CHAPTER 1
“Ang Barkadang Laging Gutom AKA Tropa Gutz”
[Alhea Sancrity’s POV]
“Lola, alis na po ako.” Bati ko kay lola na kasalukuyang umiinom ng kape at kumakain ng pandasel pang almusal. Si lola Adelina ang lagi kong kasama dito sa bahay. Si mama naman nasa abroad at dun nagtatrabaho, si papa naman may ibang pamilya, divorced na kasi sila ni mama eh. Pero paminsan-minsan pumupunta sya dito at kinakamusta ako.
“Oh Al, hindi ka ba muna kakain ng agahan? Ang aga pa naman oh?” Sabi ni lola habang sinusuot ko ang mga sapatos ko na malapit lang sa hagdan.
Al ang family name ko. Lagi yan ang nickname na tinatawag sakin ni lola at ng parents ko.
I smiled at lola, “Hindi na po la, sa school na lang po ako kakain.” Kinuha ko ang shoulder bag ko na nakasabit lang sa pintuan, usually dun na lagi nilalagay ni lola yung bag ko kasi kung minsan nalilimutan ko sa kwarto ko to eh.
“Baka naman nagmamadali ka dahil sa boyfriend mo ha? Pakilala mo naman sakin Al.”
Napakamot ako ng ulo nang sabihin yun ni lola. Sya lang kasi ang nakakaalam ng sikreto kong yun. Hay naku la… Kung alam nyo lang. “Lola naman. Nakilala mo na po yun, dumalaw na po sya dito di ba?”
Yes, dumalaw dito noon si Ryuji pagkatapos kong sabihin kay lola ang tungkol samin. Well, sabi ni lola papuntahin ko daw at okay lang naman daw sa kanya. Gusto nya lang naman daw makilala.
“Ahh.. oo nga pala. Sa susunod papuntahin mo uli yun dito at ipagluluto ko sya ng paborito nyang carbonara.” Hirit ni lola.
Natawa ako ng unti. Kahit keylan talaga tong si lola mapagbiro. Pati paboritong pagkain ni Ryuji alam na alam eh. Ang kaso lang, hindi ko masabi na break na kami. Baka kasi mag-alala sya sakin eh.
“Ita-try ko pong kaladkarin yung mokong na yun dito lola sa masusunod.” Lumapit ako kay lola at humalik sa cheeks. “Alis na po ako.”
“Sige, sige iha. Umuwi ng maaga at mag-iingat ka ha?”
“Opo la.”
Hay… siguro sa susunod ko nalang sasabihin kay lola na break na kami ni Ryuji. Hindi ko kasi alam kung paano ba eh. Ayoko namang may itinatago ako kay lola, kaming dalawa nalang naman ang nasa bahay eh.
Nilalakad ko lang ang papuntang school. Walking distance lang naman ang layo saamin eh.
Hmm… kamusta na kaya si mama? Ang matagal-tagal rin ang balik ni mama mula Dubai eh, sa pasko pa. Mamayang gabi nga pala tatawag si mama sakin, kailangan kong umuwi ng maaga.
Eh si papa naman kaya? Uhmm.. wag ko na lang alamin.
Napatingala ako at nagbugtong-hininga. Bakit kung kelan mas kailangan ko si Ryuji syaka naman sya nawala sakin?
Then all of the sudden, my view went dark.
…
…
…
“Hulaan mo kung sino~!”
…
-___________________-
Anak ng sinigang na sinawsaw sa patis naman talaga oh! Panira lang ng pag-eemote ko dito ang peg?
May taong nasa likod ko, tinatakpan mga mata ko. At kahit kelan hindi ako nagkakamali kung sino to.
“Hay nako Alex! Tigil-tigilan mo nga muna ako!” Humiwalay ako sa pagkakatakip ng mga mata ko at nakita ko ang bruha.
“Hoy loka! Ang aga-aga beydtrep na beydtrep ka kaagad dyan? Maaga kang tatanda dyan atih!” Parang bakla lang ang best friend ko no? pero, loves na loves ko yang bruhang yan. Lagi naman syang nasa tabi ko kung keylan kailangan ko ng shoulder to cry on.
BINABASA MO ANG
Before, You we're TAKEN. Pero Tanggalin mo ang "T" at AKEN ka na
Teen FictionNakakabad trip ang mga katropa ko... pero sila nalang lagi ang nandyan sa tabi ko :") Barkada story, inspired by reality.