◼ chapter 8

94 15 0
                                    

Chapter 8 Unexpected Project



"Danny, Magsabi ka nga ng totoo. Sinaktan ka ba ni Luke?" seryosong tanong ni Kuya. Napabangon ako sa kama at hindi na lang siya pinansin.



"Paano mo naman nasabi, Kuya? Di naman kami nag-uusap ni Luke." pagsisinungaling ko. Bababa na sana ko para kitain sila Rain nang hinawakan ako ni Kuya sa braso.




"Danny, Kahit sa akin naman magsabi ka ng totoo. Hindi tama ng lamesa yang pasa mo. Sa gilid pa ng labi! Alam mo pag nalaman yan ni Daddy, baka mapatay niya yang Luke na yan. Kaya ngayon Danny, Tell me the truth! Kung ayaw mong lumaki pa to'."



"Eh Kuya, Huwag mong isumbong ah. Oo na, Sinuntok ako ni Luke—"




"Sabi ko na eh!" nagkuyom siya ng kamao at lalabas na sana ng pinto.





"Pero hindi yun sinasadya! Ako ang may kasalanan. Sinalo ko yung suntok niya para kay Lucas. Sinisi niya kasi si Lucas kanina kaya umawat lang ako. Sorry nagsinungaling ako. Basta huwag mo siyang susugurin. Hindi niya to kasalanan, Promise."




"Hayop yang Luke nayan!" hinawakan niya ang doorknob at mukhang susugurin niya talaga si Luke.





"Kuya huwag please! Hindi niya to kasalanan. Ginawa niya yun kasi—"







"Kasi ano?"




"Kasi mahal niya ako!" kinuyom ko ang palad ko at doon na tumulo ang luha sa mga mata ko.




"Mahal ka niya, Danny?! Talaga? Ang tigas kasi ng ulo mo. Sinabi ko sayo na huwag mong sagutin yang Luke na yan! Sana si James nalang ang pinili mo at hindi yang si Luke!"





"Kuya, wala talaga siyang kasalanan! Sinisi niya si Lucas kanina kasi inutusan siya ng teacher namin na utusan akong kumuha ng libro sa storage room. Nalock ako tapos doon na ako nakatulog. Nagising nalang ako na nasa clinic tapos sinisi niya si Lucas. Walang kasalanan si Luke, Kuya! Huwag mo siyang sugurin."





"Pero Danny—"






"Sige na Kuya, please? Saka huwag mo na to' sabihin kay Dad. Baka mapatay niya pa si Luke." pag-mamakaawa ko.  Nauna nang lumabas si Kuya at nilakasan niya ang pagsara ng pinto. Minabuti kong magpalit muna ng damit bago bumaba. Hindi pwedeng malaman ni Dad na nag-away kami ni Kuya.

----

"Oh Danny, Kumain ka na. Manlalamig na yang pagkain." sita ni Mama. Nasa hapag-kainan na kaming lahat. Hindi parin kami nag-uusap ni Kuya simula kanina. Sa totoo lang nawalan ako ng gana. Hindi naman ako pwedeng umalis kasi may bisita kami at sila Rain pa.



"Opo, Ma. Sorry."



Sinubo ko na ang pagkain ko at nanatiling tahimik. Katabi ko si Charlotte at kain lang siya ng kain. Si Kuya naman tunog ng kubyertos lang ang naririnig ko sa kanya. Hindi talaga siya umiimik.




"Mga bata, Ano nga palang project ang gagawin niyo? Hindi ba kayo gagabihin niyan? Ipapahatid ko nalang kayo." si Dad ang bumasag ng katahimikan.





"Ay nagpaalam na po kami ni Rose, magkapitbahay lang naman po kami. Si Lucas po okay lang naman daw sa kaniya." sagot naman ni Rain.




"Kumusta naman si Danny sa school? Balita ko doon rin nag-aaral si Luke?"




Natigilan sila Rose, Rain, Lucas at Kuya nang marinig nila ang pangalang Luke. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kuya bago ulit siya nagpatuloy sa pagkain.



Love, D #1: Love DannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon