CHAPTER 1

20 2 0
                                        

CHAPTER 1

MIGGY continues to sob. Wala siyang ginawa for the past few days kun'di umiyak nang umiyak.

Why does it have to be me? Bakit ako pa? Bakit sa lahat ng tao ako pa ang sasaktan. I did nothing but to love him.

No words can explain what he is feeling. Wala siyang gana. Walang gana kumain, walang gana makipag-usap. His whole life was a mess. Even his room is a mess.

It has been a week since the incident happened. But everytime he remembers it, parang kahapon lang ito nangyari.

"Sis, lumabas ka na sa kwarto mo," nag-aalalang sabi ni Shaina.

He felt so guilty for not noticing her bestfriend. Kahit ito ay hindi niya kinakausap. Ayaw niyang kaawaan siya. Ayaw niyang makita siyang mahina. Everything fell apart when he lost him. The man that he loved.

"Girl, please. Nag-aalala na ako sa'yo. It's been days since lumabas ka and kumain. Please, lumabas ka na ngayon. Mag-ayos ka na enrollment day na oh."

He even forgot about their enrollment day. Since it is their enrollment day, mukhang makikita niya ang lalaking sumira sa puso niya.

But he needs to stay composed. Kailangan niyang maging matatag.

Walang gana niyabg binuksan ang pinto, he saw his friend at the door. He immediately hugged his friend.

"Sorry for making you worry. Hindi na ako magkukulong ulit." Umiiyak na sambit ni Miggy.

He immediately took a shower and fixed himself.

After he fixed himself, he felt new. Pakiramdam niya may nagbago sa kaniya. But it doesn't change the fact na masakit pa rin ang puso niya. He can still feel his heart bleeding.

Sabay silang maglakad ni Shaina papuntang Registrar's Office to enroll. Parehas silang walang imik.

Sana hindi ko siya makita. I don't want him to see me. Ayaw kong makita niya ako ulit, dahil kapag nakita ko siya, baka hindi ko mapigilang umiyak ulit. Umiyak na para bang walang pakielam kahit nasa public place ako.

Buntong hiningang naglalakad si Miggy nang tumigil si Shaina sa paglalakad. Nagtataka siya kung bakit.

Biglang parang nabuhusan siya ng malamig na tubig at napatigil nang makita niya ang lalaking nagwasak ng kaniyang puso.

Bakit ang saya saya niya? Bakit? Bakit parang ako lang ang miserable? Ang unfair naman n'on.

Tumingin siya kay Shaina, nagbabadya ang mga luha na pumatak sa kaniyang mga mata.

"Tara, bili muna tayo pagkain. My treat," nakangiting sabi ni Shaina.

Nagpatianod na lang siya kay Shaina at patuloy na nagpapasalamat sa isip niya sa patuloy na pag-ligtas sa kaniya ni Shaina.

"Thank you!"

"That's what friends are for, sis." Nakangiting tugon ni Shaina.

Tumuloy na sila sa Registrar's Office para makapag-enroll na. Kaunti na lang ang pila kaya't kaagad na silang natapos. Malamang sa malamang magkaklase pa rin sila. 2 days from now, everything will be back to normal. Ngunit hindi niya nasisiguro kung handa na ba siya, handa na kaya niyang bumalik sa normal na buhay?

Kakayanin kaya niyang hindi na umiyak at makapag-focus muli sa pag-aaral? Hanggang kailan kaya siya luluha? Hanggang kailan kaya niya ipagluluksa ang kaniyang puso?

After 2 days.

Walang-gana siyang bumangon sa kwarto. Naabutan niya si Shaina na naghahanda ng almusal.

"Kain ka na sis, first day natin oh. Second year na tayo," nakangiting sambit ni Shaina.

Second year na, naka-move forward na ang academic term samantalang ako, wala pa rin.

Pinilit na lang ni Miggy na kumain kahit wala siyang gana.

Tiningnan niya ang schedule niya. Microbiology ang first class niya. Parang wala talaga sa kaniya ang excitement. Hindi siya makapag-focus. Gustuhin man niya na maging masaya pero hindi niya talaga kayang ngumiti dahil hindi pa rin maalis sa puso't isip niya 'yung sakit na dulot nito.

Nagbihis na siya. Isang simpleng hoodie at shorts ang sinuot niya. Wala siyang maisip na ibang susuotin.

"Girl, tara na. Ngumiti ka naman diyan. Para ka namang bangkay sis," nakabusangot na sabi ng kaniyang kaibigan.

"Mas okay pa sigurong namatay ako, para at least, wala na 'yung sakit."

Lumabas na sila sa dorm na tinutuluyan nila. Nagmamadali na sila dahil male-late sila sa first subject nila.

Habol-hiningang umupo and dalawa sa klase. Saktong dumating naman ang professor nila at siya namang sinimulan ang unang araw ng pagkikita nila.

Wala sa wisyo si Miggy. Nakatunganga lang siya hanggang sa matapos ang klase nila. Pumunta sila sa mga bench para magpahinga dahil maya-maya pa ang class nila.

Dumating ang kaibigan nilang si Marie, isang Archi student. Humalik ito sa pisngi nilang dalawa.

"Hi mga sis! Long time, no see. Oh, bakit nakabusangot si bakla?" Nagtatakang tanong ni Marie kay Shaina.

"As usual, iniiyakan pa rin 'yung lalaking nang-iwan sa kaniya," tugon ni Shaina.

"Loka ka!" Marahang hampas ni Marie kay Miggy. "Tagal na n'on teh, move on din. Makakahanap ka rin," ngiting sabi ni Marie.

Ngumiti na lang siya sa dalawang kaibigan para ipahiwatig na okay lang siya. Hinayaan na lang niya anh dalawa niyang kaibigan na mag-usap. Wala na naman siya sa wisyo. Hindi niya alam kung hanggang kailan ito.

Hanggang sa matapos ang unang araw ng klase nila, hindi pa rin magaan ang pakiramdam ni Miggy. Kagaya ng ibang mga gabi, patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Walang humpay. Walang bago, basa na naman ang kaniyang mga unan.

Bakit ang sakit-sakit pa rin? Bakit hindi pa rin mawala sa puso ko 'yung galit, inis at pagkawasak? Lagi na lang ba ako iiyak?

Nagpatuloy siya sa pag-iyak, hindi niya akalaing hanggang ngayon ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi niya namalayang nakatulog na siya sa sobrang pagod sa kakaiyak.

Hanggang kailan siya magiging ganito? Hanggang kailan niya iiyakan ang isang taong nagparamdam sa kaniya na isa siya sa mga espesyal na tao ngunit ito rin ang nagparamdam sa kaniya ng walang sisidlan na sakit na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan.

Make It With YouWhere stories live. Discover now