UMUPO kami sa pangdalawang upuan sa loob ng club na aming pinuntahan. Habang nasa biyahe kanina ay lumulutang pa rin sa akin ang isang katanungan.
Nambababae ba ulit si Niel? Hindi ko makapa kung ano ang dapat madama. Maybe because he did once and this time it's not as hurt as the first time again? Maybe it was. Sa bagay, simula nang magkabalikan kami uli ay hindi na buo ang tiwala ko sa kaniya.
It was just hard to give your full trust again to people who already broke it. Maaaring magtitiwala ka ulit, pero hindi na tulad ng pagtitiwala mo dati.
Itinaas ni Landon ang kamay at may agad na lumapit sa kaniya para manguha ng order niya. Humalukipkip ako sa kaniyang harapan. Napatingin siya sa akin.
"Iinom ka agad ng alak, Sir? Hindi ka pa kumakain." Tiningnan ko ang oras sa aking relo. Alas-singko na pala pero medyo marami ng tao sa club.
"I ordered dessert for you. I did not drag you here to drink too. I just wanna have some company." Humalukipkip din siya at pinakatitigan ako.
Bahagya akong nailang. "I thought you're angry with me?"
"I still am."
"Then what I am doing here with you?"
"Just sit and see."
Napailing na lang ako at inilibot ang paningin sa buong paligid. Hindi tulad sa club na pinuntahan ko noon dahil sa pagsunod kay Niel, parang pang high class costumers ang club na 'to. Marami ang waiters and waitresses at may bouncer din sa labas.
Women were on their short dresses and highlighted make-ups while men were on their best outfits. I suddenly felt out of the place. Naka-office attire pa ako!
May mga babaeng kumakaway kay Landon pero agad ding napapatigil 'pag tinuturo ako nito. Napairap ako sa hangin.
"Bakit hindi mo na lang isinama mga babae mo rito?"
"It's you that I want." Napipilan ako sa kaniyang sinabi. Wala namang maganda sa sinabi niya pero parang sinilaban ang sikmura ko. Nakita ko ang pagsilay ng kaniyang ngisi. "Cat got your tongue?" pang-aasar niya pero inirapan ko lang ulit.
Mayamaya pa ay dumating na nga ang isang bucket of beer at dalawang dessert na in-order niya.
"Hindi ko alam na may desserts pala ang mga clubs." Komento ko at kinuha palapit ang pagkain.
Hindi na ako nagpakimi pa at sumubo na agad ng cake. Ni hindi niya rin ako sinagot pero nakatitig lang sa bawat subo ko. Iginala ko uli ang tingin, hindi kami masyadong kita rito sa aming puwesto dahil nasa pinakagilid kami at mapusyaw ang ilaw. Mas gusto ko na rin iyon dahil ayaw kong may makapansin sa aking pumupunta ako ng club.
Naubos ko ang dalawang order ng cake samantalang si Landon naman ay naka-isang bote na ng alak. Panay pa ang kaniyang pagtingin ng orasan na binalewala ko na lang. Nalilibang akong napapa-head bang sa masayang tugtugin. Aliw na aliw din ako sa panonood sa mga nagsasayang tao. I guess seventy percent of people in the dancefloor were all strangers to each other. Ganito 'yong mga nababasa ko sa mga libro. 'Yong nagkakaroon sila ng ka-one night stand and boom—sila sa huli. Napahagikgik ako sa pinag-iisip.
Nag-vibrate ang cellphone kong nasa ibabaw ng mesa. 'Yon lang ang nabitbit ko at ang bag ay naiwan sa opisina. Maging si Landon ay napatingin doon. May text si Niel na agad kong binuksan.
Sorry. Naiwan ko phone. Eat dinner. I'll be busy tonight. Love you.
Napasimangot ako sa kaniyang tinext. Muntik pang manlaki ang mata ko nang makitang alas-siyete na!
BINABASA MO ANG
Ruined ✔
RomanceGrenaige Twin: Landon's Check the hashtags & read my bio before you dive in this story. (PUBLISHED but no more reprints)