Chapter 6

4 0 0
                                    

Elise

"Pwede ba akong manligaw?" ano daw?! Manligaw?!

Bigla naman akong napatulala dahil matagal pang iprocess ng brain ko ang mga sinabi niya.

"Excuse me?! Sino ka ba para ligawan ako?! Hindi ako nagpapaligaw ng basta basta at sa taong hindi ko kilala" nabigla naman siya sa lahat ng sinabi ko, dapat lang sakanya yun.

Aalis na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng mahigpit.

"A-aray ko, bitawan mo nga ako!" pagpupumiglas ko.

Kinuha ko ang kamay ko ng buong lakas at sinampal siya sa mukha.

Parang umikot ng 360° yung mukha niya dahil sa sampal ko.

"Walangya ka!" sabi ko sakanya.

Hindi na siya naka-imik dahil sa lakas ng sampal ko.

Umalis na kaagad ako doon baka kung anu-ano pa yung gawin niya sakin

Hindi ko alam na nandun si Aldren at ang kausap kong lalaki kanina na nakatingin sakin.

Matatawa ka talaga sa reaksyon nila, nakanga-nga parin sila hanggang ngayon.

Pumunta na ako sa kanila at may binulong sa kanila.

"You know boys, I'm not that damsel who is in distress. I do not need Prince Charmings to save me" at agad na akong bumalik sa cottage namin.

***

Aldren

Earlier....

Nasan na kaya yung madal dal na babaeng yun? Nakarating na siya yata dito.

Kanina ko pa hinahanap si Elise kung saan saan pero wala talaga siya dito.

Bigla namang sumulpot si Richard.

"Uy pare, sino yung hinahanap mo? Si Elise noh?" sabi naman niya.

"P-parang ganun na nga, pero nakita mo ba siya?" hindi ko na kasi madeny sa kanya. Kilalang kilala talaga ako eh.

Hindi ko naman maiwasan na hanapin siya. Baka kung ano ang mangyari sa kanya dito.

Concerned lang ako. Nothing else.

"Oo, pero umalis kaagad dahil may kakausapin daw na lalake" what?! lalake?!

"Nasan siya?! Kailangan natin siyang sundan baka napano na siya!" sabi ko kay Richard.

Bigla niya naman akong hinawakan sa mga braso ko "Chill lang dude, alam ko kung saan sila pumunta" sabi naman niya.

"Tara na bilis!" at sinundan ko lang kung saan siya pumunta.

Nasan na kaya yun?! Baka napahamak na siya?!

Relax lang Aldren, don't think bad possibilities.

Sa wakas ay nakita na namin siya, parang pinipilit talaga siya ng lalakeng yun.

Teka parang kilala ko kung sino yun, si Henry yun ah!

"A-aray ko, bitawan mo nga ako!"

Lalapit na sana ako sa kanila pero hinarangan ako ni Richard.

"Ano ba pare?! Kailangan natin—" bago pa ako makapagpatuloy ulit ay inunahan na niya ako.

"Just look" sabay turo sa kanila.

Bigla namang kinuha ni Elise ang kamay niya mula kay Henry at agad na SINAMPAL NG MALAKAS!

"Ouch naman" yan lang ang nasabi ko dahil para ako pa yung nasaktan dahil sa lakas ng sampal.

Ang lakas naman nun, spiker ba siya?

My Roommate, My SoulmateWhere stories live. Discover now