VI

3 1 0
                                    

Kion


"Mabuti naman at nandito ka na, Kion!" bungad ng isang matinis na boses na alam kong galing kay Frey.

Tinanggal ko ang sapatos ko at umupo sa sahig. Hindi naman maliit ang individual rooms kaya kasya kahit 10 dito sa loob.

"Anong gagawin natin ngayon Sam?" baling naman ni Frey kay Samantha na panay buklat sa isang notebook.


"Heto, nakita ko na" turo niya sa nakasulat sa notebook. Ibinaba niya ang notebook sa sahig para makita namin kung ano ang nakalagay doon.

Himitsu kichi?

"Ano yan? Spell ba yan?" tanong ni Frey.


Chinese? Japanese?

"Ang pangalan ng unibersidad na ito ay Himitsu Kichi University, ibig sabihin ay Secret Base University. Dito ibinabase ang mga teenagers na itetrain para maging...



Assassins"



Assassins? Yun pala ang rason kung bakit nila kami bibigyan ng actual tests, para makita ang mga kakayahan namin.



"Huh? Assassins? Eh hindi nga nila tayo tine- train eh tapos hindi ba sila tumatanggap ng 'ayokong maging assassin' na sagot?" seryosong sabi ni Frey.


Kung tutuusin parang wala kaming pagpipilian dito. Wala silang sinabi na pwede kaming umatras.


"Hindi pa sa ngayon" ipinakli ni Samantha ang notebook sa kabilang pahina.



"Hindi pa sa ngayon?" tanong ko. Masyadong magulo ang sistema nila ng pagrerecruit ng magiging 'assassins' kuno.


"Tignan niyo 'to. Sa first year, dito nagaganap ang eliminations. Kung sino ang mga papasa at mabubuhay, sila ay mapropromote sa second year. Sa year na ito, dito nagaganap ang unang pagsasanay, dito na nila mas binibigyan ng atensyon ang mga estudyante. Lahat ng klase ng physical at close combat ay tinuturo dito. Sa third year naman itinuturo kung paano gumamit ng mga armas. Dito, tinuturuan ang mga estudyante kung paano maghandle ng iba- ibang klase ng mga baril at iba pang gamit na inimbento ng mga nakatataas. Sa fourth year naman magaganap ang pangalawang eliminations. Kumpara sa first year, ang pangalawang eliminations ay magaganap na may halong paggamit ng nga armas at lahat ng itinuro sa lower year. Kung sino man ang papasa dito, sila ang magiging tunay na assassins" paliwanag ni Samantha habang itinuturo lahat ng nga nakasulat sa notebook.


Tang*na, mabubuhay pa kaya ako nito?


"A-ang daming p-proseso. Mukhang hindi ata ako aabot ng fourth year nito" kahit natatakot man, nagawa paring ngumiti ni Frey.





"Hindi ko rin masisigurado kung mabubuhay pa ako pero, hindi ako mamamatay ng hindi lumalaban" sabi ko.



Ano ba ang naisipan nila mama at pinasok nila ako dito? Hays, malaking abala ata ako sa kanila hahaha.



"Ito pa, alam niyo lahat ng pangalan ng sections sa first year?" tanong ni Samantha habang nakatutok pa rin sa notebook.




Oo, parang may kakaiba.




"Anong meron sa sections?"tanong ni Frey.


"Ang ibig sabihin ng mga pangalan
ng bawat section ay ang estado nila dito sa isla. Ao ang unang section, ibig sabihin ay blue na sumisimbolo sa langit. Midori o green ang pangalawa. Tinutukoy nito karamihan ng nasa ibaba ng ulap. Pangatlo ang Kasshoku o brown. Sumisimbolo naman ito sa lupang inaapakan natin. Pang-huli, ang Yami. Ibig sabihin nito ay black/dark, ito ang matatagpuan sa ilalim. Sa kabuoan, tayo ang pinakahuli at pinaka-ilalim sa islang ito." sabi niya.





Grabe, ang daming tagong impormasyon. 




"T-teka, anong language 'to?" tanong ulit ni Frey na gulong-gulo dahil sa mga nalaman.




"Japanese" sagot ni Samantha




"Japanese kasi kalahati sa mga taong nasa likod nito ay mga Japanese o may lahing Japanese" patuloy niya.




Nakapagtataka lang na ang dami niyang impormasyon tungkol dito.Natural lang sa mga baguhan ang walang alam pero— nakakuha agad siya ng mga impormasyon kahit wala namang sinasabi ang mga guro tungkol dito.




Parang iba ang kutob ko rito ಠ_ಠ




"Ano?" agad kong iniwas ang tingin ko kay Samantha. Taena baka mapagkamalan pa akong manyakis nito.






Hindi ko na sinagot ang tanong niya bagkus, tumayo ako at nagpagpag ng saluwal ko. "Saan ka pupunta Kion?" tanong ni Frey ng mapansing papalabas na ako ng pintuan.



"Wala kang pakiala–




"Aray! Tang*na naman eh!" sigaw ko habang hawak ang ulo kong binato ng libro ni Samantha. Sadista taena, sumusobra na 'to.





"Nagtatanong ng maayos yung tao, tanga ka ba?" sabi niya habang pinandidilatan ako ng mata.




Psh, ano bang pakialam nila.





"Ah, haha okay lang Samantha, hindi mo na dapat ginawa yun" sabi ni Frey na parang nang-aawat.




Kung hindi lang 'to mga babae -,-




"Bibili ako ng gagamitin para sa practice" sabi ko sabay bukas ng pintuan. Mas mabuti pang ngayon nalang ako bumili para makapagpahinga ako kaagad.




"Sandali, bibili rin kami ng iba pang mga gamit" rinig kong sabi ni Samantha sa loob.




Problema na naman 'to ಠ_ಠ




Wala na akong ibang nagawa kundi ang maghintay sa labas. Baka hindi pa ako abutan ng isang linggo dito pag sinuway ko nanaman ang babaeng yun.




"Frey, kung ako sayo, huwag mo na pairalin ang hiya mo sa mga tao dito. Mamamatay na rin lang naman tayo kaya lubos- lubusan mo na" pahabol na sabi ni Samantha . Mukhang pinaparinggan ako nito ah.






Taenang impluwensiya yan -,-















You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To LiveWhere stories live. Discover now