Elise
Isipin niyo kung ano ang mayroon ngayon?
Sige isipin niyo lang hindi ko na sasabihin, bye!
Ay joke lang mga kumare hahaha!
It's the first day of our 1st Quarter exams at hindi na ako makapaghintay na....
bumagsak.
Natatakot na talaga ako baka mamental block ako mamaya pag nandyan na yung test.
Gosh! Parang naiihi na rin ako!
Lord, please guide me on my test later, wag niyo po akong pabagsakin.
Nagreview muna ulit ako para hindi ko makalimutan yung mga sagot.
Hanggang sa hindi ko na talaga matiis.
Hindi ko na talaga kaya mga sis!
Kailangan ko na talagang sagutin ang tawag ng kalikasan!
Tumayo ako sa upuan ko at pumunta na kaagad sa girl's bathroom.
Pumasok na ako sa isang cubicle at sinagot na ang tawag ng kalikasan.
Hayy, I'm much relieved.
Lalabas na sana ako ng cubicle ng bigla kong narinig ang pangalan ni Aldren na pinaguusapan.
Hindi ako muna lumabas ng cubicle. I want to listen to these soon-to-be viral gossips.
"Alam mo girl, nabalitaan ko na babalik na si Kleirah mula sa States!" Kleirah?
"Totoo? Baka nagsawa na siya dun sa mga kahookups niya States kaya babalik na siya dito." ang bad naman nila!
"Oo sis, baka tama ka" sang ayon ni Girl 1
Jusko! Ang tagal naman nila mawala!
"Teka sis, alam mo ba kung kaano ano ni Aldren si Kleirah?" tanong ni Girl 2.
Teka....
"Hindi mo ba narinig last year sis? Naging sila ni Aldren! Pero nagbreak sila kaagad last summer" what?! May ex si Aldren?!
Bigla naman may kumirot sa dibdib ko. Nanghihina na rin yung mga tuhod ko.
Maya maya ay may pumatak na mainit na likido sa mukha ko.
Umiiyak na pala ako.
Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Marami ring mga tanong na bumabagabag si isipan ko.
Hindi ko na talaga kaya!
Binuksan ko na yung cubicle at tumakbo palayo habang pinupunasan parin ang mga luha ko.
Bahala na kahit may makakakita pa sa akin, wala naman akong pake!
Bigla naman akong nadapa. Wala na bang mas maisasama tong araw na toh?
Yumuko lang ako at umiyak para mabawas bawasan rin ang kirot na nararamdaman ko ngayon.
At mas nakakainis pa ay siya pa yung nakakita sakin.
"Elise?! Ayos ka lang ba?!" hindi ko pinansin at tumayo lang ng mag-isa.
Nilagpasan ko lang siya, siguro nagtataka siya ngayon kung bakit ako nagkakaganito.
Kung bakit ako umiiyak dahil sakanya.
Binilisan ko na lang yung paglakad ko at hindi ko na siya pinansin.
"Elise! Ano ba ang problema mo bakit 'di ka namamansin?!" ikaw yung problema ko Aldren, ikaw!
Tinawag niya parin ako habang lakad parin ako ng lakad.
YOU ARE READING
My Roommate, My Soulmate
Teen Fiction𝐎𝐍 𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆 "Nahulog na yata ako eh...." I am Zephy, just a normal teenage student. I have the beauty, the brain, everything you could imagine. But fate had its twists and turns, until I met Aldren. The guy who changed everything and little did...