Chapter 2

7 2 0
                                    

As usual ako na naman ang naunang dumating sa room at syempre ako na naman ang nag ayos ng mga upuan. At as usual makikinig nalang sana ulit ako ng music at isusubsob ko nalang sana yung muka ko sa mesa nang bigla nalang may nagpatong ng malamig na bagay sa harap ko.

"Mango lychee. Bayad sa natapon ko nung isang araw." Napatingin naman ako sa taong nakangiti na naglapag non sa harap ko.

"Eh? Number 18? anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Number 18? yun pala ang tawag mo sakin. Humanities subject mo ngayon diba? same class at prof kasi tayo." sagot nya sabay umupo sa tabi ko.

"Ah, eh hindi ko kasi natanong pangalan mo nung nakaraan.Ba't ngayon lang kita nakita? almost a week na nung nag start ang class dito ah."

2 times a week ang klase sa humanities at hindi ko pa sya nakita sa lahat ng meetings namin.

"Practice para sa Volleyball dahil may competition na paparating. Excuse din kami for a week kaya ngayon lang din ako nakapasok."

"Ah. Salamat nga pala dito. Dapat di ka na ang abala. Matanggal na rin naman na yung nangyari. Mukang okay pa nga dahil simula ng natamaan ako non parang gumaling ako sa Acco." biro ko.

Natatawa ko kasi eversince na tinamaan ako ng bola ang bilis ko na maintindihan yung Acco. Naalog ata utak ko. Magpatama kaya ulit ako sa ulo baka sakaling sa ibang subject din gumaling ako.

"Nice. gusto mo patamaan ulit kita?" natatawa nyang sabi.

"Di na okay na okay na ko. "
taena ang sakit sakit ng tama non e. Kinabukasan pagtapos ko tamaan ng bola masakit parin ulo ko at nagpasa yung gilid ng leeg ko na tinamaan ng bola. Para kong may stiff neck dahil di ko magalaw ng maayos.

"I'm Roi a.k.a Number 18." nakangiting sabi nya. sabay abot sakin ng kamay nya. I took it and shaked his hand.

"Yohan." pakilala ko.

Di siguro 'to naghuhugas ng plato o naglalaba. Lambot ng palad e.

Unti-unting nagdatingan ang mga classmate namin. Umingay nadin ang paligid. Di na ko makakatulog neto. Dumating din naman agad si Sir.

"Good morning. Meron akong announcement regarding sa finals at midterm nyo. " seryosong sabi nya.

Nanahimik bigla buong klase. Mukang lahat kabado. Terror pa naman 'to si Sir. Walang patawad dito e. Walang awa awa.

"wala na kayong midterm and final exams. Nakasalalay ang grades nyo sa gagawin nyong project. Since, ako ang head ng Faculty of Theatre, magkakaroon kayo ng play in partnership with 3rd year students from College of Communications. Project nila ang gumawa at mag direct ng play at kayo ang magiging katulong at kasama nila don. Groupings will be posted tommorow. I u-update nalang kayo ng President nyo sa iba pang announcements. So ayon. Let's continue our lecture."

"Eto na pre. Ito na yung time para ako ay mag shine." naka ngiti pa tong si Jp habang nakatingin sa malayo. Mukang nag i-imagine pa ang mokong.

"Oy, oy, oy. Wag ka na umasa. Di ka pu-pwede don. Yung muka mo pang back stage lang."

"Oo nga. Tapos wala ka ding PR." dagdag pa ni Axle.

"Hoy. Nakaka sakit kayo ng damdamin ah. Etong muka na to?" sabay hawak sa muka nya.

"pre etong muka na to? dito hinulma yung hugis ng muka ni Alden. Etong mga matang 'to pre? Daniel Padilla. Pang backstage aba naman. At anong PR, PR? sa lakas ng appeal ko nagtatakbuhan nga mga babae pag darating ako." taas noo pa ang kupal.

"panong hindi tatakbo e tingin mo palang gusto mo na silang hubaran manyakol ka e." biro ko.

Sabi ko nga, halos parehas kami ng paguugali ng mga 'to. At isa sa mga kakaunting pinagkaiba namin e hindi ako kasing baliw ng mga to pagdating sa babae. May bait naman ako sa sarili. Sila pag may nakitang babae prospect agad e. Mga baliw.

