II

3 2 0
                                    

Kion

Dapit hapon na ng makarating kami sa isla kung saan naroroon ang aming paaralan.


Nagsibabaan na rin ang ibang mga estudyante mula sa barko dala ang kani- kanilang mga gamit. Isang magarbo at magandang pamumuhay ang nakapaloob sa islang ito. Maraming estudyante ang namamangha dahil sa kakaibang disenyo ng mga buildings sa loob ng isla.

"Wow, grabe ang gandaa!"
"Ngayon lang ako nakakita ng ganito!"
" Yes! Mukhang maganda ang magiging buhay natin dito ah!"


Ilan lamang iyan sa naririnig kong bulong bulongan ng mga estudyante sa paligid.

Napakalawak ng islang ito kaya siguradong marami pang mga bagay ang nasa loob nito. Hindi ko lubos maisip na may ganito pa palang isla, mga naglalakihang puno ang nakapalibot dito kaya hindi mo mapapansin na ganito kaganda sa loob.

"Itikom mo 'yang bibig mo, baka may makapasok na kung ano-ano" iginalaw ko ang mata ko para makita kung sino ang nagsalita. Siya yung babaeng may hawak na libro kanina.


Hindi ko masyadong napansin na ganito na pala ang hitsura ko, parang timang.

Tumango lang ako. Hindi ako yung tipo na mahilig makipag-usap at magsalita sa mga taong nakapaligid sa'kin. Parang nakakasayang lang ng enerhiya.



Naglakad na ang mga estudyante papunta sa University dahil na rin sa utos ng President. Medyo malawak ang school at kung hindi ako nagkakamali, mayroong 12 na dorm na nakapwesto sa mga gilid at likod ng mismong university.



Ang card na binigay kanina ang magsisilbi 'ring room number namin. Nakapagtataka lang dahil nakita ko ang ibang estudyante na pumasok sa iba - ibang dorm at mistulang hindi hiwalay ang room ng babae at lalaki. Ganon siguro kalaki ang tiwala nila sa mga lalaki ha.




Dorm 4 Room 70  basa ko sa likod ng card. Sa pagkakaalam ko, iba ang nakasulat dito kanina, pero bakit naging dorm number na?



Pang-apat? kung tutuusin Waterson ang apelido ko pero pang-apat na dorm? May tig-iisang dorm building ata per section.




Naglakad na ako papunta sa room ko na nasa ika- limang palapag. Kung kailan gusto kong hindi magsayang ng enerhiya, saka naman ako ilalagay sa pang-limang palapag psh.



Huminto muna ako sa hallway para tingnan ang kabuoan ng school.




Malawak ang university. Tanaw dito ang iba pang mga buildings sa labas nito. Marami ring estudyante ang naglalakad sa labas.


Hays...







Huh?





nabaling ang paningin ko sa isang bagay na naapakan ko. Dali-dali kong pinulot ang panyo at binasa ang mga salita na nakasulat dito.






Samantha



Sino ba namang tanga ang makakahulog ng panyo dito? Psh, geh pulutin ko na lang muna.

To LiveWhere stories live. Discover now