Habang binabasa ko 'yung script e palaki din ng palaki ang mata ko. Taena pano ko ia-arte 'to? Ang sweet at haharot ng character dito.
—Scene 6
Nagkatinginan ang dalawa (Carl & Joseph) at sabay na mapapangiti.
Carl: Halika nga dito. (hinila papalapit at niyakap si Joseph sabay gulo ng buhok nito)
Joseph: Oy, yung buhok ko! (kunwaring bwisit na sabi nya)
Carl: Ayaw mo? o sige wag na. (sabay bitaw at talikod kay Joseph)
Hahawakan ni Joseph ang laylayan ng t-shirt ni Carl para mapigilan ito sa pag-alis.
Joseph: May sinabi ba ko? (mahina at pabulong na sabi niya tapos hihilahin at siya naman ang yayakap kay Carl)
Carl: I like you like this way. (bulong niya kay Joseph)
Kitams kitams? Ang lalantod! how am I supposed to act this one? taena kahit kelan di ako naging sweet ng ganyan hayop. Pano ko i-internalize yan? na fu-frustrarte na ko king ina. Tumingin ako sa orasan at nakitang 3:00 na ng madaling araw.
"Argh!" I whimpered at marahas na humiga at nagtaklubong ng kumot.
Bahala na king ina.
"Cut! Again."
"Again!"
"Again!"
"You know what? STOP!"
Rinig na rinig sa buong hallway ang sigaw na 'yon. Kitang kita ko kung gano kabanas si direk Moja samin ni Roi. Nanlilisik na mga mata at nanlalaki ang butas sa ilong. Konting-konti nalang, konting-konti nalang talaga malapit na kami mahambalos ng mesa nito eh.
"Guys lets take a 15 minutes break." Nagsunuran naman kaming lahat sa sinabi ni direk Jason, siya ang kasama ni direk Moja na nag le-lead sa play namin. Wala pang isang segundo ubos na ang tao sa room. Walang gustong matira mukang mangangain na kasi si direk Moja.
"Kayong dalawa. Hindi kayo magpapahinga hangga't di nyo nagagawa ng maayos yang scene na yan." dikta ni Direk Moja bago umalis.
"Tang ina kasi." bulong ko sa sarili ko.
"Okay ka lang?" tanong sakin ni Roi. Narinig nya ata ko magmura.
"Oo. Nauurat lang." Pano ba naman kasi kanina pa kaming 8:00am dito sa classroom. Una naghintayan. Etong mga bwisit na 'to nagdatingan 9:30am. Ano pare-parehas sira mga relo nila? mga tanga. Pangalawa, nalimutan ko ang script ko sa bahay kaya kinailangan ko pang bumaba at mag pa print ng bago e sa 5th floor pa kami nagpa-practice. Pangatlo, wala pa akong almusal at hindi namin magawa yung scene namin dahil hindi ko naman alam maging sweet sa isang tao. King ina pano ko malalaman yon e wala nga akong jowa o naging jowa.
"Pano kaya tayo makakausad neto." he said. Nakonsensya naman ako dahil okay naman ang ginagawa nya sa practice. Ako lang talaga may problema.
"Sorry. " I said and then looked down.
"You've never been in a relationship no?" tanong niya.
"Yeah. Never been." sagot ko.
Hindi sa wala akong nagustuhan. Ang problema kapag nagkakagusto ko sa isang tao, magugustuhan din ng tropa ko, o kaya naman yung gusto ko tropa ko naman gusto. Wala kong nagustuhan na gusto din ako. Malas e. So I end up letting my feelings fade because I don't have a chance or tutulungan ko yung tropa ko na mapalapit at manligaw dun sa gusto ko.
"Halata naman e." natatawang sabi ng mokong. Aba kung maka insulto 'to ah.
"Hoy, wala kong naging shota pero may naging MU ako." pagtatanggol ko sa sarili ko.