"kaya pala dito mo gusto dumaan." sabi nya sabay ngumiti ng nakakaloko.
Bakit ba kasi dito ko pa naisipang dumaan? Malay ko ba namang etong buong street na'to halos puro Hotel.
"Oo. Dito talaga kita dinaan para mapasok kita dyan." ngumiti naman ako pabalik sabay hawak sa balikat niya at pinisil pisil.
"Sana sinabi mo nalang para ako na nag check in sa'tin. Saan ba dyan ang gusto mo?" tumigil naman siya sa paglalakad at tumingin sa paigid. Hinihitay ang sagot ko. Tumingin din ako sa paligid.
"Dito nalang tutal nandito narin tayo sa tapat eh. " Tinuro ko ang hotel na nasa tapat namin. Lalong lumawak ang ngiti ng mokong.
"Ano pang hinihintay natin tara na." umakbay siya sakin at hinila ko papunta sa loob ng Hotel.
"Oy gago joke lang." sabi ko sabay tanggal ng akbay niya sakin at lalakad na sana palayo. Ang kaso ang mokong hinawakan ako sa braso at kamay at pilit akong hinihila papasok.
"Hinde. Walang joke joke." Papalakad siya papasok at ako naman naglalakad sa kabilang direksyon para kaming tangang naghihilahan dito. Makakawala na sana ko kaso bigla akong niyakap ng mokong na'to galing sa likod at binuhat ako papunta sa hotel.
"Roi. Magtigil ka nga. Bitiwan mo ko abnormal ka." nagpupumiglas ako kaso ang higpit talaga ng kapit ng bwisit na'to.
"mag ready kana, Han" He whispered with a husky voice. Kinilabutan naman ako sa sinabi nya kaya mas lalo kong nagpumiglas.
"mas mag ready ka kasi kapag nakawala ako dito uupakan talaga kitang bwisit ka." parang tanga talaga.
"Wow naman. Ang sweet. Mag ho-honeymoon na ba kayo?" agad naman akong binitawan ni Roi. Ako naman agad na inayos ang damit kong gusto gusot. Napatingin naman kami ni Roi sa pinanggalingan ng boses.
"Kayo ah. Ibang level na 'yan. Wala na kayo sa practice pero ang sweet nyo pa din." sabay tingin samin na parang nangaasar.
"Jean." tawag ni Roi.
"Baliw. Naglolokohan lang kami." depensa ko.
"Ikaw? Ba't nandito ka? may ka meet up ka dito no?" pangaasar ni Roi.
"Grabe siya. Dito naman talaga ko lagi dumadaan dahil dito ang daan ko pauwi. Dyan lang ako sa street pagliko ng kanto dyan oh." sabay turo naman nya sa kanto.
"Tiga dito ka lang pala. Tamang tama. Alam mo ba kung saan yung shop na'to?" ipinakita naman sakanya ni Roi yung picture at page ng shop.
"Oo. Dyan lang yan sa dulo ng street namin. Bakit? bibili kayo ng gitara?"
"Oo sana. Kaso di namin mahanap kung saan eh. " nahihiyang sabi ni Roi. Mahiya talaga siya. Ang lakas ng loob magyaya di naman alam san pupunta.
"Buti nalang nakita ka namin." nakahinga naman ako ng maluwag. Atleast ngayon di na kami maglalakad na parang walang direksyon ang pupuntahan.
"Buti nalang talaga. Tara sabay sabay na tayo." At naglakad na siya.
Salamat kay Jean at nakarating din kami sa Guitar shop.
"ikaw na pumili."
Tignan mo'to. Wala nga akong alam sa gitara ako pa papapiliin.
"ikaw na. Wala akong alam dyan."
"kaya mo yan. Pakiramdaman mo lang. Kung anong pakiramdam mo dun yun bibilhin natin." Tinignan ko naman ang mga gitara na nakasabit sa dingding. Madaming magagandang nakasabit pero isa lang ang nakita kong nagustuhan ko ang kulay.
"Iyon nalang." tska ko itinuro yung gitara na kulay light brown. Basta para siyang natural color ng kahoy na pinatingkad meron ding strap. Nilapitan naman nya yon at itinuro sa seller.
"Sir, pwede pong subukan yon?"
"oo naman po boss." kinuha nya yung gitara at tinono pagtapos ay inabot kay Roi. Kinuha naman ni Roi at nagsimulang tumugtog.
🎶To be young and in love in New York City
To not know who I am but still know that I'm good long as you're here with me
To be drunk and in love in New York City
Midnight into morning coffee
Burning through the hours talkingDamn
I like me better when I'm with you
I like me better when I'm with you
I knew from the first time, I'd stay for a long time
'Cause I like me better when
I like me better when I'm with you 🎶🎶Nakatingin lang siya sakin habang kumakanta at paminsan minsan ay ngumingiti. This dude is really awesome. Hindi ko alam na napangiti na pala 'ko. Bakit parang lahat na binigay nya sa taong 'to. Gwapo, magaling sa sport, magaling sa academics tapos magaling mag gitara at maganda pa ang boses. Lord? bakit parang ang daya naman. Hindi na nakakapag tataka kung bakit marami talagang nagkakagusto dito.
"Do you like it?" tanong niya pagkatapos niyang iabot ang gitara sa seller para ilagay na guitar bag para mabili na niyan.
I nodded.
"speechless ka no?"
sinamaan ko siya ng tingin. Ang hangin talaga ng taong to e. Kaya di ako sumagot e. Pag binigyan ko ng compliment 'to baka lalongn humangin. Pero kapuri-puri naman talaga ang ganda ng boses niya."Oo na po. Magaling ka na. Masaya ka na po ba Master?" Natawa nalang siya sabay kurot sa pisngi ko. Taena ang saket.
"Masakit kupal ka." inis na sabi ko sabay sipa ng marahan sa binti niya.
"Sir, Okay na po. " pumunta naman agad kami sa counter para magbayad at kunin yung gitara. Pagtapos ay umuwi narin kami. Ililibre pa sana nya ko sa Jollibee kaso tumanggi na 'ko.
