Frey
This is f*cked up! Really f*cked up!
Hindi maproseso ng utak ko ang lahat ng ito. I came here to learn, not to die. Hindi ko naman akalaing ganito ang university na 'to.
Pero gaya nga ng sinabi nila, wala na kaming magagawa. Nandito na rin lang kami, bakit hindi pa namin pagbutihin. Sa ngayon, konti palang ang kilala ko. Hmm, si Clint, Haidee, Trevor, Sofia, Jake, Catie, Leonard, Samantha at si Kion.
Ako lang ata ang nakakapansin pero parang iba yung vibes ni Kion sa natural na lalaki. Parang bored na bored siya, lalong lalo na yung mata niya. Ahh ewan ko basta ang importante, magiging ka- close ko rin silang lahat.
"Ayos na Frey. Sabi ni sir, okay na tayo sa gym pero limited lang yung oras kasi gagamit din yung ibang section. Mas mabuti raw na maghanap nalang tayo ng ibang lugar na mapag-eensayuhan" sabi ni Clint.
"Sige, paki-sabi nalang pala sa iba na pumunta sila sa gym para makapagsimula na tayo. Susunod kami" binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti. Ito nalang ang maibibigay ko sa kanila na pampalakas ng loob eh.
"Frey, sabihin mo nalang sa kanila na kailangan ng board, dartboard nalang" sabi ni Kion na hindi tumitingin sa'kin. Ang pogi ni Kion pero hindi ko maintindihan yung ugali niya hahaha. Siguro gagamitin niya yung dartboard para magsilbing target ng kutsilyo.
"Sige mamaya pag nasa gym na sila. Magpapalit na rin ako, kayo ba?" tanong ko sa kanila. Tumango lang si Kion habang si Samantha naman ay kinuha ang bag niya at lumabas na ng room.
Hays, mukhang wala akong makakausap aa dalawang 'to (´・_・')
***************
KionPagkatapos ng halos kalahating oras na paghahanda, lahat kami ay nagtipon-tipon sa gym. May nakaukulang oras ang pag-gamit ng bawat section sa gym at sa lagay namin, mayroon kaming apat na oras para magpractice.
"Kumuha kayo ng partner para makapagsimula na tayo" sabi ni Samantha na inaayos ang tupi ng manggas niya.
Sabagay, mas madali rin kung may partner para ma-train ang opensa at depensa sa sabay na oras.
Agad na nagsikilos ang mga kaklase ko at naghanap ng kapares kahit hindi pa nila kilala. Sa lagay ko, ako nalang ang hindi maghahanap ng kapares tutal 25 kami at 12 pares lang ang mabubuo.
Mas mabuti pang umali - - -
*swoosshh*
Akmang lalakad na ako ng paatras ng biglang hawiin ni Samantha ang katawan ko paharap sa kanya at inundayan ng isang tadyak sa tiyan gamit ang kanyang tuhod.
Sa isang iglap, namalayan ko nalang na nasa sahig na ako at namimilipit sa sakit.
Mabilis ang ginawa niyang pagkilos kaya hindi ako halos makareact.