◼ chapter 2

231 35 5
                                    

Rose on the multimedia
©Lee Sung Kyung/ Proper © to the owner
Courtesy: Google

Dedicated to: Anjehyichan
Thank you for supporting! More hearts and love 🍏

Chapter 2: Lunch Box of the Queen

Nagsibalikan kami sa upuan namin dahil may dumating na teacher. Akala ko nga wala pero fake news at late lang pala. Katabi ko si Rain at sa kabilang row naman si Rose. Nasa bandang likod kami at pang-tatlo ang upuan. Kaya nga lang yung isa bakante.

"Inaccept ni Lucas ah!" asar ni Rain sa akin.

"Yun nga eh! Aba malay ko ba doon at inacept niya ang shake-hands ko. Hindi ko na yun kasalanan."

Hindi na ako nakipagdaldalan kay Rain at tinuon ko nalang ang pansin ko sa harap. Uminom muna ako ng tubig dahil ang init din sa classroom.

"Good morning everyone, We have a new transferee from Luna Science High School."

"Rain, Kailan pa nagkaroon ng transferee dito? Diba may entrance exam tayo?"

"Eh narinig mo naman, Science daw. Baka matalino saka dipende yun sa grades at achievements nung transferee." tumango nalang ako at uminom ng tubig.


Pero muntik ko nang mabuga ang tubig ko ng makita ko kung sino ang pumasok sa room namin.


Oh My Gosh! Please don't.


"Please welcome your new classmate, Luke Benjamin Bustamante."

Luke Benjamin?

Si Luke?!



Agad akong yumuko at nagtago sa likod ng table ko. Hindi muna ako nagpakita. Bwisit! yan ang ex ko na iniwan ako last week.

"Mr. Bustamante, Please introduce yourself."

Hindi ko inaasahang malaglag ko ang tumblr ko dahil sa ginagawa kong pagtatago. "Danny, ano ba kasing ginagawa mo diyan?" rinig kong sita ni Rain.

"Ms. Torres, Is there any problem?" agad akong umangat pero nakatakip ang panyo ko sa mukha ko.

"Wala po, Ma'am."


"You may now proceed, Mr. Bustamante." rinig kong sabi ni Ma'am.


"Hey everyone, I'm Luke Benjamin. You can call me Benj, Jamin or Ben. Just don't call me Luke. Nice to meet you all. Please be nice to me!"


"So, Mr. Bustamante. You can take your seat. Pwede ka na doon sa likod. You can seat beside Ms. Torres."



Agad akong kinabahan lalo na nung sinabi ni Ma'am na dito siya sa tabi ko uupo. Eh shuta! Ang awkward kaya nun! Bwisit na ex na to, Sinundan pa ko.


"Danny, Ano bang nangyayari sayo?" rinig kong bulong ni Rain. Kita ko naman sa peripheral view ko na naupo na si Luke sa katabi kong upuan.



"Hi Benj, I'm Rain. Nice to meet you." rinig kong pagpapakilala ni Rain. Umayos ako ng upo pero nakaharang parin ang panyo sa mukha ko.


"Danny?" nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pagbanggit ni Luke ng pangalan ko. Nakilala na niya ba ako? Bakit ang bilis?



"Ah si Danny? Ito siya oh." tinuro ako ni Rain kahit na sinisenyasan ko siya na huwag. Nilabas ko ang kamay ko para makipagshake hands pero hindi parin ako tumitingin sa pesteng Luke na yon.


Love, D #1: Love DannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon