Chapter 17

13 5 0
                                    

Alex Pov

Maaga akong gumising ngayon dahil pupunta ako ng school para mag pa alam sa kanila ni Quacin at sa mga kasama niya. Itutuloy ko parin kasi ang pag lipat ko ng skwelahan. Pero hindi ko parin ito sinabi kay Charly. Papunta na ako ng silid ngayon para kitain si Quacin kasi dito lang naman kasi yon tumatambay at wala pa sa kanilang tagpuan kung hindi pa tapos ang klase.

Sana hindi ko makita ang pagmumukha ni Ann

Pero nag kamali ako. Nadatnan ko nalang siya sa silid namin umiiyak kahit ang aga aga pa.
Paalis na sana ako ng silid ng tawagin niya ako

Alex pwede ba tayong mag usap?

Napahinto ako dahil sa sinasabi niya. Pinipigilan ko ang sarili ko na ayaw lumingon pero hindi naawa ako sa kanya. Alam kong hindi dapat pero wala na akong magagawa napalingon na ako

Ss-ige  t-ung-kol saan? Puutal utal na sabi ko sa kanya

Alam mo ba kung bakit ko nagawa ito sayo?

Hindi na ako sumagot at tumitig nalang sa kanya.Kaya ipinagpatuloy niya ang kanyang pag sasalita

Dahil akala ko kung gagawin ko iyon ay magugustuhan niya na ako pero hindi nag kamali ako.Ewan ko nga eh,siguro ganito talaga ang pag ibig handa kang magpakatanga magawa mo lang ang ang gusto ng taong mahal mo at isa pa nakakabaliw

Maiyak iyak niyang sabi sa akin.Pero ako heto tumatayo parin,pinipigilan ko parin ang pag tulo ng mga luha ko

Actually nagsinungaling ako sayo noon Alex noong sinabi ko sa yo na hindi kami mag kakakilala ni Thomas. Parti lang iyon ng plano niya sayo Alex. Yung pag bangga ko sayo,yung pag dala ko sayo kay Thomas para haranahin ka,yung pumunta tayo ng CR actually hindi talaga ako nagbanyo hinintay ko lang talaga si Thomas na dumating halos lahat ng yon Alex ay parti lang ng plano.

So ano ang pino punto mo na nagwagi kayo sa mga plano nyo? Na nauto niyo ako?

Hindi Alex. Hindi sa ganun iyon.Ewan ko nga bakit ikaw ang nagustuhan ni Thomas eh. Eh halos ako naman ang nasa tabi niya palagi ...pati sarili ko binigay ko na sa kanya. Pero wala,hindi niya parin ako mahal.Alam mo bang selos na selos ako sayo Alex?selos na selos ako sayo. Dahil marami ang nag mamahal sayo. Eh sakin ni isa wala eh. Pati pamilya ko hindi ako mahal patuloy parin sa pag iyak si Ann habang sinasabi niya ito habang napaupo naman ako sa upuan.

Anong ibig mong sabihin?

Hindi nila ako nakikita Alex bilang isang mabuting anak. Kahit anong gawin kong mabuti,kahit sobra sobra pa yan. Pagkakamali ko lang ang nakikita nila. Ewan ko nga eh kung bakit nabuhay  pa ako dito eh wala namang saysay ang buhay ko

Hindi ko lubos maisip na ganito pala ang kalagayan ni Ann. Ang gusto lang din pala niya ay ang mag mamahal sa kanya

Ann dapat kasi mag papakatotoo ka. Hindi puro pami meke ang gawin mo,para may magmamahal sayo.

Napatingin siya sakin ng sinabi ko yun sa kanya.Paalis na sana ako ng tawagin niya ako ulit

A-alex mag ingat ka, may masamang plano sayo si Thomas

Hindi ko na pinansin si Ann agad akong umalis. Pero Kinabahan ako dahil don. Kaya dali dali akong pumunta sa silid kong saan sila nag titipon tipon ni Quacin-sa may canteen. Agad kong kinatok ang pinto,agad naman itong binuksan at sakto si Beryl ang bumukas.

Oh Alex. Napadaan ka?ok kalang ba? Mukhang namumutla ka?

Ok lang ako Beryl napagod lang

Ah ganun ba Halika pasok at umupo ka muna.

Agad agad naman akong pumasok at umupo sa isang upuan

Nasan si Quacin? Tanong ko sa kanya pero hindi parin mawala sa sarili ko ang kaba.Hindi ko alam pero marinig ko lang ang pangalang Thomas ay natatakot  na ako

Wala dito eh. Wait i will call him

No Beryl wag na. Sabihin mo nalang na sa kanya na aalis na ako dito sa paaralang ito. Mag tatransfer na ako.Btw nag punta lang talaga ako dito kasi mag papa alam sa inyo.Salamat sa inyo ha

Nako walang anuman Alex

Matapos kung sabihin iyon ay napagdesisyunan ko nang umuwi.Nandito na ako sa labas ng gate para mag hintay ng taxing masasakyan ng biglang may humintong van sa harapan ko at dali dali akong isinakay

Bitawan niyo ako.. Sino ba kayo .Manong guard tulong . Pasigaw kong sabi sa kanila habang nag pupumiglas. Pero hindi ang lalakas at ang lalaki nilang tao kaya tuluyan na nila akong naisakay sa van.

Sino kayo? Tanong ko sa kanila

Ang ganda naman pala nitong pinakidnap satin ni boss  sabi ng lalaki sabay tawa

Sinong boss? Pag tataka kung tanong sa kanila .Nang bigla kong napansin ang babae sa pinakalikod ng van..Napaluha ako sa aking nakita

A-ann pautal utal kong sabi habang tumutulo ang mga luha ko
Paano mo to nagawa sakin? Hayop ka hayooop kaaa pag nakalabas ako dito yari ka sakin pasigaw ko itong sinabi habang nakatingin lang sa kanya na nakayuko at umiiyak

Tama na ang sat sat miss sabi ng lalaki sa akin sabay takip ng panyo sa mukha ko.Nag pupumiglas parin ako pero hindi ko kinaya ang amoy ng panyo na nilagay nila sa mukha ko. Nawalan ako ng hininga kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata

@Ginoong_Conan's story

If the time will stop(on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon