Chapter 13

20 7 0
                                    

Alex POV

Umaga akong gumising ngayon dahil maaga rin akong pupunta ng school para kukuha ng requirements na kakailanganin ko sa pag lipat ko ng paaralan .Sinabi ko na kay mommy na lilipat ako pero hindi ko sinabi sa kanya ang tunay na rason sa pag lipat ko. Agad namang nag agree si mommy dahil ako daw ang bahala kung saan ako mag aaral ang importante lang daw ay makapagtapos ako.

Maaga pa ng nakarating ako kaya agad agad akong pumunta sa opisina ng dean at sakto nandon na siya at wala pa ang kanyang hinayupak na anak.Pagkatapos kung makakuha ng mga requirements ay agad agad akong pumunta sa silid namin para mag paalam kay Ann pero wala pa si Ann at tanging si Quacin lamang ang nandito

Mr. Jacinto ang aga mo yata ngayon? Tanong ko agad sa kanya habang siyay naka upo lang sa may pinto dahil hindi pa bukas ang pintuan ng aming silid

Ikaw yata ang maaga ngayon Ms. Veniventura. Ano bang meron? Pabalik niyang tanong  habang nakatingala sa akin

Ah aalis na kasi ako sa school na ito sagot ko sa kanya sabay upo sa gilid niya

Bakit? Dahil ba sa nangyari kahapon sayo?

What do you mean Mr. Jacinto?

Alam ko ang nangyari sayo kahapon.Malapit kanang ma rape right?
Btw you can call me Quacin

P-pa-pano mo nalaman?
Diba umuwi kana non?

Hindi.... Pa uwi na sana ako non ng nakita ko kayo ni Ann papuntang CR.Nakita ko naunang lumabas si Ann sayo pero agad din siyang umalis kasabay noon ay ang pag pasok ni Thomas sa cr . Lumapit ako... nakita kitang hinahalikan niya pero pumalag ka diba? Nakita kitang nag pupumiglas kaya pinindot ko ang fire alarm para makaalis ka

I-ikaw ang nag pindot?

Oo ako

P-pero bakit moko tinulungan eh hindi naman tayo mag kakakila?

Kailangan bang mag kakilala muna tayo bago tulungan kita? Eh si Ann kilala mo naba talaga?Do you think that she will help you if you needed it?

A-anong ibig mong sabihin?

Tumayo muna siya bago niya ako sinagot

Magkasabwat sina Ann at Thomas

Ano? Paano? Nagtataka na naman ako at kinakabahan na rin

Nong pinalabas si Ann ni Mrs.Amorsolo ay may tumawag sa kanya isang lalaki at rinig na rinig ko ang kanilang pag uusap

A-ano iyon?

Pumunta kayo sa locker diba?Pero bago yun kakausapin sana kita kaso sinabi ni Ann na

"Oh anong tinitingin tingin mo Mr. Quacin Jacinto"

Kaya hindi ko na natuloy. Natakot narin kasi ako na baka mangyari na naman ang nangyari sa akin dati

Anong ibig mong sabihin?Pinagtripan ka din ni Thomas?

Oo Ms. Veniventura matipid niyang sagot sa akin

Paano? Nong bagong salta ka din?

Hindi. Hindi lang naman kasi bagong salta ang pinagtitripan ni Thomas pati na ang mga taong bumabangga sa kanya, ang mga taong bago niyang nakakakilala at ang mga ayaw niya

Anong ginawa niya sayo?

Mahabang kwento. Mamaya pumunta ka sa may canteen may isang silid doon na hindi ginagamit puntahan mo kami doon

Sino?

Kaming mga pinagtripan ni Thomas. Nag titipon kami pagkatapos ng klase para eh comfort ang isat isa

Teka? Kasama nyo rin si Charly?

Hindi ..hindi namin siya kasama pero inimbitahan namin siya noon pero ang sabi niya na kalimutan niya nalang daw ang mga nangyari sa kanya
Teka bat mo pala siya kilala?

Boyfriend ko si Charly at alam ko na ang nangyari sa kanya

Basta Ms.Veniventura wag kang magtitiwala kay Ann. Hindi porket kasama mo siya araw araw eh kilala mo na siya hindi porket kaibigan mo na siya eh alam mo na ang lahat sa kanya. Alalahanin mo Ms.Veniventura baka nga kaibigan mo siya pag kaharap mo pero traidor naman pag nakatalikod ka.

Pagkatapos sabihin ni Quacin lahat ng yon ay umalis din siya agad. Halos gumuho ang mundo ko ng marinig sa kanya ang mga iyon. Hindi lang pala ako at si Charly ang pinag tripan niya kundi marami pa pala.

At isa pa tong si Ann siya pala ang dahilan kaya kami palaging nag tatagpo ni Thomas.Ang akala ko kaibigan ko siya yun pala ay traidor siya hayop.

--------

@Ginoong_Conan's story

If the time will stop(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon