Chapter 1

25 1 0
                                    

Elise

Lumabas na ako ng airport at nakita ko na rin sa wakas ang ganda ng Manila.

Maraming matataas na buildings, maraming sasakyan, traffic parin Haha!

Elise's Brain: "Girl, saan ka matutulog ngayon?"

Oo nga!

Saan kaya ako pwede mag-stay?

Sa hotel? pero ang mahal naman dun eh.

Pwede naman sa pension house pero baka may mumu roon huhuhu.

Habang nag-iisip ako, may nakita akong flyer.

Binasa ko yung flyer

"Student Dormitory, Open to all Junior, Highschool to College students......."

Omg, thank you po talaga.

Agad ko rin naman nakita ang sign papunta sa Dormitory.

"Nandito ka lang pala. let's go na!"
hype na hype kong sinabi.

_________________________________________

Nandito ako sa front gate ng dormitory pero hindi ko parin alam ang gagawin ko eh.

Papasok ba ako o hindi?

"Excuse me? May kailangan po ba kayo?" biglang sumulpot ang isang mapayat na babae

"AAAHH!!" nabigla naman ako doon.

Ayusin mo nga yung attitude mo Elise, nakakahiya eh!

"A-ah, O-oo eh, saan po ba mag-iinquire?" sabi ko sakanya

Bigla naman siyang tumalikod at sinabing sundan siya.

Napadaan ako sa ibang rooms, maganda naman siya.

Kumatok siya sa isang room sabay sabing "Nay, may mag-iinquire po"

"Sige, sandali lang!"

Agad naman tumambad sakin ang isang babae, mga 40's na yata na may dalang notebook at ballpen.

"Magandang Hapon iha, pasok ka muna" inalok niya akong pumasok muna para mapag-usapan namin ang room

"Sige po, salamat" pumayag naman ako sa alok niya

***
"Ayan, nacontact ko na ang tumitira doon sa dorm, pwede ka ng pumasok doon, ito ang susi mo" sabi niya sabay abot ng susi sakin

"Salamat po talaga Nay Chu, sige po mauna na po ako" sabi ko sabay ngiti

"Pero iha, ayos lang ba sayo na makikishare ka ng room?"

Noong una hindi sana ako papayag pero wala namang akong choice dahil wala naman akong ibang mahanap na dorms.

"Opo nay Chu, wala narin naman akong ibang lugar na pwede matirhan at baka maligaw pa ako sa Maynila hahaha!"

Ayaw kong maligaw noh, iiyak talaga ako!

"Sige iha, ikaw ang bahala, salamat rin" sabi ni Nay Chu

Sinabi niya sakin na fully booked na ang mga kwarto dito pero may isang room dito na pangdalawahan, pwede naman ako doon pero tinanong niya ako kung pwede ba.

Pumayag naman ako dahil no choice naman ako, wala na kasi akong matitirahan na iba eh.

Umakyat na ako papunta sa room ko.

"Room 23" sabi ko habang hinahanap yung room

Room 23, Room 23, Room 23

Saan na kaya yun?

"21, 22, 23! Nandito na tayo!" sabi ko

Excited na talaga ako makita yung room.

Pagpasok ko ay namangha ako kaagad

"Ang ganda naman!" iyan lang ang nasabi dahil sa saya

Maganda ang pagkadesign ng kwarto, plain lang siya pero maganda parin

Malinis rin at walang kalat!

Dalawang bed, isa sa kabila at ang isa malapit sa window.

Wala pa kaya 'yung roommate ko

I immediately put down my bags and went on my bed.

Hanggang sa nakatulog na lang ako dahil sa pagod

_____________________________________________

*Yawn*

Anong oras na ba?

I checked on my phone and it's already 9:00 in the evening.

"Ang haba ng tulog ko ah..." sabi ko habang papalapit na sa pintuan

Bumungad sa akin ang isang malaking...

Lalake!

Sasaluin ko na sana siya ngunit kulang ang lakas ko kaya pareho kaming natumba sa sahig

"A-aray naman..."sabi ko habang minamasahe ang likuran ko dahil sa sakit

Saan naman yata nanggaling ang nilalang na 'to?

He's drunk. Agad ko naman siyang binuhat papunta sa higaan ko.

Ginamit ko ang buong lakas ko para maibuhat lang siya doon.

I don't know why I am helping this random stranger but alam niyo naman guys na mabuti akong tao #helper

Pagkatapos ko siyang buhatin ay napaupo na lang ako sa sahig, parang lahat ng energy ko nawala sa isang iglap.

Hindi ko namalayan na napapasulyap na pala ako sa mukha niya.

Ang gwapo niya pala, maamo ang mukha, makinis ang balat, mapula ang labi....

Napanga-nga na lang ako sa mga sinabi ko.

Tama na 'yan Elise, hindi tama na pagnasahan ang mga lalake na hindi mo kilala!

I slapped my face at natauhan naman ako doon.

I immediately get some warm water and cloth para mahismahan siya.

Pero diba bawal ang ginagawa ko?

Ahh basta bahala na si batman, sana tama toh ang mga ginagawa ko

I slowly unbuttoned his polo at nakita ko kaagad ang hubog ng kanyang katawan.

Oshoots! Oh tukso, layuan mo ako!

I wiped off his neck, his arms, chest until I made up to his abs.

"Mmmmh..." omg bakit ganun yung reaksyon niya?!

Just relax Elise, walang mangyayaring masama sayo.

Pagkatapos ko siyang punasan ay pinabayaan ko na siya muna.

Huhu, saan ako matutulog ngayon?

I guess sa sahig muna ako matutulog ngayon, hindi pa kasi ako nakaorder ng furnitures.

Hindi naman ako pwedeng matulog sa isang bed kasi baka dumating kaagad yung roommate ko.

Unti-unti naring bumibigay ang mga mata ko.

Hanggang sa nakatulog na ako...

____________________________________________

*Yawn*

Parang hindi masarap ang tulog ko ah, ang sakit sakit kasi ng katawan ko.

Dahan dahan akong tumayo at nakita ko na wala na siya sa higaan

Wala na siya sa higaan....

Wala na siya sa higaan?!

Natauhan ako at dali daling tumayo at hinanap siya.

Nasaan na kaya 'yon?!

Jusko anu ba 'tong gulong pinasok ko?

My Roommate, My SoulmateWhere stories live. Discover now