"Yow. Musta?" nakangiti na naman nyang bati samin.

"O? diba ikaw yung naka tama ng bola sa ulo neto? " sabay turo ni JP sakin.

Napakamot naman si Roi sa ulo nya at bahagyang napangiwi.

"Oo. Pasensya na talaga."

"Anong pase-pasensya?" matapang at seryosong sabi ni Axle. Nabigla naman kaming lahat. Ngayon ko lang nakitang seryoso to e. Bigla tuloy nagka tension sa paligid.

"Oy, kupal. Nag sorry na yan." bulong ni Darien kay Axle.

"Sorry?" maagas paring balik ni Axle.

" Hoy. Kupal anong trip mo?" ngayon ko lang kasi talagang nakitang seryoso to e.

"Pasensya na talaga." paghingi ulit ni Roi ng tawad.

"Sorry? Ha? Sorry? Wala kang dapat i-sorry. Salamat. Salamat saiyo at tumalino 'tong tropa namin." natatawang sabi ni Axle at nang hindi na nga nakapag pigil humagalpak na ng tawa.

Taena talaga neto. Kinaltukan ko nga.

"Tanena mo."

Para namang nakahinga ng maluwag si Roi.

"Pasensya na sa mga tropa ko. Mga siraulo yan." natatawang sabi ko.

"ayus lang. Enjoy nga e. Nga pala, kumain ka na ba? sasabay sana kasi ako e."

"Hindi pa. Tamang tama sama ka nalang samin. Oy tara na't kumain sasama satin si Roi."

Nagmadali namang magayos ng gamit ang mga mokong. Mabilis din sa kainan tong mga to e.

Mabilis lang din naman kaming nakarating sa Cafeteria.

"Dun parin ba tayo sa kinakainan natin?" tanong ni Axle.

"Oo. Masarap luto nila ng ulam doon e. Sana may sinigang sila ulit."

"Kita nalang tayo don. Bibili lang ako ng pagkain ko." Masarap naman ulam sa kinakainan namin kaso wala naman doon ang gusto kong kainin.

"Ikaw Roi?" tanong naman ni Darien.

"Ah, sunod nalang ako. Hahanap pa ko ng mabibili e." parang laging nakahithit 'to. Laging malawak ang ngiti e.

"Sige sige." umalis narin agad sila. Unahan kasi sa upuan doon sa kinakainan namin dahil maraming nakain kaya nagmamadaling umalis ang mga loko.

"Tara na." sabi nya at inakbayan ako tska ako hinila papunta sa stall ng pagkain. Sobrang dami ng tao.

"Okay lang ba sayo dito?"

"Oo ayos lang. Dito naman talaga ang punta ko. "

"Hintayin mo nalang ako dito. Ako nalang oorder. Cordon Blue sayo tama?"

"pano mo nalaman?" taka kong tanong.

"hula lang. Yun kasi bibilhin ko e."

"Nice. Parehas pala tayo ng gusto." yun din kasi ang bibilhin ko. Napangiti naman siya pagtapos pumila na para maka bili.

"Dalawa pong order ng cordon blue. Padagdag din po ng gravy. Tska 2 extra rice."

Sobrang pawis na pawis sya ng makabalik sakin. Daig pa neto tumakbo sa oval ah.

"ayos ka lang?" natatawa kong tanong.

"Sobrang init grabe."

"Inom ka muna." Inabot ko naman sakanya yung hawak kong C2 apple. Bumili na kasi ako ng drinks namin habang nakapila sya.

"salamat. Magkano babayaran ko sayo?"

"Di na, wag mo na isipin yon. Tara na para makakain na tayo."

"Hala, magkano nga?"

"Nah, it's fine. Libre ko na yan. Minsan lang ako manlibre kaya tanggapin mo na." Minsan lang talaga ko manlibre madalas ako buraot e.

"Salamat Han." napatingin naman ako sakanya.

"Han?"

"Oo. yun nalang tatawag ko sayo. Hi Han." pang-aasar nya.

Secrets Of The MoonWhere stories live. Discover now