CHAPTER 2: TO BENJAMIN

17 1 0
                                    


"HI?" Sabi isang lalaki habang nag-iisa ako sa table sa library. Kunot noo pa ako habang tinatapos ang assignment. Kinikilala ko sya, pero hindi ko talaga alam pangalan nya?

"Ey, Hello! Pasensya na, classmate, ano nga ulit pangalan mo?" Sabi ko sa nakangiting lalaki, malaking balikat medyo kulot ang buhok at hindi kaputian at sintaas ni James Yap. Hmm.. Imagine mo na lang parang may foreigner akong kaharap!

"Di ba ikaw si... Yara?" Sabi nya na nakangiti sa akin. Wow alam nya name ko? Sabi ko sa isip. Tinupi ko muna ang book na binabasa ko.

"Ako si Benjamin, hindi mo naalala? Classmate kita once, sa Statistics." Sabi ulit ni Benjamin, habang inaantay nya na paupuin ko sya. Ang ganda ng boses, DJ ba sya?

"Benjamin pala name mo? Ah, nice to know you, bago palang ang klase ambilis mo maka-memorize ng pangalan." Sabi ko sa kanya. Iniisip, nakupo ano ba ito... assignment ko hindi na magawa. Bakit ba sya nandito?

"Marami ka yatang ginagawa? Nakakaistorbo ba ako?" Umupo na sya sa tabi ko. Grabe, nanliit ako, ano ba gusto nya pag-usapan namin, hindi naman kami magkakilala pa ng lubos?

Pero Yara, its time na ayan na yung perfect time magkakilala kayo ng lubos!

"Ha?" Sabi ko kay Benjamin. <Daming tumatakbo sa isip ko>

Ano ba itong imagination ko nagiging magical na naman... psst!!

"Ha?" Sabi ko ulit. Just a plain answer sa isang tahimik at imaginative woman na kagaya ko.

Napangiti na lang si Benjamin sa akin. Nag-umpisa sya magbasa ng newspaper na kanina nya pa hawak. "Oh, may dimple!" Sabi ko sa sarili. Biglang nagkaroon ng solar eclipse! I mean, tumigil pati ang pag-ikot ng mundo. Bakit ba ako biglang natigilan? Hmmp nakupo, nanlalamig ako, nilakasan ba yung aircon? Bakit ba kinabahan ako bigla? Sinusulyapan ko yung mata nya, kung paano sya umupo, at ang ganda ng kuko nya sa kamay! Mayaman ba sila?

Hindi kami gaano nag-uusap, kasi hindi naman sya nag-open ng topic e, saka nasa library kami!! Baka naman may inaantay sya, para kasing chillax lang sya sa pagkakaupo, mayor kung umupo at nagbabasa ng newspaper. O baka ako ang inaantay nya? Ako ba?

Natawa ako. Ngisi na hindi ko maintindihan, nagkunwari akong nagbabasa ng book. Napansin kong tumingin sya sa akin.

Baka akalain nya baliw ako. Pero hindi naman magulo buhok ko, sa haba ng buhok ko na straight cut parang buhok ni Lucy Lui.

"Hmm.. may kayabangan umupo si Benjamin." Sabi ko sa sarili. Pero okey lang, sulit naman, ang ganda ng mata nya! Curly eye lashes, parang ibang lahi ang katabi ko.

Ako ba ang pinuntahan nya sa library?

Huminga ako ng malalim, at tatanungin sya, wait, ano ba tatanong ko?

Ang weird ko naman, kung mauuna ako. Pinapatunog ko ang mga daliri ko.

Magsasalita na sana ako... ng sabi nya,

"Yara, Alis na'ko..." Tiniklop na nya yung dyaryo na hawak nya. At ngumiti sa akin ng kasama ang magandang dimple nya. Bago sya umalis, nagsuot sya ng salamin.

Malabo? Malabo ba mata nya?

Wala na lang ako nasabi, "Okey. Kita na lang sa klase." Halos idukdok ko ang mukha ko sa book pagka-alis nya. That feeling!!! Ang init sa library, "hininaan ba nila ang aircon?" Kanina sobrang lamig na lamig ako. My gosh!!!

PABABA na ako ng hagdan galing library.

Naalala ko si Daniel, last 2 sems pababa ako ng library, tinawag nya ako pasigaw pa, kumakaway-kaway at galak na galak sa ibabalita sa akin yung score sa Biochemistry. Nakasukbit sa balikat ang bag nya na luma na, yung suot nya na white pants...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MKNYDTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon