IV

2 2 0
                                    

Kion

"Ang written test niyo ay magsisimula next month kaya kung ako sa inyo, magsisimula na ako sa pag-eensayo para sa actual exam"

"Nga pala, ang puntos na makukuha niyo ang magsisilbing year level ranking ninyo. Kung mas marami ang inyong makukuhang puntos, may pag-asa na umakyat kayo sa nakatataas na section. Ang points ng grupo ay patas na ibibigay sa indibidwal na bumubuo nito. Kung pagbubutihin ninyo, mas mataas ang puntos na ipinamimigay sa nakatataas na section. Sa ngayon, ang pinakamalaking puntos na kaya naming ibigay sa inyo ay 70 pts"

Yan ang huling sinabi ng adviser namin bago siya umalis sa classroom. Hindi pa rin magkamayaw sa kaiiyak ang iba sa mga kaklase ko.

Hindi halos pumasok sa buong sistema ko kung paano nangyari 'to. Parang biglaan lahat...

Ganito na ba kami katarando na hahayaan nila kaming mamatay?

"Tss, ang ingay naman. Walang magagawa 'yang pag-iyak niyo. Mamamatay din naman tayong lahat" sabi ng katabi ko kasabay ng pagrolyo ng kanyang mga mata.

Kung ang ibang babae ay umiiyak, siya naman ay kalmadong kalmado.

Parang may kakaiba...

Ipinatong ko ang ulo ko sa dalawang braso ko. "Ang kalmado mo namang mamatay" saad ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pag-eensayo ko. Siguro kung simpleng bugbugan lang, mananalo ako pero, hindi eh.

"Kahit anong gawin ko, hindi naman mababago ang katotohanang ipinatapon tayo rito. Kaya mas mabuti pang tanggapin na lang" kalmado niyang saad.

Hindi na ako nag- abala pang sumagot. Mas mabuti pang mag isip nalang ako ng paraan kung paano namin 'to malalampasan.

"Uhm... guys" isang boses ng lalaki ang pumaibabaw sa ingay ng iyakan sa classroom.


Iniangat ko ang ulo ko para tingnan kung sino man ang naglakas ng loob na magsalita.

"C- can I get your attention please?"  pumunta siya sa harapan at kasabay 'nun ang pagtahimik ng mga kaklase ko.


Ano kaya ang gagawin niya?


"Ako pala si Clint Falker at alam kong biglaan ang lahat ng ito pero wala na tayong magagawa. Kahit na magplano pa tayong tumakas... Mamamatay pa rin tayo"

Nagpatuloy ang iyakan na naudlot kanina. Psh, mas pinalala niya lang.


"Ah, sorry— ang punto ko, kung binigyan tayo ng isang buwan ng pag-eensayo, mas mabuti sigurong gamitin natin ito ng tama. Para mas mapadali ito, tatanungin ko lang sana kung sino ang may experience ng martial arts dito"


May punto siya.

Inilibot ko ang paningin ko sa mga kaklase ko pero, wala ni isang nagtaas ng kamay.

Dismayadong napasinghap ang mga kaklase ko sa nakita nila.

"Wala ng pag-asa"
"Mamamatay na tayo"



"Hays, ano pa nga ba. Wala na akong ibang magagawa" bulong ng katabi ko, sapat na para marinig ko.



Tumayo siya sa kinauupuan niya kaya nakuha niya ang atensyon ng mga kaklase ko.


"Nagtrain ako ng self defense techniques pero hindi ko masasabing magaling ako" sabi niya . Hindi niya halos matignan ang mga kaklase ko ng mata sa mata.


To LiveWhere stories live. Discover now