1

37 14 29
                                    


Another lazy afternoon, it's saturday and here I am waiting for a customer to come and buy some stuffs here at the convenience store. Pag talaga sabado madalang ang mga tao dito.

Nilabas ko ang wallet ko at binilang ang pera ko na pagkakasyahin ko ng isang buwan. Total of two thousand pesos hindi pa kasama ang s-swelduhin ko dito ngayon.  Yeah I'm a typical poor girl.

May pumasok kaya tinago ko agad ang luma ko nang  wallet na regalo pa sa akin na pinaglalagyan ko ng kakaunting pera ko. Pagtingin ko manager pala namin si ate Claire.

"Good afternoon Manager" bati ko dito at nginitian din. Siya ang nagpasok sakin dito dahil alam nya ang buhay ko at magkalapit lang din kami ng tinitirahan, mga limang buwan na din ako nagtatrabaho dito.

"Nakapagtanghalian ka na ba? Ako muna ang magbabantay dito kung hindi pa" sabi nya sakin habang nagtitingin ng mga stocks. "Hindi na kanina pa ako nakakain" sagot ko.

Nginitian nya naman ako at pumasok na sa opisina nya. Hayyy sobrang boring talaga. Kaya nilabas ko ang cellphone ko at dinistract ang sarili. Naglalaro ako nang may pumasok.

"Good Afternoon sir, welcome to *****" sabi ko dito. Pero di ko na nakita kung sino dahil mabilis lumakad at namili ng bibilihan. Nagkibit balikat na lang ako.

After mga fifteen minutes magbabayad na sya. Pagtunghay ko para makita kung sino, nagulat ako. Bakit hindi ako magugulat kung ang The Felix lang naman ang nasa harapan ko.

Si Felix o si Felix  Foster ay kilala dahil pamilya niya ang pinaka mayaman sa lugar na ito. Pero kung gaano sila kayaman ganon naman sya katahimik. Malaki ang pagakakaiba nila ng ate nito na social butterfly.

Nang tiningnan ko kung anong binili nito, band aid, alcohol, cottons at yakult? Ha para saan naman itong mga ito? Nang tiningnan ko sya nakita kong nagdudugo yung braso nya, na-alarma ako. Nang nakita nyang nakatingin ako nagiba ang awra nya.

"Hey Miss, titingin ka na lang ba?" Malamig nitong sabi na nagpabalik sakin sa realidad. Sa sobrang hiya dalidali kong napunch ang mga binili nya. "1-175 po lahat sir"

Nagabot sya sa aking ng two hundred at dali daling kinuha yung mga pinamili nya. "Keep the change" sabi nya na nagmamadali at lumabas na. Hmmm weird.

And the day past just like that. "Salamat Manager Claire" sabi ko dito nang makuha ang sweldo ko. Nginitian nya ako gaya ng lagi nyang ginagawa. Uuwi na ako dahil may papalit na sa akin para sa night shift.

Malapit lang ang tinitirahan kong apartment dito kaya nilalakad ko lang yun araw araw. Nagalalakad ako sa tabi ng kalsada ng may madaanan akong eskinita, w-wait si Felix ba yun?

Nang tiningnan ko nang maigi nakita kong si Felix nga pinagtutulungan ng tatlong lalaki. Sa sobrang taranta tumakbo na ako.

'Gaga ka ba iiwan mo na lang ng ganun? Pano kung mapano yun konsensya mo pa'
Sabi sakin ng utak ko kaya napatigil ako sa pagtakbo pero pano kung madamay ako?? Haysst bahala na nga.

Bumalik ako dun at nagsearch ng siren ng pulis at agad pinlay yun. Narinig ko kung pano natakot yung tatlong lalaki kaya nagtago agad ako. Nakahinga ako nang makaalis na sila.

Sumilip ako at nakikita kong napaupo si Felix at pinunasan ang dugo sa tabi ng labi nya. Ano lalapitan ko ba??? Eh pano kung masabihan akong feeling close? Haysst sige c-check ko lang kung ayos lang sya.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kanya, iniiwasang makagawa ng ingay. Nanatili syang nakayuko. "H-huy ahhm ayos ka lang ba?" dahil sa sinabi ko napaangat ang ulo nya at yumuko din naman ulit ng makita ako.

Ay disappointed si kuya.

Pero d nakalampas sakin yung pasa at sugat nya sa mukha. Pinantayan ko sya at nilabas ang panyo ko. "May dugo ka Felix a-ah panyo?" Patanong kung sabi.

Tumunghay sya akala ko kukuhanin ang panyo pero mabilis syang tumayo at naglakad, pipigilan ko sana sya pero lumingon sya at tiningnan ako. Ang lamig ng tingin nya kaya naman d na ako gumalaw.

"I don't need your pity" sabi nya na parang galit at iniwan akong nakanganga. Wait ano daw? Galit pa sya? Sa akin? Ha! Ano yun???

Sa sobrang galit ko naitapon ko yung panyo sa lapag at mabilis na naglakad ng may diin, bwiset panira ng araw. Pero di pa ako nakamalahati ng lakad nang balikan ko yung panyo.

Armando caruso kasi eh hehehe. Regalo lang sa akin sasayangin ko pa ba?

Pero nab-bwisit pa din ako sa Felix na yun grrrr!

Snow PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon