Charlys POV
Dalawang putok ng baril ang umalingangaw sa buong paligid na ipinutok sa akin.Dahil sa lakas ng putok ay napapikit nalang.Dahil akala ko ay mamatay na ako.
Bigla kong iminulat ang aking2 mga mata. Pero hindi.... Hindi ako ang may tama ng baril kundi si
Si....
Alex
Agad agad kong ingaw ang baril kay Thomas dahil nakatulala din siya sa mga nangyari. At agad agad ko itong pinutok sa kanya.Mga tatlong putok ang nagawa ko at nakatama ang lahat ng bala dibdib niya. Agad itong natumba sa sahig at nawalan na ng bugay. Agad agad ko rin namang binalikan si Alex may tama ng dalawang beses sa likuran
Alex,alex bakit mo ginawa iyon Bakit mo iniligtas ang buhay ko sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang mukha niya
Iniligtas mo ako noon Charly kaya ako naman ang mag liligtas sayo ngayon maluha luha niyang tugon sa akin habang nag hahabol ng kanyang hininga
Wag kang mamatay Alex, wait dadalhin kita sa hospital Tumulo narin ang mga luha ko ng sina sabi ko iyon sa kanya
Wag na Charly mamatay na ako at nararamdaman ko iyon. Marami nang dugo ang nawala sa akin kaya wag na patuloy parin ang pag agos ng dugo mula sa kanyang mga tama kasabay nito ang pag patak ng mga luha niya sa sahig
C-char-ly hangang dito nalang akoWag mong sabihin iyan Alex wag...
No Charly wala na akong oras kailangan ko nang mag paalam sayo
Anong Oras? Anong paalam?
Baka hindi tayo pwwde. Oo Pinag tagpo tayo pero baka hindi tayo para sa isat isa.Sorry pero kailangan ko nang mag paalam sayo mahal ko naghihingalo parin siya habang sinasabi niya ito
Pero Bakit akala ko ba walang iwanan diba pangako natin yon sa isat isa pangako mo yon sa akin. Diba ako dapat ang mauna dahil sa may sakit ako. Diba mag karoon pa tayo ng mga anak na kasin dami ng mga bituin sa langit? Pls naman Alex ano bang nangyayari hindi ko maintindihan humahagol gol ako sa pag iyak pero ewan ko ba hindi ko siya naiintindihan
Gawin mo ang nga plano natin sa isat isa Charly. Mabuhay ka .Maiintindihan mo rin balang araw. See you in the next life Charly.Hihintayin kita at kung hindi man tayo mag kita ay hahanapin kita.I love you Charly I love you mahal ko. PAALAM
Hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ko.Hinalikan niya ako ng parang namamaalam. Tapos ay unti unting lumiwanag ang kanyang buong katawan
Lumiwanag ito ng lumiwanag sabay pa nito ang tunong ng napakalakas na kulog sa langit
Dahil sa liwanag na ito ay hindi ko matingman ng deritso si Alex niyakap ko siya ng mahigpit dahil alam ko sa sarili na hindi ko siya dapat bitawan.Pero hindi ko nagawa.Ilang segundo lang ay nawala narin ang liwanag at ang tanging nakita ko nalang at nahahawakan ay ang mga damit na suot niya hindi ko alam kung bakit siya nawala litong lito ako sa aking nasaksihan
Alexxx ano bang nangyari humahagol gol parin ako sa kakaiyak ng biglang pumatak ang malakas na ulan kasabay pa nito ang malakas at napakalamig na hangin na dumadampi sa buong katawan ko.Kahit na nasa loob ako ng pabrika ay ramdam na ramdam ko parin ang napakalamig na hangin
Hinanap ko siya sa buong paligid dahil hindi ako naniwala sa aking nakita.Agad agad akong pumunta sa labas ng pabrika pero wala parin akong nakita wala akong Alex na nasulyopan o kahit na anino niya wala.Abala ako sa aking pag hahanap ng biglang
Ring ring ring
Agad kong napansin ang telepono ko sa aking bulsa kaya agad agad ko itong kinuha.
2:30 pm 27 miss calls 18 texts
Tumawag sakin si mommy
Hello mom? Nandito pa ako sa lumang pabrika hinahanap ko po kasi si Alex.Mom ano bang nangyayari hindi ko maintindihan bakit bigla nalang nawala si Alex ...
Palakad-lakad parin ako dahil sa paghahanap ko sa kanya ng bigla kong namalayan nasa daan na pala ako.
"Hoy bata tabi!!"
Napatingin naman ako sa mamang tumawag sa akin mula sa isang sasakyang paparoon sa akin.
Oh my god
Tatakbo na sana ako paalis ng bigla niya akong nabangga.
I felt to much pain when a car bumped on me
I see a scared and panicking man na bumaba sa sasakyan.Ilang minuto lang ay may narinig akong tunog ng ambulansiya.May mga pulis naring nakapalibot sa akin. Ang lamig ng simoy ng hangin kasabay pa nito ang pag bagsak ulit ng napakalakas na ulan.Naramdam kong umaagos ang sarili kong dugo mula sa ulo ko na naka nag halo sa tubig ng ulanNandidilim ang paningin ko kasabay pa nito ang sakit na nararamdaman ko kaya ipinikit ko nalang ang mga mata ko
Alex....
-----------------------------------
BINABASA MO ANG
If the time will stop(on going)
Teen FictionPaano kung ang taong mahal mo ay mawawalay sayo dahil sa isang accidente.. At paano kung ito rin pala ang maging susi para makasama mo siya ulit.Ako si John Charles Montero 111 at ito ang aking kwento