Kion
"Yes yayaman ako dito!"
"Ano kaya ang magandang bilhin mamaya?"
" Wahh parang gusto 'kong magpakalasing mamaya!"Ang ingay...
"Mga tanga. Balak ba nilang ubusin ang pera nila sa mga walang kwentang bagay?" hindi ko alam kung paano nangyari 'to pero katabi ko ngayon si libro.
Masyado ng maingay ... Hindi ko pa kakayanin kung may wirdong nagsasalita ng mag-isa
Maiba nga, wala pala akong kakilala dito. Wala rin naman akong ganang makipagkilala tch, nakakasayang lang ng oras.
"Uhm hi, ako pala si Frey, ako yung kahapon na nagpakilala haha. Gusto ko lang makilala kayong lahat. Ano pala ang pangalan mo?"
ipinatong ko ang ulo ko sa kaliwang kamay ko at tinignan ng diretso ang babaeng nagtanong.Bakit ba gusto niya kaming makilala? Dapat mas bigyan niya nalang ng atensyon ang ibang mga ungas na maingay psh ಠ_ಠ
"Kion. Kion Waterson" sagot ko. Nakakahiya naman kung hindi ko siya sasagutin, kahapon pa siya nagtatanong pero sana naman dalian niya.
"Ang cute pala ng pangalan mo hahaha! Ikaw, ano pala ang pangalan mo?" baling niya kay libro na... nagbabasa nanaman ng libro.
"Wala akong balak makipagkilala. Dapat mas pagtuonan niyo ng pansin kung ano ang mga hakbang na una niyo gagawin para mabuhay sa islang ito" saad niya. Agad na napakamot si Frey sa ulo niya dahil sa sagot ng babaeng nasa tabi ko.
Psh, parang pangalan lang, ang dami pang dada.
"Magsiupo na kayo" isang seryosong lalaki ang biglang pumasok sa room namin kaya nagsitigil na ang mga kaklase ko sa kanilang mga ginagawa.
"Ako ang homeroom adviser niyo ngayon at dahil sa utos ng Principal, ibabahagi ko pa ang ibang nga detalye na hindi itinalakay kanina"
"Una sa lahat, ang chipper device na yan ang magsisilbing tali niyo rito sa isla"
Agad na napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Tali?
"Lahat kayo ay mayroong chipper device,magagamit niyo lang ito kapag sinuot niyo. Sa may kaliwang parte ng leeg niyo, may makikita kayong maliit na itim na tuldok. Ito ay nakakonekta sa gps ng chipper niyo, na nakakonekta naman sa tracker ng school. Kapag lumabas kayo sa islang ito, sasabog yan at mamamatay kayo"
Biglang nag-ingay ang paligid hindi dahil sa saya, kung 'di sa pangamba. Mistulang napawi na ang kaninang tuwang-tuwa nilang mga mukha.
Mamamatay?
Sabi na nga ba at may kakaiba dito sa paaralang ito. Dapat pala napansin ko na 'to nung una palang!
"p- po? m- mamamatay? A-alam po ba ng mga m- magulang namin ito?" tanong ng isa kong kaklase.
"Oo naman. Hindi niyo ba alam kung bakit kayo ipinatapon rito? hahahaha kawawang mga nilalang. Una palang alam na ng mga magulang niyo ang kahihinatnan niyo kaya pinag-aral nila kayo rito para kahit papaano ay maka- ambag kayo sa lipunan" isang ngisi ang rumihistro sa mukha ng adviser namin.
Tang*na yun pala ang rason kung bakit ako pinapag-ingat nila Mama at Papa .
"Iba ang sistema rito kesa sa sistema ng dati niyong paaralan. Itong isla ay nasa pangagalaga ng gobyerno. Binibigyan nila kayo ng higit sa kakailanganin niyo pero sa isang kondisyon"
Kondisyon?!
"Magtratrabaho kayo sa ilalim nila"
Tang*na, anong katarantaduhan 'to?!
"Ang isang schoolyear dito ay naglalaman ng tatlong tests. Isa rito ay written exam, pangalawa ay ang actual exam at ang panghuli naman ay ang pinaka-mahirap na exam. Ang passing grade dito ay may criteria na 30% written exams at 70℅ sa actual exam. Ibig sabihin, kahit na gaano ka katalino, hindi ka papasa kung lalampa- lampa ka"
" Ang actual exam naman ay ibibigay ng Principal. Ito ay utos galing sa nakatataas kaya wala kayong ibang magagawa kung 'di ang sumunod.Ang actual exam ay parang isang misyon, kasali dito ang pagpatay, pagkuha ng mga importanteng gamit at iba pang mga bagay na nararapat ipataw sa mga nagkasala"
Delikado 'to. Ginawa nila kaming mga sundalo na nagtratrabaho sa mga anino.
Labis na gulat at pagkadismaya ang mababasa sa mukha ng mga kaklase ko. Nagsisiiyakan na ang iba. Hindi siguro sila makapaniwala sa kahihinatnan namin dito.
Ako rin naman, hindi makapaniwala pero wala akong ibang magagawa. Aminado naman ako na marami akong katarantaduhang ginawa noon kaya siguro ako ipinatapon dito.
"Huwag kayong mag-alala bibigyan kayo ng paaralan ng isang buwan para mag-ensayo"
Tang*ina! Isang buwan?! Nahihibang ba sila?!
"Kapag nagawa niyo ng tama ang dalawang exams, may puntos kayong matatanggap. Ito ay base sa inyong performance kaya pag-nagkamali kayo, mababa ang makukuha niyo. Ang isang puntos ay katumbas ng 500 php kaya kailangan niyo ng maraming puntos para mabuhay sa susunod na mga buwan. Kapag hindi niyo nagawa ng tama ang misyon, pasensyahan nalang tayo pero iyan na ang katapusan niyo. Kapag nagtangka kayong tumakas, sa gitna ng misyon, sasabog ang chipper at kung magsumbong kayo sa pulis, wala pa ring kwenta dahil nasa ilalim sila ng gobyerno"
"This is the survival of the fittest, the stronger will remain, while the weaker ones will.....
die."