FIVE

18 0 0
                                    

“May sasabihin ako.”

Ewan ko kung paranoid ba ako o hindi. Kinakabahan ako pag ganitong seryoso siya. Na anytime, iiwan niya ako. Pinakalma ko ang sarili ko. “Upo muna tayo. Importante ba yan?” di ko na mapigilang hindi magtanong, pero sa totoo lang ay kinakabahan na ako.

Umupo muna kami at sinandukan ko siya ng pagkain. Ang putla niya. Ang laki ng eyebags, parang galing sa iyak. Ngayon ko lang napansin.

“Javen…” Inangat ko ang tingin ko sa kanya.

“Uuwi na ako samin.” Malungkot na sabi niya.

Takot. Lungkot. Panghihinayang.

Takot kasi hindi ko alam kung ibebenta pa ba siya sa mga magulang niya sa lalaking mayaman. Lungkot kasi wala na siya sa tabi ko. Panghihinayang dahil hindi ko talaga kayang  sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

“Jade…masaya ka ba?”

“Magulang ko pa rin sila. Natutuwa ako dahil alam kong nagaalala pala sila sakin.”

Bumuntong hininga ako.

“Bukas ka na ba aalis?” ayokong mahalata niya na malungkot ako. Kelangan kong maging matapang. Naiintindihan ko naman siya eh.

Tumango ito bilang sagot. Ngumiti naman ako sa kanya para ipakita na okay lang.

“Ihahatid na kita. Wag mo nang subukang tumanggi.” Ngumiti naman ito sakin. Hay. Jade.

“Kain na tayo!” masiglang sigaw niya. “Last ko na to ditto eh. Hahahha.” At humalaklak pa. Minsan baliw rin to eh.

Kumain nga kami.

“Nuod tayo ng Step Up: All In. Javen ah! Nanghiram ako ng cd sa katrabaho ko.” Masiglang sabi nito.

“Isalang mo na. Luluto lang ako ng popcorn para may pulutan tayo.”

Sinalang na niya yung cd at naupo na sa sofa.. matapos kong mai-microwave ung popcorn ay naglabas ako ng apat na soda in can.

Umupo na ako sa tabi niya.

Nagsimula na rin ang palabas.

Tutok na tutok siya sa pinanunuod niya. Though maganda naman. Type ko nga dun si Camille eh.

Kain naman ng kain si Jade habang nanunuod. Isa pala sa katangian ni Jade. Matakaw siya. Ewan ko ba diyan pero hindi nataba. Hahaha.

“Awww. Nahuli ni Camille si Moose na may kahalikang babae. Yari ka Moose! Dapat kasi hindi ka na sumayaw eh.” Nakakatawa naman tong si Jade, apektadong apektado.

“Hugot pa Jade. Hahahaha.”

“Che!”

“Hahahaha.”

Ubos na yung popcorn at soda in can namin kaya wala na kaming nginangata. Bigla namang humikab si Jade, sign na inaantok na siya.

“Antok ka na.”

Tumingin naman ito sakin.

“Di pa noh!”

“Laki nga ng bunganga mo nung humikab ka eh, tapos hindi ka pa antok.” Pangaasar ko sa kanya.

“Kapal mo talaga. Hindi pa nga ako inaantok, saka malapit na ata matapos eh. Tapusin na namin.”

“Ikaw bahala.”

Final dance na ng LMNTRIX kaya medyo tutok na rin ako. Maganda kasi yung mga sayaw nila eh. Nang maramdaman ko na biglang bumigat ang kaliwang balikat ko.

Tingnan mo tong babaeng to, hindi daw inaantok kasi tatapusin yung movie pero natulog na. Inayos ko yung pagkakadantay ng ulo niya sa balikat ko ng may makita akong tubig na malapot na umaagos sa labi niya..Eww ka Jade, pasalamat ka mahal kita at hindi ako maarte. Hahaha. Isa sa mga katangian ni Jade…tulo laway siya pag natutulog. Hahaha.

Tinapos ko lang yung movie at pinatay yung tv at dvd. Binuhat ko naman siya na parang prinsesa at pinasok sa kwarto ko.

Inihiga ko siya sa kama at inayos yung buhok niya na natatabunan ang mukha niya. Dahil medyo pawis siya ay binuksan ko ang aircon. Isa sa mga katangian ni Jade…pawisin siya.

Kinumutan ko siya nang maramdaman kong okay na yung lamig, alam kong lalamigin yan maya maya. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan siya. Huling beses ko na kasi siyang makikita ng ganito kalapit eh. Malungkot ako..sobra. Dahil hindi pa kami masyadong nakakapag bond. Saka baka may mangyari na naman sa kanya at hindi pa siya makapag special exam…wag naman sana.

Hinawakan ko ang pisngi niya. Ang taba ng pisngi nitong babaeng ‘to. Siguro ditto nappunta yung mga kinakain nito. Bigla tuloy akong napangiti.  Gumalaw naman ito.. at halos hindi ako makakilos dahil bigla itong nagsalita…Dalawang salita na nagpahinto sa mundo ko. Dalawang salita na nagbigay sakin ng pagasa o paasa…dahil..

Mahal kita.” Matapos sabihin iyon ay ngumiti siya. Isang ngiti na hindi ko pa nakikita kahit kelan sa kanya. Pero may sunod pa siyang sinabi.

Mahal na kita…Moose.”

At. Napa poker face na lang ako…

Isang katangian ni Jade…nag i-sleep talk siya.

Isa pang katangian ni Jade…Idol talaga niya si Moose. Bwisit

950400 Hours [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon