"So anong role ang nakuha mo?" tanong sakin ni Axle. Lumabas na nung isang araw ang groupings at kung anong play ang gagawin namin. Wala kong naging ka grupo sa tatlong 'to. Mabuti pa 'tong tatlong 'to magkakasama e. Ako lang napahiwalay takte. Nandito kami ngayon sa dome. Tambay lang. Hindi kasi dumating prof namin kaya nag decide kami na dito nalang muna pumunta.
"Tinatanong pa ba yan? syempre stage manager." binigay na rin ang script at nagpa-audition nadin ditector namin na si Sir. Moja Bale, lahat ng third year from COC ang mag le-lead ng project namin. Sa bawat grupo may 2 third year na mag tuturo at mag di-direct samin. At kamalas malasan pa, sakin napunta ang pinaka strict na Director.
"buti ka pa. Ako gagawa lang ng props e." dismayadong sabi ni JP.
"O naniwala ka na ngayon na pang backstage ka lang?" pang aasar ni Darien.
"taena mo pre nakaka discourage kayo. Wala kayo suporta. Mauna na ko. May practice pa kami." walang ano-ano nyang sabi sabay kuha ng gamit nya at padabog na umalis.
"hala, nagtampo." mukang gusto talaga niyang maging bida. Kawawang bata.
"Ikaw? anong gagawin mo sa play?" baling ko kay Axle.
"Bida. Ayoko ngang umarte e. Alam mong di ko yon kaya. Kaso walang mapili samin kaya ako nalang." mahiyain nga pala kasi tong mokong na'to.
"Kaya mo yan. Isipin mo nalang para sa grades. Ano nga palang play nyo?" Iba't ibang tema kasi ang meron kami sa play pero lahat ng play may iisang topic at yun ay ang mga problema na kinakaharap ng pilipinas.
"Tatsulok title pre. Tungkol sa pagpatay doon sa isang binatilyo na tinaniman ng droga at sinabing nanlaban pero perspective ng bestfriend o nang taon nakakita sa krimen yung gagamitin."
"O? maganda naman pala. Ang interesting nga e."
"Ikaw ano sayo?"
"Nalimutan ko title e. Pero about sa self identity at sexuality." buti na nga lang at stage manager lang ako. Tingin ko kasi mahirap yung play na napunta samin. Sensitive yung topic kaya dapat yung portrayal at execution ng play maayos.
Dumating na yung oras para sa second subject kaya pumunta na kami sa room namin. Nadatnan namin don si JP na nagbabasa ng script. Aba ang mokong, parang di kami nakitang dumating. Talagang tampo nga.
"Hoy Darien. Kausapin mo yan si JP. Ikaw nangasar dyan." utos ko na may kasamang pandidilat ng mata.
"Oo na. Malay ko bang seryoso syang gusto nya magbida." napakamot nalang sya sa ulo nya bago lumapit kay Jp.
"Pre, wak ka na tampo. Tara sa baba. Libre kita." panunuyo nya kay JP. Mabilis naman lumiwanag ang muka ng kupal ng narinig yung salitang libre.
"Tampo? sino tampo? tara na sa baba aba. Baka dumating si sir di pa tayo nakakabili." sabay dali-daling hinila si Darien palabas ng room.
"Basta libre mabilis." natatawa naming sabi ni Axle.
Mabilis lang din naman natapos ang klase. Nag-ayos nako ng mga gamit at lumabas ng room. Wala na yung tatlo. May practice ng play kaya nagmamadaling umalis. Buti nalang ako wala. Bida lang muna ang mag pa-practice ngayon ang pagkaka alam ko e.
"Hi." preskong bati niya habang nakangiti.
"Oh, Roi? ba't nandito ka?"
wala syang klase samin ngayong araw kaya nakapag tataka at nandito sya."Pinapatawag kasi tayo lahat ni Direct Moja. Lahat daw dapat nasa practice."
"Oh? akala mo main cast lang muna?"
Iyon napag usapan last meeting e.
"Akala ko din e. Nagbago ata isip. Ano tara na? ikaw talaga sinadya ko dito. Sabay na tayo pumunta sa practice." sabay akbay sakin at pagtapos ay naglakad kaya nadala din ako. At dahil nga magkadikit kami, di ko maiwasang maamoy ang pabango nya.
