Aldren
Siya?!
*Flashback*
"Arghh! ang sakit sakit ng ulo ko....." sabi ko at bumangon na sa higaan ko.
Teka? hindi ko 'to higaan ah!
Nasaan ako? Na sa maling kwarto ako!
Bigla naman akong napatayo at napansin na may babae na natutulog sa sahig.
Siya ba 'yung bagong roommate ko?
Maganda ah...
Anu ba ang mga pinagsasabi ko?
Teka pero paano ako naka abot sa higaan niya?
Ang naalala ko lang kahapon ay nag-inuman kami ni Richard ah.
Bahala na nga dyan, tatanungin ko na lang siya mamaya.
Naligo na ako at nagbihis na, baka malate pa ako eh, masesermonan naman ako ng bruha kong teacher.
Hindi ko na siya pinansin kasi mukhang masarap yung tulog niya eh.
________________________________________________
Pagdating ko sa University ay agad namang akong hinatak ni Richard.
"Oy bro, nandito ka na pala, akala ko aabsent ka ngayon?" sabi niya sabay akbay sakin.
"Hindi pwede eh, baka masermonan na naman ako ni bruha" walang gana kong sinabi.
Tumawa naman siya ng malakas, na parang wala ng bukas.
Siya pala si Richard Charles Montes, ang best bro ko dito.
Matangkad, mabait at gwapo kagaya ko HAHA.
Palahabulin rin yan ng mga girls dito sa campus.
May fanclub pa nga siya eh!
Tinanong ko na siya kung sino ang naghatid sakin sa dorm kahapon.
"Ahh bro, sino pala ang naghatid sakin kahapon?" bigla naman siyang natauhan sa tanong ko.
"Hinatid ka ni Jason kahapon, bakit mo naman natanong?" sabi niya sakin
"Ahh wala naman....." sabi ko sakanya at hindi ko na siya tinanong pa.
*End of Flashback*
Biglang namang nagsalita si Richard.
"Bakit bro, kilala mo ba 'tong chiks na toh?" sabi niya sabay ngisi.
Sasabihin ko ba na siya 'yung roommate ko?
"Ahh oo, roommate ko kasi 'yan sa dorm ko, bakit? " sabi ko sakanya ng diretso
"What?!" lumaki naman kaagad ang mga mata niya "–naku bro, hindi ka talaga minamalas pagdating sa mga chiks!" sabi niya
Binatukan ko na lang siya dahil sa pinagsasalita niya.
"Awww, bakit hindi ba totoo?" tinanong niya ulit ako pero this time hindi ko na siya pinansin.
Dumeretso na ako sa classroom habang si Richard naman ay salita parin ng salita.
YOU ARE READING
My Roommate, My Soulmate
Ficção Adolescente𝐎𝐍 𝐆𝐎𝐈𝐍𝐆 "Nahulog na yata ako eh...." I am Zephy, just a normal teenage student. I have the beauty, the brain, everything you could imagine. But fate had its twists and turns, until I met Aldren. The guy who changed everything and little did...