Chapter 7

3 1 0
                                    

Hay! ang sarap humilata at magpahinga talaga. Sobrang busy sa school kaya bihira lang yong gantong araw na walang iisipin at magpapahinga lang talaga. Linggo ngayon. Walang pasok at thankfully wala rin activity or assignments na binigay ang mga prof. Wala ring pasok bukas dahil holiday. Hayahay ang buhay! Hapon na ngayon at maganda ang kulay ng langit. Magandang mood para manuod ng Black clover. Dali-dali naman akong umupo at dumiretso sa study table ko at binuksan ang laptop. Oras na para manuod ng anime.

Manunuod na sana ko ng anime ng biglang may nag pop-up na notification.

"Friend request galing kay Roi?" hindi pa pala kami friend non sa FB? Inaccept ko naman ang request. Bumalik din ako sa site na pinapanuoran ko ng anime at nanuod na. Hindi ko namalayan ang oras dahil nag-enjoy ako sa kakapanuod. Gabi na pala at nagugutom na ko kaya bumaba ako at pumunta sa kitchen.

"Yow Ma, what's our ulam?"

"Ano pa ba? edi ang paborito mong ulam." enthusiastic na sabi niya sabay angat ng takip ng kasirola.

"Chicken curry. Nice."
Matagal tagal narin ng huling magluto si Mama neto.

"O tikman mo at sabihin sakin kung okay na ang lasa o kulang pa." inabot niya sakin ang sandok na may curry. Tinikman ko naman and as usual tamang tama ang lasa. Magaling talagang magluto si Mama.

"Ang Papa mo baka nag OT na naman yon kaya wala pa." Madalas mag overtime si papa sa trabaho. Mas maraming OT mas malaking sahod, mas okay.

"Si Kuya wala pa?"

"wala pa. Nasa practice pa ng sayaw."

"As usual. Ba't pa ba ko nagtanong."

Ilang saglit lang bumaba narin ang bunsong kapatid 'ko at kumain narin kami. Pagtapos kumain ay dimiretso na ulit ako sa kwarto ko at sa harap ng laptop ko.

From: Roi Santos
Yo. Musta?

Bored na naman siguro to kaya naisipan akong i-chat. Since bored din naman ako ay nireplyan ko na.

"Oks lang. Ikaw?"

"Eto may problema. Meron kasing hindi maalis sa isip ko."

"Ano? chics mo?"

"Hindi yon. Baliw."

"Ano bang hindi maalis sa isip mo?"
pasuspense pa e.

"Hindi ano. Sino."

"Sino?"

"Ikaw."

"Lol. Sabog ka na naman?"

"Biro lang. Wala lang talaga ko magawa 😆." sabi na bored na naman 'to e

"Sabi na e. Maghanap ka ng ibang magugulo. Busy ako manuod."

"Anong pinapanuod mo? Porn? 😂"

"Oo. Hentai."

"Milky way pa." Aba alam na alam ng mokong.

"Alam na alam."

"Syempre. Ako pa ba?"

"Manyakol ka. Naniwala ka naman? nanunuod ako ng Anime. Siraulo."

"defensive HAHAHA."

Ang laki ng HAHAHA ng kupal na'to. Sayang saya.

"Baliw."

Hanggang sa chat ang lakas mang trip neto. Wala bang alam gawin sa buhay to kundi mang trip?

"Anyway, sasama ka ba sa team building natin?"

Shit. Nalimutan kong may teambuilding nga pala kami ng mga kagrupo ko sa Humanities. Mayroon kaming one week na pahinga sa school dahil sa Marketing week. Celebration para sa department namin. Hindi pa pala ako nakakapag paalam kay Mama at Papa. Tinatamad din naman akong pumunta. Wala naman akong hilig sa mga ganong bagay. Kung hindi lang dahil sa project namin 'di ako sasama e kaso no choice. Kailangan daw 'yon para maging malapit kaming lahat at mawala ang awkwardness naming lahat sa isa't-isa para mas maging maganda at maayos ang working environment namin. Ewan ko sa director namin ang daming alam sa buhay.

"Wala namang choice e. Hindi pa 'ko nakakapag paalam kila Papa at Mama pero wala rin naman silang choice."

"Sabagay. See you sa team building."

Magre-reply pa sana ako kaso nag offline na siya kaya bumalik nalang ako sa panunuod ng anime.

Akala ko pa naman may one week akong pahinga. Hay, buhay parang life. Asar!

Nang mag sawa ako kakanuod ng anime ay sa Fb naman ako tumambay. Tamang scroll lang at share ng Memes na relatable at nakakatawa hanggang sa nakita ko ang post ni Karina, the girl I was telling Roi about. It was a letter for her boyfriend who cheated on her. Nilagpasan ko nalang ang post niya at nagpatuloy sa pag scroll.

Bakit may mga taong pasasakayin ka at paniniwalain na mahal ka tapos yun pala may hinihintay or may gusto naman palang iba? Why do we fall in love with someone who will only waste our love ? more importantly why do we still love that person even after all the pain? We chase the one who ignore us, ignore the ones who love us and choose the one who will never choose us. I guess that's just how love goes.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ko.

- - -
Ewan kung uso pa'to pero this chapter is dedicated to ezinhlanu .

Secrets Of The MoonWhere stories live. Discover now