(Pablo's POV)
500 taon sa nakaraan
Ilang linggo na akong naglalakbay, walang kain, walang tulog, walang pahinga pero hindi ko pa rin nakikita ang hinahanap ko. Ilang araw na akong nakasakay sa kabayong ito pero hindi ko pa rin nahahanap ang lugar na gustong kong puntahan. Madungis na aking suot na kamiseta at pantalon. Pagod na rin ako pero wala akong pakielam.
Sa ngayon, nasa gitna na ako ng madilim na gubat na ito. Ilang oras nang lumubog ang haring araw ngunit heto ako hinahanap ang lugar na hango lamang sa alamat. Alamat na dati hindi ko pinapaniwalaan ngunit nagbago iyon nang...hindi! Hindi ko sasambitin ang kanyang ngalan habang hindi ko nahahanap ang pook na kanyang sinabi.
Napatigil na lamang ako sa aking landas na tinatahak nang may mamataan akong isang ermetanyong naglalakad sa daan. Ang kanyang puting buhok ay humahalik na sa lupa, ang kanyang katawan ay mas kulubot pa sa luntiang ampalaya, ang kanyang mga saplot lamang sa kanyang katawan ay isang luma at maduming tela, at sa kanyang kanang kamay ay nakahawak sa isang sangang nagbibigay alalay sa kanyang mahinang katawan.
"Lolo, kayo'y sumakay na ho" ang alok ko sa matanda. Tumintig lamang ang ermetayo sa akin at ngumiti.
"Iho, ika'y pagkabaitbait ngunit malayo ang aking pupuntahan" paliwanag ng matanda sa akin.
"Lolo, ako po'y tiyak na mas malayo ang pupuntahan ko kaya sumabay na po kayo sa akin" sabi ko sa kanya.
"Iho, saan ba ang iyong balak puntahan?" tanong sa akin ng matanda. Tinignan ko ang kanyang mga mata na kasing kulay ng maaliwalas na langit. Mayroong bagay na kakaiba sa matandang ito.
"Sa isang patuluyan po sa gitna ng kagubatan" matapat kong sagot sa matanda. Tumago lmang ang matanda at sumakay sa aking tabi.
"Ang patuluyan ba ng gabi ang tinutukoy mo, binata?" sabit ng matanda. Sa wakas, isang nabubuhay na nilalang ang makakapagsabi kung nasaan ang hinahanap ko.
"Opo, lolo" sagot ko. "May alam po ba kayo kung nasaan ang patuluyan ng gabi?"
"Ang tanging alam ko lamang sa patuluyan ng gabi ay naghahanap ito ng bagong may-ari nito" sagot ng matanda. Nagulat na lamang ako dahil sa mga napagtanungan ko ang tanging alam nila ay tinutuloy ito ng mga nilalang ng gabi, mga halimaw at engkanto. "Ibaba mo nalang ako iho sa susunod na ilog" dugtong ng matanda. Ako lamang ay pumayag at tinuon ang pansin sa daan sa aking harapan. Maaaring kasingungalingan lamang ang winika ng matanda dahil sino ba ang nakakaalam ng ganoon bagay?
Nakarating na kami sa isang tabing ilog na tinuring ng matanda. Ang ilog na kanyang kinuwento ay sa pagitan ng isang burol at isang kagubatan. Malalim na ang gabi nang bumaba ang matanda. Siya ay ngumiti sa akin at nagpasalamat pero mayroon mali dahil sa pagkakakita ko ay wala ni isang bahay dito. Ang tanging liwanag ay nagmumula lamang sa lamparang dala-dala ko. Agad kong hinawakan ang aking dalang itak na nakasabit sa aking tagiliran.
"Iho, ang mga taong dumadaan dito ay nais nang mamatay o nakapatay" sambit ng matanda. Ito'y aking kinagulat. "Binata, alin ka sa dalawa?"
"Hindi ko alam ang sinasabi ninyo kaya ako'y tutuloy na sa aking paghahanap" umakyat na ulit ako sa aking kariton. Hindi ko nais pagusapan ito. Ang nais ko lamang gawin ay hanapin ang patuluyan ng gabi.
"Paumanhin ngunit alam kong nagmula ka pa sa malayong lugar kaya ito tanggapin mo ang tanging maibibigay ko". Inabot niya ang kanyang lalagyanan ng alak.
Ang sisidlan ay aking binuksan at inamoy. Tila kaamoy ng aking mahal. Ang amoy ng mahal na pabango mula Espanya. Nang dumikit ang alak sa aking dila ako'y nagsisi. Ibang iba ang amoy ng alak sa lasa nito. Kaning-baboy ang unang pumasok na lasa sa aking isipin. Kaning-baboy na pinapakain sa amin dati sa hacenda.
"Lo, bakit ganito ang lasa ng ninyong alak?" tanong ko sa matanda habang nangingilabot sa pandidiri.
"Ikaw Pablo Mercado ay puno ng pagsisisi, kapaitan, at galit. Ikaw ay nagkasala at nakapatay ng maraming buhay. Kailangan mo itong pagbayaran habang panahon" sambit sa akin ng matanda.
Umikot ang aking paningin. Ako'y bamagsak sa lupa. Ang tanging tukod ko lamang ay ang aking kanang kamay. Habang ang isa ko pang kamay ay nakahawak sa aking ulo. "Sino ka?!" sigaw ko sa matanda habang pinipilit tumayo.
Hindi na siya matanda kundi siyang matipunong ginoo na nakadamit sa makulay na kasuotan na tila ba isang katutubo. "Ako si Bathala at pinaparusahan kita sa pagkitil ng maraming buhay" sagot nito.
Hinagis ko ang ang sisidlan malapit sa burol. Laking gulat ko nang kainin ito sa lupa at mula sa pinaglubugan ay sumibol ang isang nakatikom na pulang rosas na tulad ng binigay ng aking mahal dati sa akin.
Nawala na parang isang bula ang sakit sa aking tiyan at nakatayo na ako. Lumabas mula sa mga ulap ang mga apat na konkretong haligi na may mga bintana at pintuang gawa sa kahoy, at bubong na gawa sa bagong bakal. Bumbuo ito ng isang gusali malapit sa pulang rosas, na makikita lamang sa mga lungsod tulad ng Maynila.
"Ano ang iyong ginawa?!" hiyaw ko sa ginoong nasa aking harapan.
Humalakhak siya. "Ikaw na ang bagong namamay-ari ng patuluyan ng gabi" sabi niya sa akin. "Diba, ito naman ang gusto ng iyong kasintahan?" dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
Hotel Nocturna
FantasíaAng Hotel Nocturna, ay hindi katulad ng ibang hotel: ang mga clients nito ay mga elemento ng kalikasana, at mga ligaw na kaluluwa. Lumalabas lang ang tunay nitong wangis kung wala na ang araw at naghahari na muli ang buwan. Si Peter Martinez ay kal...