THREE

21 0 0
                                    

Dahil na rin siguro ilang araw ko siyang hindi nakita at sobrang na-miss ko talaga siya ay niyakap ko na rin siya ng sobrang higpit. Maya maya ay parang naramdaman kong namamasa yung kanang dibdib ko. Iniharap ko si Jade sa akin at nakita kong basa ang mukha niya. “Magusap tayo sa loob.” Pumasok kami sa kwarto at umupo sa sofa. “Anong problema mo Jade?” panimula ko. “Teka, kukuha muna ako ng kape.” Tumango naman ito bilang sagot. Nang mailapag ko ang kape ay hinawakan ko ang kamay niya. “Gusto kong sabihin mo sakin lahat lahat ng gusto mong sabihin, lahat ng problema mo. Kung gusto mong umiyak, andito lang ako. Wag ka nang magalala okay?” tumango ulit ito. “Ganito kasi yun. Kaya ako nagtatrabaho ay dahil may malaking utang ang pamilya ko sa may ari ng motel na yun. Wala akong choice kundi magtrabaho duon kundi ay sisingilin nila ang pamilya ko. Masama silang tao, dahil sa pagkakaalam ko ay pumapatay sila ng mga taong hindi nakakabayad sa kanila. Kaya ako na mismo ang nag prisinta na magtrabaho na lang sa kanila dahil nga sa kadahilanang nag-aaral pa ako. Pero hindi naging sapat iyong kabayaran ng utang namin. Si papa ay nagsugal pa rin at mas lalong lumaki ang utang namin. Pinipilit nila akong ibenta sa isang mayamang lalaki pero labis akong tumanggi…” tumigil muna siya dahil may isang luha ang kumawala sa mga mata niya. “Kaya ako naglayas dahil hindi ko na kaya.” Humikbi na si Jade at hindi ko nakayanan ang makita siyang umiiyak. Niyakap ko siya at mas lalong lumakas ang mga hikbi niya. Unang beses ko siyang makita na ganito. Mahina at takot. Unang beses ko siyang makita umiyak kaya hindi ko talaga alam ang gagawin ko.“Hindi ko na alam kung saan ako pupunta…hindi ko na alam ang gagawin ko.” Hinahaplos ko ang buhok niya. Patuloy pa rin siyang nagsasalita habang umiiyak. Halos madurog ang puso ko dahil sa nakikita ko sa kanya. Naawa ako dahil may problema pala siyang ganun at halos wala siyang masabihan kahit sino. Sobrang hirap nun para sa kanya. Nahihirapan rin ako dahil sa kanya. Patuloy pa rin siyang umiiyak.

Sobrang tagal namin nakaupo. Tumigil na rin siya sa kakaiyak pero nanatili siyang nakayakap sa akin. Iniharap ko siya sa akin at nakita kong tulog na siya. Pinunasan ko muna ang mga luha na nasa pisngi niya at hinawi yung ibang buhok niya at natatakpan ang maganda niyang mukha. Binuhat ko siya na parang prinsesa at dinala ko sa kwarto ko. Kinumutan ko siya at pinatay ko na ang ilaw para makatulog na siya ng maayos. Halata sa mukha niya na wala siyang tulog at parang sobrang pagod na pagod. Kumain na kaya ito?

Inayos ko ang higaan ko sa sofa. May respeto ako sa babae kaya hindi ako pwedeng tumabi sa kanya.

Kinabukasan, maaga akong gumising dahil magluluto ako. Habang nagluluto ako ay nakita ko si Jade na lumabas ng kwarto ko at nagpupunas ng mata. “Gising ka na pala, saglit lang at maluluto na ‘to. Upo ka muna.” Nakangiti kong bati sa kanya. Lumapit naman ito sa akin at nagtakip ng mata. “Ahhh! Bakit naka boxer ka lang? Magbihis ka bilis” Sigaw nito habang nagtatakbo pabalik sa kwarto ko. Oopps. Nakalimutan ko may babae nga pala akong kasama ngayon ditto sa bahay. Ugali ko kasing hindi na nagdadamit o nag-t-tshirt paggising at naka boxer lang talaga ako. Mukhang kelangan ko nang baguhin ang mga nakasanayan ko. Napapangiti na lang ako habang umiiling.

Kasalukuyan kaming kumakain ngayon ni Jade. Nakabihis na rin ako.  Pero hindi niya ako tinitingnan. Nahihiya pa ba siya? “Jade.” Tawag ko sa kanya. “Bakit?” sagot nito pero hindi pa rin siya nakatingin sa akin. “Tumingin ka kaya sa akin. Hindi naman sasagot yang kanin sayo.” Sagot ko. Tumingin ito sa akin at nakakunot ang noo. Nginitian ko naman siya bilang tugon. “Dito ka na tumira.” Alok ko. Biglang nawala ang pagkakunot ng noo nito. “Nakakahiya na sayo.” Sagot nito at binalik ang tingin sa plato niya. “Wala akong pambayad ng renta dito. Hindi sapat ang kinikita ko sa gasoline station na pinagttrabahuan ko.” Sagot nito. Nakahanap na pala siya ng ibang pagttrabahuan. “Hindi mo naman kelangan magbayad eh.” Sagot ko. Tumingin ito sa akin. “Wag na, okay? Nakakahiya, tsaka ano na lang ang iisipin ng ibang tao pag nalaman nila na sa iisang bahay lang tayo nakatira pero hindi naman tayo mag asawa.” Sagot nito. “Jade, ang alam ko hindi ikaw ang tipo na pinapakinggan ang mga sasabihin ng ibang tao.” Nagtitigan lang kami pagkatapos ay tinapos na namin ang pagkain namin.

950400 Hours [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon