CHAPTER 5

4 0 0
                                    

CHAPTER 5

PAGOD na humiga sa kama si Miggy. Hapong-hapo na siya at laking pasalamat na Biyernes na at kinabukasan, rehearsals na lang niya sa Theatre Club ng hapon.

Grabe ang pagod parang end of the world na, chz!

Alas-singko na ng hapon nang makarating siya sa dorm. Masyado siyang naging abala nitong linggo dahil sa mga readings at laboratory works na pinapagawa sa kanila.

"It's never easy to become a doctor huh?" Bulong niya sa sarili. Nakangiti siyang nag-aayos ng kaniyang kwarto nang biglang kumatok si Shaina.

"Sis? Nandito ka na ba?" Tanong ni Shaina.

"Uhm, wala pa eh. Picture ko lang 'yung nagsasalita," natatawang sagot ni Shaina.

Pumasok naman si Shaina sa kwarto niya at umupo sa kama. Nakangiti namang parang aso ang kaniyang kaibigan.

Mukhang may balak na naman itong kumag na 'to.

"Sis, bihis ka. Alis tayo. Samgyup date with friends," tuwang-tuwang sabi ni Shaina.

She really can't say no to her friend. Masyado na siyang maraming utang na loob kay Shaina kaya lahat ng request nito, gagawin niya.

"Oo na, sige na. Sasama na, basta libre mo ako ng milktea after," pahaging ni Miggy.

"Got you sister!" Nakangiting tugon ni Shaina.

She's really happy kapag kumpleto kami. Para siyang batang binigyan ng candy ng nanay.

Natatawang iling ni Miggy. Naghanap na siya ng masusuot. He needs to wear something comfortable. Kailangan niyang kumain nang marami. After those mental breakdowns that he experienced these past few days, it's time to unwind. Mukhang papasa naman siya this prelims at mukhang hindi siya mawawalan ng scholarship, might as well celebrate ahead of time.

He just ended up wearing a black cotton shirt paired with maong shorts above the knee and white sneakers.

Sabay silang umalis ni Shaina at dumiretso sa lugar na pagkakainan. Nang dumating sila sa lugar, nagsidatingan na rin ang kanilang mga kaibigan. They were complete and they were having a quality time together.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ni Miggy ngunit kaagad namang nawala iyon nang marinig ang mga boses ng grupo ng kalalakihan sa kabilang mesa.

"Bryan, kain na kung saan-saan ka pa nakatingin."

As if on cue, he met Bryan's gaze on him. Bryan smiled at him, Miggy knew it was genuine but fear immediately ate him. He just raised his eyebrow to acknowledge his presence.

Please, ayaw kong mainis. I don't want to ruin this night because of him.

"Oh, bakit tulala ka sis?" tanong agad ni Marie.

"Eh kasi naman nasa kabilang table lang si Bryan, the one who admitted his feelings for him," natatawang pag-kwento ni Shaina.

"Alleged feelings. Maybe he's just having fun na lokohin ako sa personal feelings niya, and guess what hindi niya ako mabibiktima," walang emosyong tugon ni Miggy.

Nagkibit-balikat na lang ang kaniyang mga kaibigan at pinagpatuloy na lang nila ang pagkain nila.

After many servings, natapos din sila sa pagkain. They felt surreal because aside from eating too much, nakumpleto rin sila sa wakas. Kinuha agad nila ang bill at nagmamadaling umalis.

Nang palabas na si Miggy sa kainan, he met Bryan's gaze. He can see from his eyes that longingness and sadness.

Agad na winaksi ni Miggy ang ideyang iyon at nagmamadaling lumabas.

This can't be. I can't be thinking about that now.

"Tara milktea tayo ngayon," suhestiyon ni Shaina.

Everyone agreed to the suggestion. Kailangan din ni Miggy ng distraction para sa mga naisip at naramdaman niya kanina para kay Bryan.

They ordered something and they chatted like there is no tomorrow.

"Nako, naaalala ko pa 'yung pinaiyak natin si Judelle," natatawang kwento ni Shaina.

"Hindi kaya," depensa agad ni Judelle.

Nagtawanan naman silang lahat at patuloy na nagkwentuhan sa mga memories nila noong senior high pa lang sila.

I really love my friends. They're the ones who is supporting me and became my strong support system.

Sa sobrang okupado ni Miggy, hindi niya namalayan ang grupo ng mga lalaki na kagaya nila, nagk-kwentuhan din.

He was dumbfounded when he saw Bryan's eyes. He smiled at Miggy. Naramdaman ni Miggy ang isang pamilyar na kirot sa kaniyang puso. Hindi ito kirot na dulot ng isang masakit na pangyayari. Kun'di ...

No, this can't be. Hindi pwedeng mahulog akong muli. Ako? Kinikilig? Hell, no.

Bumalik nalang sa pinag-uusapan si Miggy. Ayaw niyang magpa-apekto sa presensiya ni Bryan.

Patuloy pa rin sila sa pagk-kwentuhan nang biglang nanahimik si Shaina at Marie. Nagtatakang tingin ang ibinaling ni Miggy sa dalawang kaibigan. Narinig niyang may tumikhim, nagulat siya nang makita si Bryan sa kaniyang gilid, nakangiti.

"Hi! I am Bryan Nikolov Velasquez!" nakangiting bati ng binata.

Bryan Nikolov Velasquez. Hmm nice name.

Agad na iwinaksi ni Miggy ang paghanga nito sa kaniyang pangalan. Tinarayan niya ito at sininghalan.

"What now?!" Inis na tanong ni Miggy.

"I just want to know you, and I would like to apologize," he sincerely said.

Napatigagal si Miggy sa sinambit ng binata. He did not expect na mayroon pa ring lalaking kayang mag-sorry without worrying about their pride.

I couldn't help to admire this guy. He's too sincere.

Ayaw maniwala ni Miggy sa sinabi ng binata. Naiinis pa rin siya sa mga lalaki, if it weren't for them, he wouldn't be miserable these past few weeks, hindi sana siya muntik mawalan ng scholarship, hindi sana siya mawawalan ng tiwala sa mga ito kung maayos lang sila. But no, men are trash anyway.

"I wouldn't want you to be part of my world. My life's a mess and I don't want to mess around with men anymore. I've had enough, dadagdag ka pa?" Inis na sinabi niya sa binata.

Despite from what he said, nakangiti pa rin ang binata sa kaniya. Doon siya naiinis. Bakit parang hindi ito apektado sa mga sinasabi niya rito.

"I'll go ahead guys," pagpapaalam niya sa kaniyang mga kaibigan. He irritatingly looked at Bryan and rolled his eyes on him.

Narinig niya sumigaw ang binata. "I'll see you tomorrow, sunshine."

See you tomorrow? Well, no classes for me. Good luck on that.

Agad siyang humiga sa kaniyang higaan, pagod sa araw na ito, dumagdag pa ang pagka-inis niya sa Bryan na iyon.

"See you tomorrow ka riyan. Akala mo naman magkikita tayo," bulong niya sa kaniyang sarili.

Nagpahinga na siya upang makakuha ng sapat na lakas para sa rehearsals niya bukas. He want to ace another play, better if he'll get enough and proper sleep. Nang dahil sa pagod, nakatulog siya agad.

...

Nagmamadali siyang tumungo sa ampitheatre. Late na naman siya. Habol-hininga siya nang makarating sa rehearsals room.

"Hi guys! Sorry I'm late pr---" napatigil siya sa nakita niya. Kumurap-kurap siya upang makasigurado.

"IKAW NA NAMAN?!!!" Singhal niya sa binata. He looked at the guy, nanlilisik ang mga mata niya samantalang ang binata, nakangiti lang sa kaniya at kumakaway-kaway.

Oh God, give me more patience.

Make It With YouWhere stories live. Discover now