CHAPTER 3
ISANG buntong hininga ang pinakawalan ni Miggy. Naiinis siya sa professor niya sa P.E.
Joke time? Sa lahat ng provision, 'yon ang ipapagawa. Arghhh.
"An'yare sa'yo 'te?" Natatawang wika ni Shaina.
"Baka pinagalitan ni Sir Sudalga." Segunda ni Marie.
Nagtawanan ang dalawa habang si Miggy ay nakasimangot pa rin. Wala siyang balak i-kwento ang nangyari sa kaniya kanina sa faculty habang kausap si Sir Sudalga, pero natagpuan nalang niya ang kaniyang sarili na kinukwento ang nangyari sa faculty.
"I want you to teach my Engineering class this semester ng volleyball." Diretsong sabi ni Sir Sudalga, P.E. teacher niya.
Nakanganga si Miggy. Hindi siya makapaniwala sa provision na pinapagawa sa kaniya ng teacher niya sa P.E.
"Sir, I can't do that. Please, Sir. Iba nalang," nagmamaka-awa niyang sambit kay Sir Sudalga.
"No, my decision is final. If you do this task, flat uno ka sa'kin from prelims to finals," may otoridad na sabi ni Sir Sudalga.
He can't say no at the moment, sayang ang uno kapag hindi niya pinatos. Mas okay nang uno kaysa singko.
"I've already checked your schedule and tumugma naman ang sched ko sa ECE-II sa afternoon ng Monday," sambit ni Sir Sudalga.
"O-okay sir." Um-oo nalang siya dahil sayang ang pagkakataon.
"Be gentle sa mga lalaki, alam ko kung paano ka magalit, Miggy. Please be considerate sa kanila, alam ko capabilities mo sa volleyball but don't push them too hard and one reminder, don't you ever fall in love kahit kanino ron. It's not wise." Nakangiting sambit ni Sir Sudalga.
Impit siyang napatili sa inis. He didn't expect sa sinabi ni Sir Sudalga sa kaniya.
Ako? Maf-fall? Hindi pa nga ako nakakamove-on sa ex-crush ko, jowa agad si Sir.
"Take this chance para maka-move on. Balita ko walang babae sa ECE-II," sambit ni Marie.
Iiling-iling si Miggy dahil sa panibagong chika ng kaniyang kaibigan. Hindi talaga mawalan ng chika itong kaibigan niya.
"So, kailan start mo sa pagtuturo sa class ni Sir Sudalga?" Tanong ni Shaina.
"3pm ang class niya sa ECE-II. Classes natin today is until 12 pm so I have a chance na makapagpahinga." Mahabang paliwanag ni Miggy.
Tumayo na ang magkakaibigan dahil papasok na sila sa kani-kanilang klase. Miggy was dumbfounded nang makasalubong niya ang lalaking sumira sa kaniyang puso.
He felt that familiar pain but he stood still. Ayaw niyang ipakita na apektado pa rin siya sa mga ginawa nito.
Nang makalagpas siya rito, saka niya lang na-realize na hindi pala siya humihinga. Habol-hininga siya at tumigil sa isang gilid.
Same effect, he can make me feel breathless but there is no love anymore. Pain was the only thing I felt.
"Okay ka lang 'te?" Nag-aalalang tanong ni Shaina.
Marahan siyang tumango at lihim na nagpapasalamat dahil hindi na nagtanong si Shaina kung ano ang nangyari sa kaniya.
...
"Okay class, next week we will have a laboratory. Prepare the materials given in your hand-outs." Sabi ng kanilang professor sa BioChem.
"Dami namang gagawin next week kainis," naiinis na sabi ni Shaina.
"Ang OA ah? Wala pa tayo sa kalahati sis, nagrereklamo ka na," natatawang tugon ni Miggy.
"Eh kasi naman --"
"Hep! Kumain na tayo. May tuturuan pa akong klase mamaya at ayaw ko ng bad vibes at dahil diyan libre mo ako ng lunch," putol niya kay Shaina.
"Fine, hindi na ba natin hihintayin sila Marie? Magkakasama raw sila nila Judelle at MJ."
"Let's just text them kung nasaan tayo."
Punong-puno ng tawanan ang lunch nilang magkakaibigan. Hindi mabali ang saya ni Miggy nang makumpleto muli sila.
"Alis na kami ni Judelle, may klase pa kami," sabi ni Marie.
"Sabay na ako sa kanila, mag-aaral pa ako." Sambit ni MJ.
"Sus, sabihin mo manliligaw ka lang," natatawang sabi ni Shaina.
Nahihiyang ngumiti si MJ at mukhang nadali siya ron ni Shaina. Umalis na ang mga ito at dumiretso na silang dalawa sa kanilang dorm.
"Hay, nakakapagod naman 'tong araw na ito." Reklamo ni Shaina.
Mahinang tumawa si Miggy at hindi nagulat sa pagiging reklamador ni Shaina kahit wala naman siyang masyadong ginawa sa araw na ito.
"Ano ka na 'te? 30 minutes nalang class mo na sa ECE-II." Tanong ni Shaina habang busy sa kaniyang cellphone.
"Nakabihis na ako 'te, siguro mga after 15 minutes, punta na ako ng school."
Tiningnan ni Miggy ang kaniyang suot. Isang plain black sport wear, isang shorts na above the knee, high socks, may kasama pang knee pads. Feeling niya miyembro siya ng volleyball team ng kaniyang school. Agad na iwinaksi ni Miggy ang ideyang iyon.
I can't be part of that team, makakasama ko lang siya and that's the least thing that I would want to do.
Nagmamadali na siyang umalis at nagpaalam kay Shaina.
Kaagad siyang pumasok sa court at nakitang nandoon na si Sir Sudalga. Binati niya ito kaagad at inilapag ang kaniyang mga gamit.
Agad na nagsipasok ang mga students niya. Looks like Marie was right, wala ngang babae sa ECE-II.
"Okay class, I would like you to introduce Mr. Abangan, he's from BioMed-II and he'll teach you this semester."
Agad na nagbulungan ang mga lalaki at ngumiti sa kaniya. Sinuklian niya ito ng mga ngiti ngunit bigla siyang napatigil sa isang lalaki na nakatingin sa kaniya.
He was intently looking at him. Hindi niya ito kilala but the way he looks at Miggy, parang matagal na niya itong kilala.
Dumagdag sa curiosity ni Miggy ang tuksuhan ng kaniyang mga kaklase.
"'Diba ayan 'yung crush mo?"
"Pre, crush mo oh!"
Rinig na rinig ni Miggy ang mga bulungan ngunit hindi na lang niya ito pinansin. Alam niyang walang patutunguhan ang mga ganitong eksena. Mahuhulog siya, papakiligin ng lalaki. What's next? Iiwan din siya. That's what sucks the most. Kung kailan ka na hulog na hulog, doon ka nila iiwan.
F*ck, I can't be thinking this right now. I shouldn't be bitter. This is my class at hindi ko pwedeng sirain ang chance na makapasa sa P.E. class ko.
Nginitian niya ang kanina pang nakatitig na lalaki sa kaniya at nagulat siya nang ngitian siya nito nang matamis at biglang nag-wink sa kaniya.
This guy is really something ha? Then, I don't want to play games anymore.

YOU ARE READING
Make It With You
RomansaWill you choose the person who made you whole again? Or will you choose the person who broke your heart into pieces? Who will you choose?