Out of curiousity ay dahan dahan akong pumunta duon. Nakasilip lang ako sa may gilid ng pader at sinisilip sila. “Kapal ng mukha mong babae ka. Sino ka para sampalin ako? Ang sakit girls. Huhuhu.” Iyak nung babae. Sumilip pa ako ng kaunti at naaninag ko na kung sino sino sila. At andun rin si Jade, nakatayo habang kaharap ang tatlong babae. “Paalisin nyo na ako.” Mahinang sambit ni Jade. Pero nagulat na lang ako nang biglang sinugod siya nung dalawang babae matapos sensyasan nung isa. Pinagsasabunutan nila si Jade at pinagsasampal. Kinakalmot rin nila si Jade, kaya hindi na ako nakatiis. Hinawakan ko sa braso yung dalawang babae at tiningnan sila ng masama. “Wala kayong karapatang saktan si Jade.” Mahinang sambit ko at mas lalo kong diniinan ang pagkakahawak ko sa braso nilang dalawa. Yung isang babae ay halatang nagulat. “Bitawan mo kami.” Nagpupumiglas yung dalawa pero mas lalo ko pa ring hinigpitan ang pagkakahawak ko. Ramdam ko na unti unting bumabaon ang kuko ko sa balat nila. “Bakit nyo sinasaktan si Jade” pasigaw kong sabi sa kanila. “Ikaw..” sabay tingin ko sa babae. Halata ang gulat sa mukha niya, para siyang natataranta. Ilang sandali lang ay tumakbo ito palayo. “Tama na.” mahinang sambit ni Jade. “Umuwi na tayo.” Humawak ito sa braso ko, kaya medyo niluwagan ko ang pagkakahawak sa mga braso ng dalawang babae. Halata na sa mukha nila na nasasaktan sila. Tinitigan ko si Jade, gulo gulo ang buhok niya at may kalmot siya sa mukha. “Kapag nakita ko pa ulit ang mga mukha nyo na ginugulo si Jade, mapapatay ko kayo.” Mahinang banta ko sa kanila. Tumakbo na sila palayo. “Jade..” tawag ko. “Okay lang ako.” Hinawakan ko ang kamay niya at umuwi na kami.
Kasalukuyan akong nanunuod ng tv, si Jade ay nasa kwarto at nag re-review. Wala siyang pasok ngayon sa gasoline station kaya buong maghapon siyang nagaral. Nakakain na rin kami. Simula nang pag uwi namin ay hindi na siya umiimik. Dahil medyo nabo-bother ako ay pinuntahan ko siya sa kwarto ko. Nakita ko siya sa study table at naka eyeglasses. Ang cute. Tumibok na naman ng mabilis ang puso ko. “Jade..” tawag ko sa kanya. Lumingon naman ito sakin. “Oh…di ka ba makatulog?” tanong nito sakin. “Hindi eh. Okay ka lang ba?” nag aalala na ako kay Jade. “Okay lang ako..” Parang hindi. “Tungkol kanina…bakit ka ba nila binu bully.” Huminto siya saglit at lumingon sa kin. “Lagi naman akong binu bully eh. Sanay na ako.” May halong lungkot ang tono ng boses niya. “Alam mo ba kung bakit ako sa Cr ng boys nag banyo nung unang kita natin?” tanong nito ng nakatingin sa kisame. “Na trauma kasi ako na lagi akong nila lock sa cr ng girls, kaya simula nun sa boys na ako nag c-cr. Ewan ko ba kung bakit sila naiinis sakin, dahil ba pinanganak ako? Dahil ba nagttrabaho ako sa motel? Dahil ba sugalero ang tatay ko at lasenggero naman ang mama ko? Hindi ko alam. Kanina, yung mga babae, tinatanong nila kung nagalaw na ba daw ako ng papa ko, hindi na ako nakapag pigil at nasampal ko yung babae kanina. Ewan ko ba, sobra na kasi. Hindi ko na kaya na pati magulang ko ay idinadamay. Kahit ganun sila.” Tahimik lang akong nakikinig sa kwento niya ng biglang may tumulo sa kaliwang mata niya. “Hindi naman ako galit sa mga magulang ko, pero minsan iniisip ko kung…hinahanap ba nila ako? Gaya ng paghahanap mo sakin. Nagaalala rin ba sila sa akin?” at tuluyan nang lumuha si Jade. Iniyak niya lahat. Lahat ng sakit na nararamdaman niya sa dibdib niya. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Hinahaplos ko ang likod niya at patuloy pa rin siyang umiiyak. “Pakiramdam ko, simula nung maging magkaibigan tayo nagiging iyakin na ako.” Natatawang pinunasan ni Jade ang mga luha sa pisngi niya.
Kinuha ko ang ice cream na binili ko kahapon at kumain kami nun ng sabay habang nanunuod ng tv. “Grabe ka kumain Jade, buti di ka tumataba. Tingnan mo oh. Kalahati na agad yung ice cream natin.” Pang aasar ko. “Oy.. kapal mo ah. Nakakahiya naman sa lalagyanan mo. Mas malaki pa sakin tapos ako pa sasabihan mo na malakas kumain. Che.” Nilabas nito ang dila niya para asarin rin ako. “Ang cute mo Jade.” Sabi ko sabay hawak sa magkabilang pisngi niya at pinipisil iyon. “Aray. Ano ba.” Pilit nitong tinatanggal ang pagkakahawak ko sa pisngi niya. “Hahahaha.”tawa ko. “Humanda ka sakin pag nakawala ako sayo.” Pagbabanta nito. Dahil sobra akong natuwa na sa kanya ay pinakawalan ko na siya. Bigla naman itong tumayo at inakbayan ako tapos ay pilit sinakal ang leeg ko, hindi naman mahigpit pero halatang gigil na gigil. Masaya ako pag ganito si Jade, yung hindi umiiyak. Laging nakangiti. Sana lagi na lang siyang ganyan.
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising dahil wala namang pasok. Pagtingin ko sa kusina ay wala si Jade pero pagtingin ko sa ref ay may nakaipit na post-it note. “May ulam sa microwave at juice sa ref, kumain ka paggising mo. Papasok na ako.” Napapangiti na naman ako kasi feeling ko talaga ay mag asawa na kami ni Jade. Pumasok na pala siya sa part time niya. Kumain na lang ako at nanuod ng tv.
Kinagabihan ay nagluto ako. Sakto naman ang dating ni Jade. "May sasabihin ako sayo." Seryoso niyang sabi.
Paranoid lang ba ako o ano. Feeling ko masamang balita ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
950400 Hours [Short Story]
Short StoryI don't comply to most situations. I adapt. In my own way. Period.