CHAPTER 7
NATAGPUAN na lamang ni Miggy ang kaniyang sarili na tinutungo ang isang coffee shop na napag-usapan nila ni Bryan.
"Can we go out later?" nakangiting tanong ni Bryan.
Marahang tumango si Miggy. Hindi niya alam kung bakit siya napapayag nito.
Malapad na ngumiti ang binata sa kaniya. "Great! Kita tayo sa coffee shop doon sa West Wing. Thank you and see you," masiglang tugon ng binata.
'Patay ka talaga self sa mga ginagawa mo. Ikaw tatanga-tanga ka na naman'
Naiinis na sinabunutan niya ang kaniyang sarili. Frustration came to eat him.
"Okay, tanga ko rin para pumayag sa kaniya eh," bulong ni Miggy sa kaniyang sarili.
All throughout the rehearsals, okupado ang isip ni Miggy kung ano ang gagawin nila sa coffee shop ni Bryan. Hindi niya maisip kung ano ang dapat na i-akto niya sa harap nito.
'Should I feel embarassed? Dapat ba akong matuwa sa harap niya? Dapat ba mataray pa rin ako? F*ck, I'm doomed'
Lalo lang siyang na-frustrate nang i-anunsyo ng org president na tapos na ang rehearsals nila. Nagmamadaling nag-ayos si Miggy para makatakas kay Bryan.
Nagulat siya nang may magsalita sa likod niya.
"Ay pucha ka!" gulat na sigaw ni Miggy.
"Sorry, nagulat kita. Gusto lang sana kitang i-remind 'yung coffee session natin ngayon," nahihiyang pagsasalita ni Bryan.
'He's genuine, I can't turn down his invitation. Shet. No. Omg. But. Argh, whatever.'
"Sure, I am coming. Mauna ka na ron and susunod na ako," alanganing sagot ni Miggy.
'Nandon na tayo eh, pumayag na ako kanina, panindigan na'
Malaking ngiti ang isinukli ng binata sa kaniya. Umalis na ito at siya naman ay dumaan muna sa dorm para ibaba ang kaniyang mga gamit.
Kinakabahang pumasok sa shop si Miggy. Hinahanap niya ang binata at sakto namang nakatingin na ito sa kaniya at nakangiting kumakaway sa direksyon niya.
God, those smiles are really genuine. I would definitely fall for those smiles.
Umupo na siya sa harap nito. Hindi pa rin naaalis ang mga ngiti ng binata habang nakatingin kay Miggy.
"Hmmm, bakit nga pala nag-aya ka bigla rito?" agarang tanong ni Miggy.
"Gusto lang kitang makasama, and gusto ko lang ipakita sa'yo na genuine ako," pagsagot ng binata.
Men and their flowery words, what's new?
Agad na inalis ni Miggy ang negatibong ideya sa kaniyang isip. He doesn't want to be unfair to the person kaya marapat niyang pakisamahan nalang ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/221414647-288-k280497.jpg)
YOU ARE READING
Make It With You
RomanceWill you choose the person who made you whole again? Or will you choose the person who broke your heart into pieces? Who will you choose?