Chapter 7

5 0 0
                                    

Elise

Kay bilis talaga ng panahon pag hindi mo ito iisipin.

After ng birthday party ni Samantha ay nagsimula na ang week of studying.

Lahat lahat ng estudyante dito ay naghahanda na para sa 1st Quarter exams.

Ang ibang teachers ay naghahanda na rin ng mga answer sheets for the exams.

Lahat talaga ng tao dito ay busy. Wala ng time para maglibang at pumunta kahit saan.

At siyempre ganun rin ako, nagstustudy rin ako to become a good citizen of this country hahaha!

Nandito ako ngayon sa dorm kasi walang kaming pasok. Preparations for next week's exams daw.

Wag niyo nang tanungin kung saan pumunta si unggoy. Hindi ko rin kasi alam.

Ang alam ko lang ay umalis siya kaninang umaga, parang nagmamadali, ewan nga kung bakit.

Nagpatuloy na lang ako sa pagbabasa ng reviewer ko para sa Social Studies exam.

Hindi talaga gumagana yung brain ko dito, ayaw magprocess ng info.

I hate this subject!

Maya-maya ay biglang tumunog yung tiyan ko.

"Gosh, nagugutom na ako!" sabi ko sabay hawak sa tiyan ko.

Pumunta ako sa ref namin at alam niyo kung ano ang nakita ko?

Ref na walang kahit isang pagkain.

Napahawak na lang ako sa noo ko. Hindi pala ako nakapaggrocery.

Tumunog naman ulit yung tiyan ko, yung malakas na talaga. Yung maririnig na talaga ng mga kapit-bahay niyo.

Napagpasyahan ko na lang na maggrocery muna ako at bumili ng ice cream.

Nag-ayos ako ng kaunti and *tingg* I'm ready!

Lumabas na ako ng dorm and hailed a cab.

Mga 20 minutes lang ang byahe ko mula sa dorm papuntang grocery store.

Pumasok na kaagad ako at kumuha ng cart. Kumuha ng ako ng lahat ng kakailanganin doon sa dorm.

Hygiene products, canned goods, frozen goods and snacks.

Bumili na rin ako ng ice cream na malaki at Cornetto na kakainin ko ngayon.

"Hi maam, good afternoon!" bati niya sakin, ngumiti lang ako as response sakanya.

Bigla kong napansin yung monkey na keychain sa tabi ko.

"Miss, magkano toh?" sabi ko sakanya.

Bigla ko kasing naalala si Aldren, unggoy kasi yung tawag ko sakanya, remember?

Napangiti naman ako sa design ng keychain.

"Free lang po yan maam pag naka 1000 pesos worth of purchase po kayo" free lang pala toh?

Nagtanong na ako sa cashier kung worth 1000 pesos na ba yung binili ko.

"Yes maam, aavail po kayo?"

Umoo ako at may pinapirma siya sakin na nakastate na nakuha ko yung keychain.

Sana magustuhan niya...

Pagkatapos ko magbayad ay napadaan ako sa isang milktea shop na malapit lang din sa grocery store.

Bigla nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na di rin kalayuan. May kasama siyang babae.

My Roommate, My SoulmateWhere stories live. Discover now