Alex POV
Potangina labis ang kaba ko ng sabihin iyon ni Thomas. Dahil don ay agad agad naman kaming bumalik at nag tago sa isang silid.Alam kong sinundan niya kami kanina. Natatakot ako sa amin para ni Charly pero mas natatakot ako kay Ann kung ano ang gagawin ni Thomas sa kanya
Alex ok kalang? Pabulong na tanong sa akin ni Charly. Agad naman akong tumango sa kanya.
Maigi lang akong nag mamasid sa aking paligid at ganun din si Charly ng bigla akong nakarinig ng putok ng baril.Tatlong putok ang narinig ko.Naluluha nalang ako dahil baka si Ann na yun...baka pinatay na siya ni Thomas.
Nag tatago parin kami dito sa isang machine sa silid ng makarinig ako ng mga yapak. Alam kong si Thomas na iyon at kapag nakita niya kami ay patay talaga kami sa kanya.
Alex, Charly alam kong nandito lang kayo lumabas na kayo patawang sabi nito
Mas lalo pa akong kinabahan dahil don
Alex agad akong napalingon ng sabihin ni Charly yon sa akin.Nakita ko rin sa mukha niya ang kaba kahit na hindi niya ito iparamdam sa akin.
Ano yun Charly? Pabulong kung tugon sa kanya
May plano ako, kapag makarating si Thomas dito malapit sa kinaroroonan natin ay pipigilan ko siya.Pero habang ginagawa ko iyon ay tumakbo kana
Napatango nalang ako sa sinabi ni Charly. Hindi ko dapat siya iwan pero sumunod nalang ako sa gusto niya.Dahil alam kong makakabuti rin naman ito sa amin at lalong lalo na sa akin.
Hindi ano anoy tiningnan kong muli ang kinaroroonan ni Thomas at palapit na nga siya sa amin.Ilang sandali pa ay naghanda narin si Charly sa kanyang plano,nakita kong isinara na niya ang kanyang kamay para sa handang pagsugod.
Nakikita kong palapit ng palapit si Thomas sa amin ng bigla itong tumigil at umatras at dali-daling umalis sa silid na pinagtataguan namin.
Nag masid masid si Charly at ganun din ako nakita namin na wala na si Thomas kaya dali dali kaming lumabas ng silid.
Nakalabas na kami ng silid at papunta na kami sa labasan ng pabrika ng bigla kong narinig ang...
Ang..
Ang.. Putok ng baril nagulat ako dahil doon.Alam kong si Thomas iyon at nasa likuran namin. Lumingon ako para tingnan yun ngunit nakita ko si Ann nasa harapan ko may tama ito sa likod at naghihingalo.Nakita ko ring may lumalabas na dugo mula sa kanyang bibig.
Ann?ba-bakit mo ito ginawa? Pautal utal kong sabi sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko
A-al-lex sorry s-sana ma-patawad mo ako.Pinagbantaan ni Thomas ang buhay ko,pati na ang buhay ng pamilya ko kaya nagawa ko sayo ang pag kidnap umiiyak niyang sabi sa akin habang nag hahabol ng hininga
Pa-ki-sabi sa kanila na mahal na mahal ko sila pilit parin niyang hihabol ang kanyang hininga pero hindi niya na nagawa. Pumikit ang kanyang mga mata kasabay nito ang pag tulo luha mula sa kanyang mga mata.Annnnnnnnnn!! napasigaw nalang ako ng maramdaman kong wala na siyang buhay
Agad agad namang sinugod ni Charly si Thomas at sinapak ito ng sinapak pero nakabawi pa rin ito.
Hayop ka Thomas!! sa ganitong pag kakataon ay ako naman ang sumugod sa kanya. Papalapit palang ako sa kanya ng hampasin niya ako ng dala niyang baril.Napahiga ako sa sahig at naramdaman ko ang pagtulo ng dugo ko mula sa aking noo.
Agad sinugod ni Charly si Thomas at binugbog ito ulit dahil don ay napahiga si Thomas. Natapon niya ang kanyang baril pero agad agad din naman niya itong ginapang para ma kuha. Pinag Agawan nila ni Charly ito.At aksidente nila itong napuputok.Pumutok ito ng dalwang beses.Napatakip naman ako ng aking tenga dahil don at napayuko. Nang lumingon ako kina Charly ay nakita ko si Charly napa higa sa sahig duguan at may sugat sa paa.
Bye Charly bye hinihingal na sabi ni Thomas habang tinututok ang baril nito sa kanya sabay putok ulit ng baril.
---------
BINABASA MO ANG
If the time will stop(on going)
Novela JuvenilPaano kung ang taong mahal mo ay mawawalay sayo dahil sa isang accidente.. At paano kung ito rin pala ang maging susi para makasama mo siya ulit.Ako si John Charles Montero 111 at ito ang aking kwento