seventeen

87 4 0
                                    


Tahimik ako buong biyahe. Sina Lilo na nasa harap ay halatang kabado sa kung anong sasabihin ko,  I haven't talked since I left Yago's office and my energy for today have died, too. 

Maybe it was the disappointment? Or the feeling of embarrassment? But for whom? I don't know anymore.

I have then proved myself once again to be a stupid one. How can I show Nicolette and Tita Candida my most vulnerable state? I should've fought harder than that, I should've save myself from all of these kung hindi lamang dahil 'din sa sarili ko. But it's weird that I can't feel any regret for what I did.

Tila nabuwal ang iba'tibang emosyon ko sa loob kaya naman hindi ko na napigilan ang hikbi na nagmula sa aking bibig, I shut my eyes and mouth tighter para hindi marinig sa sasakyan ang aking mumunting iyak. The pain, tiredness, and the disappointment washed over me. As much as I want to stop crying, ngunit tila may sariling buhay ang mag ito at tumulo lamang ng kusa.

Naramadaman ko ang paglapit ni Lilo sa upuan ko at inilapit sa akin ang tissue holder, "Tahan na..."

I muttered my thank you at him before accepting the tissue on his hand. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.

"Where are we? Paki diretso sa mansion, I need to talk to Lola." I said.

Naninimbang akong tinignan ni Lilo bago pumunta ulit sa kinauupuan niya kanina at doon sinabi sa driver kung saan ako dadalahin. Two of my bodyguard's car is behind us, tailing us hanggang sa mansion at doon yata magkakaroon ng rotation of schedule nila sa akin kaya minabuti ko na 'rin na sa mansion dumiretso.

Habang nasa kahabaan ng biyahe ay biglang huminto ang van ng biglaan at muntik pa ngang tumilapon ang staffs at si Lilo sa harapan dahil sa impact ng hinto. Mabuti nalamang at nakakapit ako sa handle sa tapat ko. Napatili ang lahat dahil dito.

"Kuya, what is happening?" Ako na mismo ang  nagtanong.

"Ma'am, pasensya na po pero kasi itong sasakyan sa harapan ay hinintuan tayo." The driver said apologetically while pointing outside.

Vino, the third bodyguard that's riding with us, ay tumingin muna sa akin bago idiniin ang earpiece na nasa tainga nito, "Ma'am, huwag po muna kayong lalabas ng walang sinasabi sina Kiko sa likod. Bababa po muna ako para tignan. Paki lock po muna lahat ng pinto at binatana niyo." He said.

"Be careful..." Was all I could say to him.

Inalalayan naman ako nila Anica para pumunta sa tabi ni Lilo at tignan 'din ang kung anong nangyayari sa labas. From my seat, I can clearly see how the heavily black tinted car has cut our line. Pahalang itong pumwesto sa harapan ng van. Pinagmasdan ko naman si Vino kung paano lumakad papalapit sa kotseng nasa harap, at bago pa mismong matuluyang lapitan niya ito ay bumukas nag pinto ng kotse sa harap at lumabas ang may-ari.

Natutop ang bibig ni Lilo at nila Anica, "It's Yago! Si Yago 'yan! Oh my god..." Ang tanging nasambit ni Lilo habang turo-turo ang lalaking dire-diretsong tinutumbok ang papalapit sa amin.

I saw how Vino and the other guys have blocked him on his way ngunit tila hindi natitinag ito at winawaksi lamang ang mga hawak ng mga ito sakaniya. The highway is not so busy, kaya naman kakaunti at wala masyadong nadaan sa parteng ito. Lucky him, huh?

Tuloy-tuloy ang paglalakad nito patungo sa pinto ng van, kaya naman nang marating nito ang bukasan ay kinatok nito ang bintana. The windows are heavily tinted, siguradong wala siyang nakikita mula doon ngunit kung makatitig ito sa nasa loob ay alam na alam kung nasaan ako. 

He's even looking at my direction, "Milana, open up." He said through the windows.

Nagtagis lalo ang panga nito nang mapansin niyang wala akong balak buksan ito, he grew impatient as I watch from the inside. 

Million Dollar MarriageWhere stories live. Discover now