◼ chapter 32

67 13 0
                                    

Chapter 32 Palawan

HAPPY 900+ READS 🎉

----

Nag-swimming na kaming lahat at sobrang linaw ng tubig. Ito naman si Lucas panay langoy. Sila na ang marunong magswimming!

“Shuta ka Danny! Ang swerte mo kay Lucas!” kinikilig na sabi ni Rain habang pinapanood namin sila. Nakaupo kasi kaming tatlo at nagsu-sun bathing. Pero may payong, Ayos ba?

“Bakit naman?” painosenteng tanong ko. Syempre kunyare di ko alam.


“First of all, Si Lucas Flores ang valedictorian ng batch. Matalino, cute, sexy, talented, at brainy! Bagay talaga kayo total opposite mo kasi.” sabi ni Rose.

“Sira ka talaga! Balang araw mahahanap niyo rin ang para sa inyo no? Malay mo Rain, nag-siswimming lang.” sabi ko at bumaling kay Rain. Si Luke ang tinutukoy ko, okay?


“Sino diyan? Eh di nga yan marunong gumalang. Napaka kulit ng attitude.”

“SI Luke ata tinutukoy mo eh!” asar naman ni Rose.

“Ops wala akong sinasabing name!” depensa ko. Tch, To be honest bagay naman talaga sila ni Luke kaso nga lang minsan lang magseryoso ang taong yun sakin nga di ginawa eh.

“Ano namang masama may Luke, Rain? Mayaman, matalino, may sense of humor at over protective. May defect nga lang sa ugali.” sabi naman ni Rose.

“Pero sweet, mahilig magpatawa at gagawin ang lahat para sayo.” I looked at Luke and watched him playing with my sister.

“Rain, Luke is a good guy. I'm not saying this because of our past relationship. I'm already contented to Lucas, okay? He's a good boyfriend for sure. Maybe, We're not for each other but trust me he always do everything for the girl he loved.” I added.

Flashback

Danny! Thanks goodness you're awake! Saan ka ba nagpupunta. Pinag-alala mo ko." niyakap ako ng mahigpit ni Luke. Ganun ba talaga siya kaalala sa akin?

"Wait, nasaan ba ako? Paano ako napunta dito? Asan si Nate?"

"Nate? Nasa clinic ka Danny, Sinundan ka na namin kasi antagal mo. Kaya ayun, nandito ka na. Nasa pinto ka kasi ng storage room. Ewan ko ba kung nawalan ka ng malay o tulog ka lang." paliwanag ni Rain.

"Pero si Nate, may kasama akong Nate."

"Nate ka jan? Wala naman kaming nakitang lalaki kanina na kasama mo."  sabi  ni Rose. Bumukas ang pintuan at nakita ko si Lucas.

"Hayop ka! Bakit mo pinapunta si Danny dun hah!" hinawakan ni Luke ng mahigpit si Lucas sa kwelyo ng uniform niya.”

———

Gago ka talaga! " sinunggaban na naman ng suntok ni Luke si James nung makalabas kami ng hospital.

"Kung kanina di ako lumaban, Iba na ngayon!" mas malakas yung suntok ni James kaysa kay Luke.

"Ano ba tama na! Para kayong mga bata! Napaka-war freak mo kasi Luke! Akala mo ikaw lagi ang bida at ikaw James, huwag ka na kasing pumatol. Kapatid mo pa rin siya " iritang sigaw ko para mapatigil sila.

"Ako na naman! Ayan na naman kayong lahat! Ako ang pabibo, ako ang selfish, ako ang masama, ako ang walang kwenta. Lahat naman kayo ganyan ang tingin sa akin maliban kay Mommy!"

"At ngayon, Ang issue na naman si Danny? Si Danny na inagaw ko sayo? Diba yun naman ang gusto mong sabihin ko, James! Ikaw ang nauna, ako ang mang-aagaw!" dagdag pa ni Luke. Natahimik kaming lahat at nakatingin lang kami kay Luke na ngayon ay umiiyak na.

Love, D #1: Love DannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon