Chapter Four "I'm Her's, She's Mine" - Special Chapter for Ace and Lalaine ^__^

45 0 0
                                    

CHAPTER 4

“I’m Hers, She’s mine.”

[Ace Policarpio’s POV]

-________- Napaiyak nanaman ng husto si Lea, kahit kelan talaga napakaiyakin nya. She’s so fragile and soft hearted, kaya madali syang naloloko eh.

Ni nga hindi ko alam kung papaano nagawa ni Ryuji sa kanya yun eh. Dahil wala naman sa kanya ang manloko ng babae… Wala sa kanya ang lokohin si Alhea… Kilala ko si Ryuji, magkaibigan ang mom nya at ang mom ko. Sya rin lang naman ang dahlia kung bakit kami nagkakilala ni Lalaine.

(A/N: I’m giving out a hint sa pinaplano kong susunod na story. Haha! It’s about Ace and Lalaine, kung papaano sila nagkakilala at nagkatuluyan. So.. Yeah, si Ryuji at ang buong tropa kasabwat sa story-ing yon.  Flashback kung baga??  Well actually abangan nyo, ang buong tropa meyron din namang lovelifr no! Hahaha! Pasingit lang ng mukang singit na author XD)

Nung grade school days naman hindi sya ganun kung umiyak. Pero pagdating ng graduation namin nung grade six dun nagsimula ang iyaking Lea. Hindi dahil sa dramatic figure nya pagdating sa mga classmates kundi yung ang araw kung kelan nagdivorce ang parents nya. Ang dahilan kung bakit walang nakapag-akyat kay Lea sa stage, ang adviser nalang namin ang nag-akyat sa kanya nun.

Pagkatapos nun imbis na dumaretso sya sa kanila eh saamin sya dumeretso at dun nag-iiiyak sakin. Then umabot dun sa point na naospital sya dahil sa fatique.

Mahina, loner, medaling masaktan at gullible. Pero sa labas daig nya pa ang lalaki kung umasta, isa naman sa mga weakness nya ay ang pag-iistay sa dilim. -________- Napakaselfless nya. Kulang nalang eh lahat na ng mga kakilala nya ipagtatanggol nya.

Example, once na may nangyaring gulo sa classroom at kapag hinanap na ng mga teacher kung sino ang nagpasimuno nun, no doubt magvovolunteer agad sya at sasabihing ‘Ako po ang nagpasimuno ma’am. Sorry po.’ Then sabay bow. At dahil alam ng mga teacher na pinagtatakpan nya lang ang may sala at ayaw nang madamay ang buong klase dahil ang nagpasimuno ay hindi umiimik, pinapalagpas lang si Lea.

Hayy… inaalala nya muna ang iba kesa sa sarili nya.

Pagkatapos tumahan ni Lea agad kaming dumideretso sa classroom namin. And believe me, parang walang nangyari kay Alhea kanina.

“Aceeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!! TT^TT si Liam ang yabang-yabang oh!!!!!!!! Palibhasa nanguna lang natuto sakin maggitara eh!!!!!” Subong nya habang naglalakad kami sa may corridor.

“Hoy! Wala akong sinasabi ha! Makapag-imbento ka wagas!” Defend naman ni Liam sa sarili nya. “Syaka bass ang hawak ko timang!”

Si Liam,  matalino, syaka mukhang matino. Ang kaso laging nang-aasar, nagcucutting classes, minsan naman may pagka-chickser ang dating.

“Ayy.. Oo nga no, nalimutan ko… Hhahahahaha!” Halakhak naman ni Lea.

“Bakit nga naman kasi gitara ang naisip mong ipang-asar sa kanya kung bass ang gamit nya?” Tanong naman ni Rence.

Napakamot ng ulo si Lea, “Nalimutan ko nga eh… Hehehe!”

Si Rence naman nagpapakatorpe pa. Halata na nga sa kanyang inlababo sya kay Lea kaso eto namang si Lea sadyang manhid lang talaga para hindi nya maramdaman yon. Alam kong takot parin si Rence at baka ma-reject sya at baka daw may possibilities na mawala ang friendship nilang dalawa. Kaya naghahanap muna ng time to para sabihin sa kanya. Pero, I’m sure there would be a chance na matutong mahalin sya ni Lea, hindi lang ngayon.

“Tara dun muna tayo sa music room tumambay!” Suggest naman ni Zander.

Si Zander naman… Hay ewan. Chickser tong isang to, kaya minsan yung mga babae neto si Lea ang nalilintikan dahil daw sa pagkaclose nilang dalawa. Pero, may pagka-protective naman sya kay Lea kahit papano. Parang nga may meaning eh.

Before, You we're TAKEN. Pero Tanggalin mo ang "T" at AKEN ka naTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon