SEVEN

29 0 0
                                    

Hindi ko alam ang gagawin ko.

“Totoo ba yan pare? Baka namamalikmata ka lang.”

Hindi pare, akala ko nga rin namamalikmata lang ako pero hindi. Nakita ko talaga ang mommy mo pre. Andito ako ngayon sa SM malapit sa school natin… “

 

“Sige pare salamat.” I ended the call.

Para akong nawalan ng kaluluwa ng tatlumpung segundo.

“Okay ka lang Javen?”

“Ah oo..Okay lang ako.. Tara na?” Napatingin naman ako kay Jade dahil bigla niyang hinawakan yung kamay ko.

“Alam kong di ka okay. Let me hold you like this.” Nakangiting sabi nito. Mas hinigpitan ko naman ang hawak ko sa kanya. God, di ko alam ang dapat kong maramdaman. Galit, kasi andito na siya sa Pilipinas ulit o Lungkot kasi aalis na si Jade. Halo halo ang nararamdaman ko ngayon.

Pagkatapos niya akong iwan kay Papa? Di ko siya mapapatawad kahit kelan. Inihabilin niya ako sa isang babaeng hindi ko kilala. Si Tita Mia yun. Hindi ko alam kung dahil sa galit ko sa tunay kong nanay kaya ko natanggap ng ganun kaagad ang relasyon ni Papa kay Tita Mia o dahil may malawak lang talaga akong pang-unawa.

Nakarating na kami ni Jade sa mall at tulad nga ng sinabi ko ay pumunta kaming Mcdo. “Jade, wag kana kasi matakot diyan sa estatwa na yan. Di naman yan nangangain eh.” I told her laughingly. “Che. Ang pangit nang histura niyan, saka baka gumalaw yan at habulin ako noh.” She fearfully rant. Parang may bata talaga akong kasama. I smiled to her and pulled her with me. Yung tipong magkadikit ang katawan namin saka ko siya nilakad papasok sa fast food chain. Pikit mata naman siyang pumasok, halatang takot siya. Mas lalo kong hinigpitan yung pagkakayakap ko sa kanya. Pinagtitinginan kami ng iba pero wala kaming pakialam.

“Woah, ngayon lang ako nakapasok dito. Mas maganda talaga. Ang sarap ng ice cream dito Javen. Balik tayo ulit dito ah.” Nakangiting sabi nito. Tingnan mo ‘to kanina takot na takot ngayon parang ignoranteng ngayon lang nakababa sa bundok. “Kanina lang pikit mata ka pang pumasok dito tapos ngayon parang mawawasak na yung mukha mo dyan sa kakangiti mo. Hahahaha.” Nakabusangot naman ito ngayon. “Panira ka talaga Javen eh.” Kumain lang kami ng kumain ni Jade.

Matapos naming kumain ay nagikot ikot kami nang magpagpasyahan kong ipasyal siya sa Quezon City  Memorial Circle. Maganda rin kasi dun, hindi ko pa kasi siya napupunta dun at panigurado akong hindi pa siya nakakapunta roon.

Nakarating naman kami agad dahil hindi naman masyadong traffic.

“Grabe ang layo ng nararating natin Javen.” Nakangiti nitong sumbat sakin

“Para naman maging tao kana, dinadala kita sa mga lugar kung saan pwedeng pumunta ang isang taong katulad mo.” Bigla namang kumunot ang noo nito.

“Anong tingin mo sakin? Hindi tao? Hoy Javen, kanina ka pa dun sa Mcdo ah. Ang lakas mong mangalaska porke aali—“ hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil hinatak ko na ang kamay niya at hinawakan itong mahigpit. “Ang daldal mo talaga.” Ayoko munang isipin na aalis na siya at hindi ko na siya mamasdan at makakasama ng buong araw. Tumakbo kami papunta sa fountain. May nakita naman kaming upuan at umupo kami duon, hindi ko pa rin binibitawan yung kamay ni Jade at parang wala naman siyang reaksyon tungkol duon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

950400 Hours [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon