Chapter 10

1 0 0
                                        

"O basta bukas dito sa main campus ang meeting place natin. Make sure to be here at exactly or before 6:00am kapag wala pa dito sorry to say pero maiiwan kayo." Umingay naman ang mga kasama ko. Mukang lahat excited sa team building since etong mga nakaraang araw maraming ginagawang mga activites sa school kaya naging busy at stress ang karamihan kaya magandang opportunity 'to para mag unwind.

Ngayon lang ako makakapunta sa Batangas kaya nae-excite rin ako. San kaya kami mapapadpad sa batangas?

"mukang excited ka ah. Napapangiti ka e." bulong sakin ni Roi.

"medyo.Ngayon lang ako pupunta sa Batangas e. Mas masaya sana 'to kung kasama sila Axle. Mga kengkoy yung mga yon e." sayang kasi at hindi pwede magsama ng iba. Gusto ko sana isama sila Axle kaso di pumayag si Direct Moja.

"mas okay na 'to atleast solo kita."

"Hindi ka ba napapagod sa kaka-joke mo? ang corny corny mong kupal ka."

Lumayo naman siya sakin at nag pout? talaga bang mag pout tong mokong na 'to? hindi ko nalang pinansin at nakinig nalang sa annoucement. Hindi rin naman nagtagal at pina-uwi na kami ni direk Moja para daw makapag ayos ng gamit at makapahinga dahil maaga pa ang gising bukas. Naglabasan na kaming magka-kagrupo. Naunang makalabas si Roi at hinintay ako sa tapat ng room. He always does that. Lagi siyang mauunang lalabas pero hihintayin naman ako para sabay na kaming umuwi.

"Uuwi ka na ba? sabay na tayo." tanong ko sakanya ng makalapit ako. Madalas, sabay kaming umuuwi since iisa lang naman ang way at sinasakyan namin.

"wala ka na bang ibang gagawin?"

"Wala na. Di rin naman ako makakatambay pa sa campus dahil wala narin naman sila Axle. Kanina pa sila umuwi dahil wala naman silang practice ngayon."

"samahan mo nalang ako." inakbayan nya ko at iginaya para maglakad. Saan naman kaya magpapasama 'to?

"Saan tayo pupunta?"

"Bibili tayo gitara."

"bibilhan mo 'rin ako?" pabiro 'kong tanong.

"marunong ka ba mag gitara?"

"Hindi." matagal ko ng gustong matuto kaso wala namang pwedeng magturo sakin at isa pa, wala rin akong gitara na magagamit para sa pagpa-practice.

"Di ka naman pala marunong eh."

"kaya nga bilhan mo ko para meron akong magamit at matuto ako."

"Di na kailangan. Pwede mo naman hiramin gitarang bibilhin natin. Kung gusto mo tuturuan narin kita."

"seryoso?"

"Oo. Alam mo namang basta para sayo gagawin ko. Malakas ka sakin e." he then patted my head and rest his hands there.

"buhok ko wag mo guluhin." lalo lang nyang ginulo ang buhok ko. Ang tagal tagal kong inayos yan tapos guguluhin lang.

"Tss." hinawakan ko ang kamay niya sa ulo ko at inalis ang akbay sakin. Taena guluhin nyo na lahat wag lang buhok ko. Ang hirap pa namang ayusin ne'to.

"Oy, oy. Di ka naman mabiro. Halika nga dito." hinawakan nya ko sa balikat at hinila paharap sakanya pagtapos ay inayos ang buhok ko. Seryosong-seryoso niyang inayos ang buhok ko. Nakatingin lang ako sakanya habang ginagawa niya yon. Looking at him up close it's no wonder why girls go crazy everytime they saw him. Masakit man sa loob ko, totoo namang gwapo talaga siya mas gwapo pa sakin pero syempre di ko 'yon sasabihin. Naamoy ko rin 'yung pabango niya. Katulad parin ng dati.

"Ang gwapo ko no?" sabi nya sabay ngiti. Yumuko pa siya ng bahagya para magpantay ang tingin namin. Di ko namalayan na tapos na pala nyang ayusin ang buhok ko.

"mas gwapo ko." tumalikod na ko at nagsimula ng maglakad. Umakbay ulit siya sakin at sumabay na sa paglalakad. Ang init-init na akbay pa ng akbay.

"Roi mainit. Wag mo na ko gawing saklay."
agad naman syang umiling.

"Di pwede. Gusto ko ganto lang." matigas nyang tanggi. Hindi ko narin pinilit. Sanay narin naman akong naka-akbay sakin tong mokong naton.Trip na trip akong gawing saklay ng kupal na 'to e.

Hinahanap namin ngayon yung guitar shop na malapit sa campus. Nakalabas na kami ng school at kasalukuyang sinusundan ang direction na nakalagay sa Fb page ng shop.

"Sabi dito kapag nasa kanto na ng Rosal street at Cabug dumiretso lang." sabi niya habang pabalik balik ang tingin sa cellphone nya at sa street. Nafu-frustrate na'to. Napapakamot na ng ulo eh.

"Ang lakas ng loob mong magpasama e di mo naman pala alam kung saan tayo pupunta." ang sarap kaltukan talaga ng taong 'to eh. Ang lakas ng tama. Lalo naman syang nabwisit. Di mawawaan yung muka e. Di ko alam mung natate ba'to o ano e. Natawa nalang ako. Lumapit ako sakanya at pinayungan siya.

"Chill ka. Ako naiinitan sayo e. Ang init init nandyan ka sa initan."

"sorry. Akala ko kasi madali lang mahanap yung shop e." bwisit na sabi nya sabay punas ng pawis. Basa narin ang damit nya. Tumabi muna kami sa medyo may lilim para makapag pahinga saglit. Inilapag niya ang bag niya at basang basa ang likod niya.

"Oy. Punasan mo yang likod mo. Basang basa oh."

"Di ko abot." pinilit nyang punasan ang likod niya pero yung lower back lang talaga niya ang abot nya.

"akin na nga. Ako na magpupunas." dahil mabait akong nilalang kinuha ko yung bimpo nya at ako na ang nagpunas. Inabot ko naman sakanya yung bimpo nya pagtapos.

"Salamat."

"Patingin nga ako ng direction na nasa page nila." kinuha ko sakanya ang cellphone nya at tinignan. Dalawang street tong nasa harap namin pero sabi diretso lang daw pag nakarating kami dito. So either way, pwede kami dumaan dahil pwede namang lumusot sa kabilang street if ever na mali ang lalakaran namin.

"Tara na. Dito nalang tayo dumaan. Mas may lilim kaya di msyado mainit. " tinuro ko naman ang Cabug Street.

"Pano mo alam na dyan ang daan?"

"wala. Pakiramdam ko lang." yun lang ang sinabi ko at naglakad na.

"sakin wala kang nararamdaman?"
bulong nya sa sarili nya.

"Ano? may sinasabi ka?"

"wala. sabi ko tara na."

Secrets Of The MoonWhere stories live. Discover now