan si Bel. Ganyan talaga sila. Hindi halatang may relasyon.

Totoo kayang labas masok siya sa hotel? Ano naman kayang ginagawa niya dun?

Nagpasya akong sundan siya pero paano ko iyon gagawin kung hindi ko siya makita ditto sa school. Hindi ko natanong kay Bel kung anong course niya. Nagpunta naman ako sa locker room namin at kinuha ang jerseys ko at nilagay ko sa bag ko. May mga upuan kasi ditto sa locker room at may tatlong babae na nakaupo duon. “Nagawa mo ba?” “Oo naman. Ako pa. Tingnan na lang natin mamaya kung makauwi pa siyang may mukhang ihaharap.” Sa tingin ko mga bully sila. Kawawa naman yung pagti tripan nila. Sinara ko na ang bag ko at isnakbit ito sa balikat ko. Pauwi na ako dahil wala naman kaming klase pa. Habang pauwi ako ay nakasalubong ko ang mga blockmates ko at nagusap usap saglit tungkol sa exam, activities at mga project. Habang nagku kwentuhan kami ay nakarinig kami ng mga nagtatawanan, more like pinagtatawanan.

 

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil sa nakita ko. Matutuwa ba ako dahil yung babaeng gusto kong makita ay abot tanaw ko na o maiinis dahil halos wala na siyang pakialam kung ano ang suot niya. Punit punit ang uniform niya. Buti na lang hindi kita ang dibdib nito at pinaiksi lalo ang skirt niya. Kita ang tiyan at naging sleeveless ang uniporme niyang pangtaas. Pero sa kabila nuon, humanga ako lalo sa kanya. Kung paano niya ipakitang wala lang sa kanya ang nangyari sa kanya. Yung tipong wala siyang pakialam pagtawanan man siya ng mga tao sa paligid niya. Ganun siya katapang para hindi gawing bigdeal ang nangyari sa kanya.

Isa lang ang naisip ko. May mga babae pa pa lang hahangaan mo hindi dahil sa may pinakitang maganda kundi sa pinakitang katapangan.

 

Dahil hindi na kinakaya ng curiosity ko ay sinundan ko siya ng hindi niya alam. Madami siyang nilikuan na mga eskinita. Nakarating ako sa isang motel. Totoo ba? Tanong ko sa sarili ko, pero alam kung masasagot ko ang tanong sa isip ko kung hindi ko siya susundan sa loob. Sa entrance pa lang makikita mo ang tatlong babaeng halos kapusin ng tela sa suot.

Pumasok ako sa loob at nag check in. Hindi ako pumunta sa room na nakalagay sa card na ibinigay sa akin. Nawala siya sa paningin ko. Medyo maliit lang naman ang motel na ito. Sinimulan ko nang ilibot ang sarili ko sa motel. Asan kaya siya? Nakarating ako sa may boys restroom at umihi. Habang umiihi ako ay may lumabas na babae sa isa sa mga cubicle at iniluwa nito ang babaeng hinahanap ko. “Ikaw na naman? Anong ginagawa mo ditto?” Hindi tulad sa school, hindi na punit punit ang uniform niya. Nakasuot siya ng pulang polo shirt at naka maong pants. “Huy!” Tawag nito sa akin. “Ahh..Ano..Kasi…Ano eh. Ahh.” Nakatingin lang siya sa akin at halos matumba na ako sa kinatatayuan ko. Wag kang tumitig miss, nahihirapan akong huminga. Akmang lalabas na ito nang higitin ko ang braso niya. “Gusto ko sanang ipahiram sayo ang Jersey ko, nakita ko kasing punit punit ang uniform mo.” Sa wakas nasabi ko rin. Yun talaga ang plano ko. Nakita ko siyang ngumiti. “Hindi naman pala totoo yung mga bali balita eh.” Sabi ko pero nanatili lang siyang nakangiti. “Bakit hindi mo sabihin sa kanila.” Hindi pa rin siya umiimik pero hindi na siya nakangiti. Akmang aaalis na naman siya pero hinigit ko ulit siya. Nakatingin siya sa mga paa niya. “Pwede tayong maging magkaibigan.” Iniangat niya ang tingin niya sa akin at tinitigan ako. Matagal. Matagal kami sa ganung sitwasyon nang makita kong ngumiti ang labi nya. “Papayag ako, pero ayokong pagusapan ang tungkol sa sitwasyon ko.” At magiliw akong tumango.

---

Finalteardrops<3

950400 Hours [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon