I

11 2 0
                                    

Kion

"Kion anak, gawin mo yung mga itinuro namin sayo ng papa mo ha?" lumingon sa'kin si Mama na nasa passenger's seat katabi ni Papa.



Tch, palagi nalang ganyan ang sinasabi nila simula kanina.


Tumango ako ng tipid at inilipat na lamang ang tingin ko sa labas ng bintana. Kasalukuyan nila akong hinahatid sa bago kong eskwelahan. Sabi nila hindi raw ordinaryo itong papasukan ko kaya mag-ingat daw ako. Psh, wala akong pakialam.



Medyo malayo-layo ang pupuntahan namin. Parang nakahiwalay na isla mula rito, kaya kailangan ko pang sumakay ng barko papunta roon. Napakalawak ng sakop ng paaralan na yun . Ayon dito sa handbook na ibinigay, doon kami titira hanggat 'di pa natatapos ang schoolyear. Kumpleto ang facilities nila, maraming buildings para sa iba't- ibang entertainment. Parang lungsod ng mga estudyante.



"Kion, nandito na tayo. Mag-iingat ka" tumigil ang sasakyan sa harap ng isang port. Hindi siya yung pangkaraniwang port, parang mas grande pa ito.





Kinuha ko na ang mga gamit ko pati ang ibinigay sa'kin ni Papa na dapat ko raw itago, baka sakaling magamit ko sa susunod.


"Alis na'ko" sabi ko ng hindi lumilingon. Nagsimula na akong maglakad papunta sa entrance. Sa 'di kalayuan, nagtipon-tipon ang karamihan sa mga estudyante, siguro mga kaklase ko yung iba.


Habang papalapit ako sa kinaroroonan nila, mas naririnig ko ang mga usapan nila. Karamihan ay nagpapakilala sa isa't-isa.


Psh, ang ingay.


Tinignan ko ang mga estudyante malapit sa'kin, ang iba mistulang natakot pa. Wala pa naman akong ginagawa pero takot na sila tch, hihina.


"Bulag ka ba?"isang kalmado ngunit seryosong pagtatanong ang narinig ko sa may bandang likuran ko. Pinasadahan ko ng tingin ang kung sino mang nagsisimula ng gulo.


"Sorry, hindi ko sinasadya" sabi ng babaeng nakayuko. Siya siguro ang nakabunggo. Hindi na nagsalita ang babaeng nabunggo, pinagpatuloy niya nalang ang pagbabasa ng libro na hawak niya.



"Anong tinitingin-tingin mo? May problema ka ba sa'kin?" sabi niya ng hindi linulubayan ng tingin ang librong hawak niya. Kung iisipin, para siyang baliw na nagsasalita ng mag-isa, pero, alam ko na ako ang tinutukoy niya. "Wala" sabi ko at mabilis na inilipat ang tingin ko sa grupo ng mga tao na lumabas mula sa malaking cruise ship na kadadaong lang.




Huminto sila sa hagdan na bahagi ng barko. Mistula silang mga professionals dahil sa mga suot nila.




Hindi nagtagal, isang lalaki naman kasama ang dalawa pang bodyguards ang lumabas na may hawak na megaphone. Kung kikilatisin sa porma, galaw at mga bodyguards niya, siya siguro ang may-ari ng paaralan.



Itinaas niya ang kanyang kanang kamay, senyas na magsitahimik ang kung sino mang putak ng putak sa paligid.


Nagsitahimik naman ang mga estudyante at pinagtuunan ng atensyon ang mga taong nasa hagdan.



"Good Morning freshmen! I'm Tobi Francisco, the Student Council President. Together with me are the teachers that will be assigned to your classes later. Ngayon ayusin niyo ang pila niyo batay sa section na nakalagay sa likod ng handbook niyo" agad kong tiningnan ang handbook na nasa kamay ko at mabilis na inilipat sa likurang pahina.



1 - Yami?




" Una ang Ao, pangalawa ang Midori, pangatlo ang Kasshoku at pang- apat ang Yami" nagsimula ng magsigalawan ang mga estudyante papunta sa mga pila nila. Hinanap ko ang pila ko, kung tutuusin mas marami ang estudyante rito kumpara sa ibang sections. Psh mga patapon ata nandito eh.




"Nakabase ang mga sections sa resulta ng inyong entrance exams pero huwag kayong mag-alala, pansamantalang section pa lang 'yan" hindi nakalampas sa paningin ko ang ngisi na rumihistro sa mukha ng President.



huh




Mukhang hindi ito isang typikal na college academy. Sa pangalan ng sections palang, masyado ng kakaiba. Hindi ko rin alam kung anong klaseng paaralan 'to dahil hindi naman sinabi sa'kin ni Mama at Papa ang mga detalye pero isang salita lang ang masasabi ko, misteryoso.




Nagsimula ng pumasok ang mga estudyante sa barko, simula sa unang section.




"Umm hi, I'm Frey, gusto ko lang makipagkaibigan tutal magiging magkaklase naman tayo eh" isang boses ang bumasag sa katahimikan ng section namin at iyon ay galing sa babaeng si Frey. Magkatabi lang kami sa pila dahil hiwalay ang babae at lalaki. Nakaharap siya ngayon at iniaabot ang kanyang kanang kamay para makipag-kilala.



Hindi ako pumunta rito para makipagkaibigan psh.



Pinasadahan ko lang ng tingin ang kamay niyang nakaabot at saka tumango. Hanggat maaari, ayoko magsayang ng enerhiya. Gusto ko lang magpahinga ngayon.




"Ah haha, okay siguro pagod ka. Mamaya nalang kita tatanungin ha?" sabi niya ng nakangiti sabay baling ng kaniyang atensyon sa iba kong mga kaklase para makipagkilala.





Umusad ang pila at tuluyan na kaming naglakad papasok sa barko. Sa may entrance, may nagbibigay ng susi at maliit na card na may nakasulat na mga numero. Ito siguro ang pansamantala naming kwarto dito sa barko.



Kinuha ko ang handbook ko at binasa ang mga detalye ng barkong ito.
Hindi maipagkakaila na pang mayaman ang barko. May dalawang raang kwarto, may swimming pool, may sariling teatro, may casino at may bar. Kung sumakay ako rito gamit ang sarili kong pera, siguro gagastos ako ng higit kumulang sa isang milyon.




"Magsipagpahinga muna kayo sa mga kwarto niyo sa ngayon" rinig kong sabi ng President na nasa unahan.




Yun na nga, magpapahinga muna sa ngayon pero hindi magiging mapagmatiyag ako sa paligid, hindi ko mga kilala ang nandito, baka kung ano pa ang mangyari.

















To LiveWhere stories live. Discover now