Charlys POV
(Kindly listen to the song ikaw at ako while reading this)
Halos 10 taon na noong makalabas ako ng hospital. Halos 10 taon na rin na naging masaya ang buhay ko dahil sa pag dating ng babaeng ito sa buhay ko.
At eto kami ngayon sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal namin.Napakasaya ng lahat at ganun din ako. Halos hindi ako makapaniwala na maabutan ko parin ang sandaling ito ng buhay ko
Malapit ako sa altar at hinihintay ang pagbukas ng pinto ng simbahan para masulyapan ko ang aking minamahal. Napaluha nalang ako dahil sa sayang nararamdaman ko
Ilang minuto lang ay tumayo na ang lahat ng bisita dahil nandiyan na daw ang bride. Agad agad naman akong kinabahan.At di ano anoy binuksan na ang pinto ng simbahan.
Nakita ko ang napakaganda niyang mukha na bumagay pa sa napakalaking gown na suot niya. Ngumingiti siya habang nakatanaw sa kinaroroonan ko at ganun din ako.
Hindi ano anoy dumating na siya sa harapan ko
Napapaluha ka yata. Napakaganda ko ba? Tanong niya sa akin. Napatawa nalang ako ng marahan sa sinabi niya at dali daling kinuha ang mga kamay niya mula sa kanyang mga magulang
Ingatan mo ang anak ko Charly
Tumango ako sa daddy niya at nginitian. At heto na nga kami papunta na malapit sa altar malapit sa padreng kakasal sa amin.
Ang akala ko ay hindi na ako mag mamahal.Akala ko ay magiging sirado na talaga ang puso so sa taong ito. Ngunit nagkamali ako muli kong binuksan ang puso ko para sa kanya.
(Flashback)
Anak may bisita ka maluha luha niyang sabi sa akin
Hindi ano anoy may biglang sumulpot na babae mula sa likuran ni Mommy na naka off-shoulder ito at nakasuot ng black pants.Agad itong tumakbo sa akin ay niyakap ako
Surprisee na miss mo ba ako ha CHARLY?
Teka parang nangyari nato ah sa panaginip ko
Ale......
Oh ikaw pala Sammy sabi sa ko sa kanya matapos kung bumitaw mula sa kanyang pag kakayakap
Mabuti naman at gising kana Charly alam mo bang halos araw araw akong nandito noong wala ka pang malay
Talaga?salamat ha...salamat sa pag babantay at pag aalaga sa akin ani ko sa kanya sabay yakap ulit
(End of Flashback )
Akala ko hindi na ako mag mamahal dahil sa pagkamatay ng una kong mahal. Pero nagkamali ako. Mahal kita at hindi kita iiwan pa. Alam kong hindi mo ako pinabayaan at inalagaan mo ako mula noong nasa hospital palang ako.Mahal na mahal kita Sammy at hinding hindi kita iiwan pa. Hanggang sa huling hininga ko sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang kanyang mga kamay. Hindi ko mapigilang maluha dahil sa saya ko.
Mahal din kita Charly simula pa noong una.Akala ko nga ay hindi mo na ako mamahalin.Pero nag papasalamat ako na binuksan mo ulit ang puso mo para sa akin. Hindi rin kita iiwan at tanging kamatayan lamang ang makakapaghihiwalay sa ating dalawa
Mr. John Charly Montero, tinatanggap mo ba si Ms. Sammy Elefteria Analoxues na maging kabiyak mo habang buhay?
Yes po father
Ikaw Ms. Sammy Elefteria Analoxues tinatanggap mo ba si Mr. John Charly Montero na maging kabiyak mo habang buhay?
Yes na yes po Father
Kung ganon Mr. Montero you may now kiss your bride
Hinalikan ko agad si Sammy matapos sabihin yon sa akin ni Father. Dahil doon ay agad agad nagpalakpakan at nag hihiyawan ang mga taong nakapaligid sa amin
Tutuparin ko ang pangako natin sa isat isa Alex. At natupad ko na ang isa nito. Alam kong masaya karin para sa akin para sa amin ni Sammy.
Natututonan ko rin siyang mahalin. Dahil noong nasa hospital palang ako ay palagi niya akong dinadalaw at pinapasaya.Halos linggo linggo rin daw siyang dumadalaw sa akin noong na coma pa ako. Nakikita ko rin si Alex kay Sammy katulad ng pag surprise niya sakin noon at ang pananamit niya. Kung paano niya ako mahalin kung paano niya ako alagaan at kung paano niya ako napapasaya
10 taon narin ang lumipas ay nag karoon na kami ng 6 na anak. Si Alex,Ann,Beryl,Quacin,Sammy at si John Charly Montero Jr.
Kahit wala kana sa tabi ko Alex nandito ka naman sa pusot isipan ko. At kahit pagbabaliktarin man ang mundo ay hinding hindi kita makakalimutan
--------------
(try to listen the song the one that got away while reading this)
Kasalukuyan ako ngayong nasa park at nag papahinga sa duyan. Mabuti at nandito pa ito.Pero ang puno ng mangga ay naputol na .Naputol na ang bagay na tanda ng ating pag mamahalan
Ang ganda ng kislap ng bituin. Napakalamig ng hangin at napakatahimik ng paligid.At sakto may falling star.Pero hindi parehas noon na may kasama ako...kasi ngayon ay nag iisa nalang.
Hi Alex kamusta kana,sana masaya kana dyan. Masaya na kasi ako dito. At Alex natupad kuna rin ang mga pangako natin sa isat isa.Nagkaroon na ako ng mga anak. Nabuhay ako.Alex mamahalin ko si Sammy kagaya ng pag mamahal ko sayo.Hintayin mo ko sa next life natin ha.Mamahalin pa kita don.
Wala kana Alex pero nag lalaro parin sa isipan ko ang mga masasayang alala na nagawa natin kahit panaginip lang pala iyon.Yung buhat buhat ka pauwi ng bahay,yung sinurprise moko sa hospital at marami pang iba. Kung tumigil lang sana ang oras Alex. Siguro magkasama parin tayo ngayon dito.Gumagawa ng mga alala,nabubuhay ng masaya at higit sa lahat tinutupad ang mga pangako natin sa isat isa.
At Alex siguro ito na ang huling sandali na matatanaw ko ito. Aalis na kasi kami pupunta na kaming pamilya sa states at doon na manirahan habang buhay.Siguro Its time to say goodbye.Mamimiss kita Alex,mamimiss kita mahal ko.
I LOVE U ALEX PAALAM
Napapikit nalang ako at napapaiyak ng damhin ang ko ang hanging dumadampi sa buong kawatan ko. Agad kong tiningnan ang parke sa huling pagkakataon bago tuluyang pumasok sa sasakyan
Paalam ulit Alex
Matapos noon ay agad agad akong sumakay sa kotse ko at umuwi ng bahay.
Hi daddy how was your day? Tanong sakin ng anak kong si Alex na 12 taong gulang na
Ok naman anak san ang mga kapatid mo?
Nandoon kay mama nasa Kitchen. Halikana daddy kain na tayo
Naging masaya,maayos at tahimik ang aming pag sasama ni Sammy.
Dalawang bagay lang ang natutunan ko sa mga nangyari sa akin.
Yung akala mo na siya na pero hindi pa pala siya
At...
Yung inakala mong hindi siya pero siya parin pala.
-wakas-
Ginoong_Conan
BINABASA MO ANG
If the time will stop(on going)
Teen FictionPaano kung ang taong mahal mo ay mawawalay sayo dahil sa isang accidente.. At paano kung ito rin pala ang maging susi para makasama mo siya ulit.Ako si John Charles Montero 111 at ito ang aking kwento