◼ chapter 23 🌿

80 12 0
                                    

Chapter 23 The Family of The Queen

“H-Hah?”


Hinawakan ni Lucas ang mukha ni Danny at ganun nalang ang pagtawa nito nung biglang pumikit si Danny. Hinalikan niya ito sa noo. Ambichosa lang si Daniella gusto sa labi!



“Huy DanDan! Tapos na. Akala mo naman sa labi kita hahalikan! Saka lang kita hahalikan pag sinabi mo!” pang-aasar ni Lucas.

Sinaman ni Danny si Lucas ng tingin. Umasa kasi ang babaita!

“Aww! Cute mo talaga! Sagutin mo na kasi ako.” sabi ni Lucas at pinisil ang parehas na pisngi ni Danny.

“Ah ganon?!”

Pinisil rin ni Danny ang pisngi ni Lucas. Pero dahil hindi niya ito masyadong abot ay natumba siya kay Lucas at napayakap sa bandang tiyan nito.


“Oy bakit hawak mo abs ko! Chansing ka ah!”



“Leche! Ewan ko sayo! Abs ka jan! Asa ka!”



Tumayo si Danny at niligpit na ang mga gamit niya. Naiwan naman si Lucas na di mapigilan ang pagtawa at pag-ngiti. Ang sarap kasi asarin si Danny!


“May gagawin ka ba bukas?”


“Marami! Sobra!” iritang sabi nito habang nagliligpit. Kinikilig na yan inside!


Tumayo naman si Lucas at tinulungang mag-ayos si Danny. Habang inaayos niya ang mga gamit ay niyakap siya ni Lucas patalikod. Ang baba niya ay nasa balikat ni Daniella kaya feel na feel niya ang paghinga ni Lucas.


“Let's go out tomorrow. Papaalam kita sa parents mo.” 




Dug.. Dug.. Dug..



“H-Hah?”




Kumalas ng yakap si Lucas nang makakita siya ng gitara sa gilid ng kwarto ni Danny. Obviously, kulay yellow. Fave niya kasi ang color na yon'.



“Pwede mahiram?” nakangiting sabi ni Lucas. Wala sa oras na napatango si Daniella. Hindi pa kasi siya moved on sa hugging thingy kanina!


Danny's POV

Shocks! Ipapatapon ko na siya sa Mars! Bakit ako kinililig? Pisti! 

Hindi pa ako nakakaget-over sa mga sinabi niya kanina nang bigla na naman siyang  umupo sa harap ko at nag-strum ng gitara. Nakatayo lang ako habang siya naman ay nakaupo sa kama.


“Huy, Anong ginagawa mo diyan?”



Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama
Hinihiling bawat oras kapiling ka🎶”



OMG! HOW TO REACT! KUMAKANTA SI LUCAS LIKE SHEET! BAKIT ANG GWAPO NIYA SA LAGAY NA TO?!



“Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko sinta
Sana'y di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa man!🎤”




Tumayo siya sa pakakaupo at lumapit sa akin habang nag-gigitara pa rin. 0////////0

“Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam!
Makapiling ka habang buhay
Ikaw lamang sinta.🎤”



Nakatingin siya sa mga mata ko! Hoyy! Overflowing na ang kilig ko rito! Tama na Please! Parang concert lang ng Silent Sanctuary!




Love, D #1: Love DannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon